Positive
Warning: R18. Read at your own risk.
I see how he focused on his studies. Lagi niyang dala ang mga gamit tuwing pumupunta sa mansion o hindi kaya sa condo ko. Minsan ay binibiro pa ako na pumunta daw siya para sa 'thing'.
Hindi pa ako nakakabisita kay mama simula noong nagkamalay siya. Kaya heto at gusto kong humingi ng tawad sa lahat. I want anything to be fixed and stable.
"Ma..."
Napalingon siya sa akin nang pumasok ako at tawagin siya. Sa likuran ko ay si Kris na siyang nagsara ng pinto.
"T-Trivian..."
Ngumiti ako at tumango. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. I miss her so much, damn!
"Anak, gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Gusto kong humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko at mga sinabi ko sa 'yo. I can't help but to burst at sa 'yo ko nabuhos lahat nang naipon ko simula noong palayasin ng Daddy mo si Rayver."
Tumango lang ako at nginitian siya. Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya. Dapat ay hindi muna siya umiiyak dahil hindi pa siya masyadong okay.
"Gusto kong malaman mo na mahal rin kita, Trivian. Mahal na mahal kita lagpas sa pagmamahal ko sa kanilang dalawa. God knows how proud I am when you grew up as an independent. Nakita ko na kaya mo nang mag-isa. Na wala na ako. Hindi ka salot, may kwenta ka. Proud na proud ako sa mga nagagawa mo. At higit sa lahat, mahal na mahal kita."
"Ma, comedy dapat kasi malapit na mag-ending. Ginawa mo na naamng drama."
"Lintek na! Panira ka na naman. Okay na 'yung ibang English ko."
"Okay, take two!"
"Gusto ko lang sabihin sa 'yo na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang natatanging prinsesa ng buhay ko! Isa kang blessing sa buhay ko. I love you, TJ ko..."
Napatulo ang isang patak ng luha sa kanang mata ko dahil sa binanggit niyang tawag niya sa akin noon.
"Mamaya ine-echos mo lang ako, Moma! I love you to the highest peak of mountain!"
"I love you to the heaven."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at sinamaan siya nang tingin habang tatawa-tawa.
"So pinapatay mo 'ko, gano'n?"
"Iyon kasi ang pinakamataas. Ito naman, biro lang. Mahal na mahal kita," aniya at niyakap si Kris.
Halos madurog pa nga ang napakalaking muscle ng lalaking 'to sa braso kakapisil ni mama.
"Ma, mang-a-agaw ka. Sumbong kita kay pudrakels! Ddy, si mama inaagaw boyplen ko."
"Shh, ito naman. Natunaw na kasi muscle ng papa mo. Matanda na! Namiss ko lang."
"Che. Isusumbong pa rin kita. Bumili lang 'yon ng ulam inaagaw mo na boyfriend ko!."
"Trivian!" Halkhak niya.
Napatingin ako kay Kris na todo tawa rin kaya hinampas ko ito sa braso. Halatang enjoys magpalandi sa nanay ko. Sumisipsip na naman.
"Tita, may pag-uusapan lang po kami ni Trivian," paalam niya at hinatak ako palabas nang makarating si Daddy at Rayv.
Nagulat pa nga ako nakinabahan dahil wala akong ka-alam-alam roon. Nakarating kami sa rooftop ng hospital. Kung saan naglalanding ang chopper kapag may pasiyente galing ibang lugar at ililipat rito.
Tanaw ang kagandahan ng mga ilaw mula rito sa itaas. Ang mga ilaw na galing sa sasakyan at eklavu. Manila, ang ganda-ganda mo, how to be you? Chos.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...