Kabanata 14

33 8 1
                                    

Savior

Warning: Read at your own risk!

"Paano ko masisigurong tutupad ka sa pangako, Holand?" tanong ko.

Pabalik na kami ngayon sa canteen. Kahit na may part sa akin na nasaktan dahil doon ay tinibayan ko na lang ang loob ko. Ano namang sense kung pipilitin ko ang isang taong ayaw nang kumapit?

"Basta..." tipid na sagot niya.

Aba, ayos 'to. Siya ang gagawa ng deal at makiki-usap, siya pa 'tong magsusungit? Paano kaya kung hindi ako pumunta sa sinasabi niyang dinner?

Nakarating kami sa table namin kanina. Naka-order na sila ng pagkain. Si Kris na ang um-order ng kakainin namin.

"Wala si Andrew?" tanong ko nang mapansing may bakanteng puwesto.

"Kanina pa namin tinatawag, wala. Siguro ay may importanteng ginagawa."

Tumango na lang ako at natulala. Iniisip ko pa rin na gano'n pala ang nangyari sa tatay niya. Napansin daw kasi ng kaniyang tatay na napapariwara siya. Then dumating sa point na nagkasagutan sila at inatake ang papa niya. Napag-isip ko na involve nga talaga ako ro'n dahil ako angmay kasalanan kung bakit siya nagkagano'n.

Kahit no'ng nailapag na ang pagkain sa harap ko ay malalim pa rin ang aking iniisip. All these days I didn't think that my decisions can destroy someone's life, even a family. Kris' life had been miserable  because of my stupidity. I didn't even think twice. Basta ay alam kong ikabubuti iyon. Pero hindi.

"Trivian Chiu, you need to go in my office after your last subject. We need to talk about something important."

Ang galit na professor namin ang nagpabalik sa aking ulirat. Simula kanina pa ay wala na ako sa aking sarili. Ang dami ko nang iniisip. Dagdag pa rito ang kung anong nararamdaman kong bigat sa aking dibdib. I don't know if I need to relax because of stressful week or something gonna happen...

Tumango na lamang ako bilang sagot at sinubukang magpokus sa klase.

Nabigo pa rin ako nang biglang pumasok sa isip ko kung anong nangyari sa nanay at tatay ko. Siguro naman ay ok lang sila roon. Hindi sumasagot sa mga tawag ko kaya paniguradong busy sila sa rennovation

Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa opisina ng professor ko.

"Maupo ka, Trivian," aniya pagkapasok ko.

"I noticed that you're always flying out, Mister Chiu. Lahat ng short quizzes mo sa akin ay puro kalahati. Hindi ko alam pero dati ay ikaw palagi ang highest..."

"I'm sorry, Sir..."

"Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ikaw iyong Trivian noong nakaraanb taon. Kinakabahan ako dahil kaunti na lang ay mawawala ka sa Dean's List. Sayang kung hindi ka magtatapos bilang Summa."

"Ok lang po iyon. To finish your study is way more important. Achieving or recieving some rewards were just a bonus points. Hindi naman po kailangan ay palaging angat para masabing kakaiba ka po, Sir."

"I get your point, Iho. Pero hindi ba ay mas ok kung magtatapos ka bilang Summa Cum?"

"Kung para sa akin po iyon, matutuwa ako. Pero kung hindi, hindi. Hindi ko po kailangan piliting makuha ang isang bagay na hindi naman po nakatakda para sa akin."

"Okay... I hope bumalik ang gana mo sa pag-aaral. Mas matutuwa ako kung makukuha mo ang Summa Cum. Pagbutihin mo, Trivian."

"Salamat po, Sir." Aniko.

Pagkalabas ko ng opisina niya ay tumulo ang luha sa isang mata ko. Graduating with highest rank is my Mama and Daddy's biggest dream from me. Lahat ng iyon ay pinagsumikapan ko. Pero mukhang nawawala na ang lahat ng iyon ngayon. Kailangan kong tuparin ang pangarap nila. Kasabay nang pagtupad ko sa mga pangarap ko.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon