Arrival
Nagising ako sa sakit ng ulo at sa sakit na nararamdaman ko sa aking p'wetan. Naramdaman kong wala na akong katabi kaya agad 'kong nilibot ang paningin sa buong kwarto.
Kulay itim lamang ang buong kwarto pati lahat ng gamit itim. Kahit simple ay mukha pa ring mamahalin ang kwarto. Duh, sana all mayaman.
Sa itaas ng kama ay may mga nakalagay na libro. Sa kanan ay ang lampshade at table. May walk-in closet sa dulo. Masyadong malaki ito para sa kaniya. Sinubukan kong bumangon kahit buong katawan ko ay masakit. Nang makalabas ako ay maabutan kong nagkakape si Andrew at Kris habang si Liziell ay kumakain ng almusal.
"Morning, Ma'am!" nakangising bati ng impakto.
Inirapan ko lang siya at nilagpasan para kumuha ng freshmilk sa ref.
"Sungit."
Nang umupo ako kasama nila sa table ay ninakawan ko ng hotdog at ham si Liziell sa kaniyang pinggan. Nakita kong galit pa itong tumingin sa akin at pinagpatuloy ulit ang pagkain.
"You want to eat breakfast?" tanong ni Kris habang nakatingin sa akin.
Tinanguan ko siya at umalis na agad para maluto ang pagkain ko. Sabi na tataba ako sa lalaking 'to.
"Gusto ko 'yong chicken curry mo, Sir."
"Walang rekados. Mamimili pa lang mamaya."
"Hindi kayo uuwi ng mansion n'yo?" takang tanong ko at napabiling rin kay Andrew.
They will stay here? Anong nangyari sa mansyon nila?
"May lalakarin lang kami mamaya. Overthinker."
Mabuti nang malinaw. Mamaya ay magdala sila ng tig-isang babae nila rito ano! Malilintikan sa akin 'to.
Pagkaluto ng almusal ay kumain na agad ako. Sinubuan ko siya ng ilang kutsara dahil alam kong gutom rin siya. Ang sarap pa talaga magluto nitong asawa ko. Anak na lang talaga kulang sa amin saka 'yung nawawala kong matres para makabuo ng bata.
Dahil ako ang kumain ay ako na rin ang naghugas. Sinama ko na iyong mga tasa at plato ni Liz kanina. Marunong naman ako sa gawaing bahay kahit paano. Hindi kami spoiled like, duh.
"Anong balak mo sa undas break?" tanong niya habang pauwi na kami ng mansion. Alas cuatro na rin pala ng hapon.
"I don't have. May balak ka bang ayain ako?"
"Batanes sana or Siargao..."
"Travel?!" Gulat na tanong ko.
Tumango lang siya at ngumiti. Hindi ko talaga inakala! Na-excite ako kahit isang buwan pa bago iyon!
"Next month pa 'yon. Mamaya ay maghanda ka agad ng mga gamit mo," tawa niya.
"First travel natin 'yon! Siargao owemay!"
Tinawanan niya lang ako hanggang sa umandar na ulit ang sasakyan niya. Agad akong pumasok sa loob para kumustahin ang kapatid ko at ang bahay. Nagtaka ako kung bakit lahat sila ay hindi mapakali. Todo linis at ayos sila. Marami ring nakahandang pagkain sa lamesa.
"Ate Els, ano pong meron?" natanong ko si Ate Els na napadaan sa sala.
"Parating na po ang Mommy at Daddy n'yo. Kagabi pa nga ko kayo hinahanap ni Sir Rayver pero hindi raw kayo sumasagot," sagot niya.
Agad kong tininan ang phone kong uos ang baterya. Umakyat na lamang ako sa kwarto para i-charge ang phone at mag-online gamit ang laptop. Ang daming missed calls galing sa skype ko!
rayverchiu: Kuya, parating na sila Mama at Daddy bukas ng gabi. Nasaan ka?
rayverchiu: Please pick-up the call, Kuya. Marami kang kailangan malaman.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...