Kabanata 37

20 6 3
                                    

Be Gone

"Hoy, mga tarantado kayong bata!"

"Sir, mag-a-update po ba kayo mamayang gabi no'ng When is the Day? Para makapagpa-load po ako!" Sigaw ni Rhianna.

Pinapakalma ko ngayon ang advisory class ko dahil malapit na ang dismissal. Naglilinis naman na sila ng room at tumutulong akong pagandahin ang bahay namin. Ang dudugyot kasi talaga nitong mga 'to kapag hindi ako ang teacher.

"Kapag may free time ako, 'nak! Maglinis ka na lang muna para maka-uwi ka at makapagpa-load. Wala talagang uuwi sa inyo kapag hindi malinis ang kwarto!" Sigaw ko sa kanila.

Ang iba ay tinatawan-tawnaan pa ako kaya pinagbabato ko sila ng walis. Hindi pa nga tumigil sa kakatawa. Maaga ata akong mamamatay kapag sila ang kasama ko. Pero sa ilang buwan na naming magkakasama ay masasabi kong napakamemorable ng first advisory class ko.

Apat na taon na akong subject teacher. Natatakot pa akong humawak ng mga bata noon dahil mahirap daw talaga. Pero ngayon ay sinubukan ko na. At masasabi kong mahirap pero masaya at kayang-kaya. Mukhang mahihirapan nga akong pakawalan sila sa huling araw ng klase namin.

"Oh, sige na. Magsi-uwi na, ha! Kapag ako ay may nakita sa inyong lumalandi-landi diyan. Ipasa n'yo muna ang EsP, English at Filipino ko bago kayo magjowa. Mga babagsaking puro landi alam." Sermon ko sa kanila bago magdasal.

"Bye, Sir Single," asar sa akin ni Laurenthia tsaka kumaripas mg takbo.

Aba't ang kapal ng mukha no'ng batang 'yon. Pero siya ang pinakapaborito ko sa klase. I mean, lahat sila ay mahal ko. Pero si Lau kasi iyong makwela pero sobrang lungkot ng buhay.

"Kayo diyan, umuwi na kayo baka gabihin kayo. I know you need to finish a lot of things for tomorrow. Don't forget to rest babies, okay? Bye, see you tomorrow!"

"Bye, Sir!" Paalam nitong anim na magtotropang naka-upo sa ilalim ng aircon.

They reminds me of my girls. Hindi ko na nga sila nakakausap dahil lahat kami ay busy sa trabaho. Ako ay pagkauwi mag-aaral ako for my flying school. I want to pursue my biggest dream, to be a pilot.

Kaya kahit maraming ginagawa sa pagtuturo ay kakayanin ko pa ring makabisita sa flying school ko habang pinag-aaralan ang iba pa. Dumiretso na ako pauwi ng mansion dahil alas cinco na rin naman.

Gaya nga ng sabi ko ay kapag may free time magsusulat ako. Kaya tuwang-tuwa si Rhianna sa groupchat dahil aa update ko.

Gorgsome Sir: Mag-aral muna kayo bago magbasa. Tapusin muna ang  homeworks before doing anything. Acads is way more important than anything, babies. Have a good night! Kumain ng dinner :))

Tawang-tawa talaga ako tuwing magrereact si Lau ng "Enebe se Sir, pe-fell ampot."

Parang mga sira-ulo.

Pagkatapos kong gumawa ng lesson plan ay nag-scroll muna ako sa IG at Twitter. Wala namang balitang importante. Nag-trending number one na naman ang bagong update ko. Ang Rhianna ay todo post. Pucha, sa susunod nga ay hindi ako mag-update para magawa nito ang mga gagawin niya.

I stopped when I saw a notification above the screen of my phone.

kt_holala sent a message.

Nabitawan ko pa ang phone ko sa sobrang gulat. Am I dreaming? Or is this just a hallucination because I'm still missing him?

Even my hands are shaking, I open his message.

kt_holala: hi. can we talk? :((

After four years. Four fucking years ay ginawa ko nang single ang status ko. Mamaya ay maging kabit pa ako kapag nalaman kong kasal na siya. That's insane! Ayokong maging pangalawa.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon