Where are you?
Hindi ako mapakali ngayon sa gitna ng klase. Ewan, pero may nararamdaman akong hindi maganda. Gutom lang ata ako or such.
"Bruha, kain tayo!" Aya ko kay Jane na katabi kong ngumingisi sa phone.
Wala kaming prof ngayon kaya hayahay at pwedeng umalis o gawin ang mga dapat gawin. Tapos naman na kami sa lahat kaya inaaya ko siya. Gusto kong wala itong chemes na nararamdaman ko.
"Gaga, saan naman tayo? Pero bet, gutom na rin ako," aniya at inayos ang gamit.
Nalakad kami papunta sa mall dahil sobrang lapit lang nito rito. Tatawid ka lang sa kabila at lakad ng konti tapoa iyon na.
"Bakit kasi hindi jowa mo inaya mo. Busy ako dito, sampalim kita," reklamo niya.
"Umaarte pa, halos itulak mo na nga ao sa hagdan kanina dahil sa sobrang excitement mo!"
Pumasok kami sa loob ng kakainan namin. Um-order ako ng isang tapsilog lang at sa kaniya ay chicksilog. Nagdalawang extra rice pa 'yan, hanep.
"Sis, hindi ko alam pero may nararamdaman akong mangyayaring hindi maganda. Tapos ang biglan pumasok sa isip ko ay si Kris..."
"Nag-o-overthink ka lang, ne! Try mo kausapin, nag-uusap pa ba kayo?" tanong niya.
Inisip ko kung kailan kami huling nagkita. Medyo matagal na pala dahil huling linggo na nang Pebrero at bagong taon pa iyong huli naming kita.
"Magdadalawang buwan na kaming 'di nagkikita, kahit text hindi. Hindi naman ako nag-aalala dahil malaki ang tiwala ko do'n. Siuro ay marami lang ginagawa."
Siguro nga maraming ginagawa dahil malapit na ulit mag-finals. Kami nga ay halos matabunan na nang napakaraming gagawin. Kulang na lang ay pati paggawa ng Lesson Plan ay kami na rin.
Inalis ko muna sa isip ko lahat at naggala kami ni Jane rito sa loob ng mall. Ang gaga ay nag-ayang mag-timezone at nag-photo booth lang naman kami roon. Ang tagal ko na pala silang hindi nakakasama. Mabuti at ganoon pa rin ang tratuhan namin.
"Hoy, hintayin mo 'ko! Gagang 'to," reklamo niya sa akin nang mauna akong maglakad.
Nakita kasi namin iyong nanligaw sa akin noon na hinayaan ko lang manligaw tapos hindi ko sinagot! Lahat ng binibigay sa akin na pagkain ay ibinibigay ko sa mga gaga. Kaya itong bruhang'to ay tinawag!
"Trivian! Kumalma ka, naka-move on na raw siya doon. May jowa na, Sis. Sayang dapat ako na lang."
"Malandi ka talaga. Akala ko ba ay may nilalandi kang taga-NU? Ano, hindi ka type?" tas kilay na tanong ko habang naglalakad kami patungong classroom.
"Ekis! Pangit ng trip, gusto lang atang maka-isa tapos manggo-ghost!" galit na wika niya.
"Buti pala at hindi ka bobita! Do'n sa nilandi mong friend ni Mika, hanona?"
"Si Semeon? Sis, bokya ako do'n! Ang hirap diskartehan dahil mukhang nagsusungit. Jusko, ako pa ata manliligaw. Pero keri rin pala."
Pokpok talaga 'to. Hinatid niya muna ako sa classroom ko bago siya pumunta sa klase niya. Halos mataranta pa nga ang gaa dahil malapit na siyang ma-late.
Naabutan kong nagchichismisan ang dalawang malandi. Napatingin pa nga sa akin si Josepina at tumawa. Parang gago lang? Pa-mental ko sila mga mukha silang siraulo diyan.
"Bes, magkasama kami ni Kris Holand kagabi! Alam mo ba, sabi niya huwag ko raw ipagsasabi pero big time! Shocks, ang hot niya pala kapag nasa kama!" si Georgia.
Hindi ko alam kung nagpaparinig sila o totoo lahat ng iyon. Pero agad na kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na lang pinansin dahil isa siyang napakagaling mag-imagine.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...