Still You
Kahit hindi ako nagpaalam ng maayos ay umalis na ako paglaubos ng pgkain ko. Binitbit ko na lang ang softdrinks na hindi ko pa naiinuman dahil tubig ang pinaiinom niya sa akin. Nakakabigla na alam niya pa rin pala na bawal ako rito. Well, I don't want to follow wht he wants for me. We have our own life so so he should stop commanding me from what should I do.
Unang lagok pa lang ay napaimpit ako sa sakit na naramdaman. Shit, akala ko ok na! Parang may humihila ng puson ko sa sakit. Damn this! Tinapon ko na lang ang bote kahit kaunti pa lang ang bawas. Nagpahinga na lang muna ako dito sa tahimik na rooftop ng school.
Nagmensahe ako kay Jane na sunduin o samahan ako dito sa itaas dahil hindi ko kayang gumalaw pa. Magkaka-UTI na naman ako. Dapat pala ay sinunod ko na lang siya. Pero masyadong mataas ang pride ko kaya hindi.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may maramdaman kong presensya na kapapasok lamang ng rooftop. Tinignan ko kung si Jane iyon pero napalitan lamang ng galit no'ng makita ko ang nakakunot na noo niya.
"I told you never drink it! Ano ngayon, nalulukot ka sa sakit?" He started. Hindi nawawala ang galit sa ekspresyong ipinapakita niya
"Stop scolding me! I'm not a child anymore. Inakala ko lang naman na ok langna inu-"
"Kapag sinabi kasing bawal, bawal! Ang tigas ng ulo mo, Trivian-"
"Noong sinabi ko bang bawal kang magmahal ng iba, sinunod mo, Kris? Sa dami ng babae mo ay hindi ka rin sumunod sa kung anong bawal!"
"Wala akong babae..." Mahinang sambit niya.
"Kung iyan ang gusto mong paniwalaan ko." Mataray na sabi ko at sinubukang tumayo. Nabigo lamang ako dahil nananakit pa rin ang puson ko.
Naalerto siya at ambang lalapit sa akin. Hindi niya lang natuloy dahil binalingan ko siya gamit ang galit kong mukha. Don' every try to come near me, damn Holand. Hindi mo ako makukuha sa mga bitag mo.
"Wala akong babae-"
"Kung wala, e 'di wala! Wala akong pakialam kung mayroon at putanginang dami ng bilang niyan! Wala na kung wala, just keep quiet, damn you."
"I want to help kaya sinundan kita ng mapansin namilipit ka sa sakit no'ng nasa baba. Mukhang ayaw mo naman-"
"Go ahead and call somebody can help me. Alam ko rin naman na wala ka nang pakialam kung anong nangyayari sa akin kaya magtawag ka na lang ng pupwede. Bakit kasi inakyat mo pa ako."
"I still care for you, hindi mo lang napapansin." Aniya. Nakaramdam ako ng lungot sa pagkakasabi niya noon.
"You're moved on. It's very impossible that you still care about my freaking life. Now call somebody-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakalapit siya agad sa akin ay binuhat ako.
In a swift move, I'm now in his strong muscles. Napakapit ako sa batok niya dahil sa bigla. Umiwas ako ng tingin at binitiwan ang inalis ang kamay ko.
"Ibaba mo ako..." Naiilang na sabi ko habang nakatingin sa kung saan. Hindi ko kayang tignan siya nang ganito ang posisyon namin.
"Hindi mo kayang maglakad papuntang clinic, Triv." Aniya at naglakad na palabas ng rooftop. Kinilabutan ako ng makarinig ng mga tinig ng estudyante. Naalala ko na naman iyong mga pinagpopost niya kagabi.
Nagtaklob na lamang ako ng mukha habang tinatahak namin ang daan patungong clinic. Ayokong magkaroom ng utang na loob, pero mamatay ata ako sa rooftop kapah hindi agad ako natignan.
I can hear his heartbeat. Mabilis ang tibok ng puso niya. Iyongpusong dating nawasak ko noon na nabuo na at mas tumibay ngayon. Nang makarating kami ay ibinaba niya ako sa kama ng clinic.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...