Kabanata 36

18 5 0
                                    

Lost

"Trivian, bilisan mo na diyan! Mali-late tayo!" Narinig kong sigaw ni Mama mula sa labas.

Inayos ko na ang suot kong damit. Tinignan ang sarili sa salamin na may kaunting make-up sa mukha. Today is my Graduation Day. Everyone's happy 'cause I didn't lose the place for Summa Cum Laude.

Masaya sila para sa akin. I'm also happy for having this one but not totally, though. Ilang buwan na simula noong huli naming pagkikita. Hangang ngayon ay walang balita tungkol sa kaniya kaya sobrang nag-aalala na ako. Noong finals ay wala pa nga akong maisagot kaka-isip sa kaniya. I don't want to believe on what's Arthur said about him.

Ayokong maniwala, pero naalala ko iyong text ni Luther...

"Ngumiti ka naman, anak!" Kantyaw sa akin ni Mama habang kinukuhanan ako ng video.

Nasa loob kami ng SUV. Nasa harap silang dalawa ni Dads at dito kaming dalawa ni Rayv sa likod. Pinilit ko na lamang ngumiti aa camera.

"Ang pinakamagaling kong anak na magtatapos ng Summa Cum Laude. Ikaw ang kauna-unahang miyembro ng angkan na nakakuha niyan. I'm so proud of you, Tj!"

Hinayaan ko na lang siyang kung ano-anong gawin. Ipinarada na ang sasakyan ng makarating kami sa lugar kung saan gaganapin ang graduation.

"Triv!" Tawag agad sa akin ni Klea pagkababa ko ng sasakyan.

Lahat sila ay ang gaganda ng make-up. Mas lalo silang gumanda sa mga itsura nila ngayon. Akala ko nga ay party itong napuntahan ko sa suot ni Jane na cropped top a jeans. Matatakpan rin naman 'yan kaya ayos lang.

"Congrats, girl! We're so proud of you!" Bati ni Hanna na magtatapos rin bilang Summa Cum kasama si  Klea at Ella.

Si Jane at Liziell ay parehong Cum Laude. The Laudes!

"Congrats sa ating lahat dahil nagtagumpay tayo!" Sigaw ko sa kanila at isa-isa silang niyakap.

Nag-group hug pa kami at nagpicturan. Ang mga nanay namin ay todo kuha kaya hindi namin malaman kung saang camera kami titingin. Si Ella ay may dalang camera at si Jane ay iyong instax niya.

Kinuha ko agad ang phone ko at nagpapicture. Lahat ng phone namin ay kinuha para lahat iyon ay magamit. Para naman may ma-post na squad goals, hanes.

"Ayan na, sis." Nanginginig na sabi ni Klea sa likod ko.

Ang pila ay sa unahan ang Engineering, sumunod ang Tourism at Criminology tapos Education at Business.

"Kami na iyong sunod, shocks!" Kabadong sabi ko.

Hindi maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Ngayon ay tinatawag na isa-isa ang mga graduates from Education. Mas lalo akong kinabahan noong tinawag na ang mga Laude.

"Chiu, Trivian Jairus T. Summa Cum Laude."

Nagpalakpakan ang lahat nang tawagin ang pangalan ko. Tumayo na,an ako at maglakad patungong entablado. I saw how my friends cheered for me. They even stand to shout my name. Nagsitayuan rin ang pamilya ko at iba pang tao.

"Author namin 'yan, e!" Sigaw ni Lizell na katabi si Andrew na sinasabayan siya sa pagpalakpak

"We're proud of you, Jairus!" si Klea.

Mga gagang 'to, hindi ko naman pinagsisigaw mga pangalan nila kanina habang nandito at magbibigay speech. Binasa ko na lang kung anong nakasulat sa papel hanggang sa pinakadulo nito. Dinugtungan ko na lang ito nang kung ano.

"Kaya sa mga batang nandiyan sa likod hawak ng kanilang mga nanay at tatay, sa mga nanonood ng fb live mg mga nanay diyan, huwag kayong titigil mangarap. Gawin n'yong lakas kung anong natatanggap n'yo mula sa kapwa n'yo. Kahit na hilain nila kayo pababa, huwag kang magpapadala bagkus, isama mo sila paangat. Hindi hihinto ang mundo para hintayin kang maabot mo ang pangarap mo. Magpatuloy ka lang at magtiwala sa sarili mo, makukuha mo lahat mg hinahangad mo. Happy Graduation, Batch 2019-2020. Mabuhay tayong lahat!"

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon