The Day
Nagising ako nang may maramdamang pagkalubog ng bandang paanan ko. Where am I? Nakatawid na ba ako? O baka ito ang daan dahil sa impyerno ang punta ko?
Lord, where na po you?
"Trivian!" Nagulat ako sa sigaw ng kung sino.
Puro puti pa rin ang nakikita ko. Kahit saan ako lumingon ay puro puti.
"Trivian, dito!" Tawag sa akin nang isang gwapong lalaki.
Nang makalapit ako sa kaniya ay nakilala ko siya. Agad ko siyang niyakap at saka tuloy-tuloy na umagos ang luha ko.
"Papang..."
Hindi ako makapagsalita at niyakap lang siya ng sobrang higpit. Umiyak lang ako sa balikat niya habang nakayakap. Nanatiling ganito ang posisyon namin.
"Papang, miss na miss na kita. Sinusundo mo na ba ako? Tara na, Pang! Gustong-gusto na kitang makasama..."
"Ayaw mo na ba roon, Apo?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako, "Pang, nakakapagod na po doon. Hindi ko na po kaya. Nakapagpaalam na rim naman ako sa kanilamg lahat, Pang. Alam kong kaya nilang wala ako..."
"No, TJ. They couldn't forget you. You are so special to them. Apo, natandaan mo ba kung gaano kasakit para sa 'yo noong mawala ako?"
"Opo... hayaan mo na 'yon, Pang. Magkasama naman na tayo-"
"Ganoon ang nararamdaman nila ngayon. Hindi alam kung anong gagawin, napapariwara. Apo, may kailangan ka pang ayusin. Ayusin mo kung anong mayroon kayo. Pakinggan mo ang side niya. Pakinggan mo ang sinasabi nang puso mo. Huwag puro sarili mo lang, apo."
"Pang, pagod na po ako... hindi ko na talaga kaya."
"Kailangan mong bumalik sa ayaw at sa gusto mo, TJ. Pakinggan mo kung anong gustong sabihin ng puso niya. Intindihin mo siya gaya ng pag-intindi niya sa iyo. Tanggapin mo siya gaya ng pagtanggap niya sa iyo. May tamang oras para magkita tayo, apo. Kailangan mo nang bumalik bago pa mahuli ang lahat..."
Unti-unti siyang naglalaho sa paningin ko.
"Papang?"
"Papang!" Sigaw ko nang napalayo siya sa akin.
"Papang-"
Napatigil ako nang kisame ang bumungad sa akin pagkabukas ng mga mata ko.
Napabangon ako at nakita si Mama na natutulog sa couch ng kwarto. Si Daddy naman ay naka-upo sa upuan at nakatungo sa lamesa.
I saw my Papang in my dream.
"Anak!" Gulat na sigaw ni Mama nang makitang naka-upo ako.
Si Daddy ay nagising din dahil sa sigaw na iyon ni Mama. Agad namang may pumasok sa loob, si Rayver. Tumawag agad silang dalawa ng Doctor. Si Mama naman ay tumabi sa akin para suriin ako.
"Ayos ka na ba, anak? Humiga ka muna at magpahinga," nagaalalang saad niya.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya saka nahiga muli sa aking kama. Naligtas ako, nabigyan ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay.
"May masakit ba, anak? Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba, naiihi, natatae, ano?"
Natawa ako sa pinagsasabi ng nanay ko. Itinaas ko ang nanlalambot kong kamay para yakapin siya. Siya na ang yumuko para mayakap ko siya. Tama nga si Papang na hindi nila kaya kung mawawala ako. At hindi ko rin kayang wala sila.
"I'm fine, Ma..."
Ngumiti lang siya at saka naupo ulit sa couch.
"Sino ang gumaling sa akin, Ma? I want to thank him for his special powers."
![](https://img.wattpad.com/cover/220152134-288-k483345.jpg)
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...