Kabanata 17

30 6 0
                                    

You're my type

"Sis..."

Ito lamang ang bungad ko kay Jane habang pinipigilan ang hikbi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masyadong magulo ang utak ko. Bukas ay alam kong wala nang manggugulo sa akin. Wala na siya kaya dapat maging masaya ako! Pero bakit ganito ang nararamdman ko!

"Ano ba, bruha? Alas-cuatro pa lang sis! Nakakagigil ka naman, e,"

"Sorry... kasi naman..." hindi ko na napigilan.

"Diretsohin mo na nga ako, Trivian Chiu. Anong problema at umiiyak ka ng ganitong oras?"

"Hindi ko rin alam. Kahapon, nakipagdeal si Kris sa akin. Dinner kasama ang pamilya niya kapalit ang paglayo niya sa akin..."

"Oh, hindi ba dapat matuwa ka! Iyon ang gusto mo, gusto mong makalimot hindi ba?"

"Pero mali ata ako. Mahal ko pa siya, Jane. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung pipigilan ko ba siya o susundin ko pa rin ang desisyon ko!"

"You know, minsan lang magkatagpo ng lalaking katulad niya. Sa mga libro lang kadalasan. Kaya dapat ay hindi mo na pinapakawalan!"

"Gaga ka talaga, ever!"

Binaba ko ang tawag nang marinig ang mga hikab pa niya. Siguradong matutulog pa 'to dahil maaga pa. Ako naman ay hindi ko na alam ang susunod na gagawin. Feeling ko nga hindi ako natulog kagabi kaka-isip. He's running to my mind all along. Kailan kaya siya mapapagod?

Binuksan ko na lang ang laptop ko. Nagulat ako nang mag'log in ako ng instagram. He sent a message request.

kt_holala: tigas ng ulo mo. 'di mo na ato mahal!

jaivian_writes: kapal mo! ba't gising ka na, hayop?

kt_holala: wala kasi sa tabi ko 'yung asawa ko. mamaya ay nangangabit na.

jaivian_writes: ay, bakit ako ang kinausap mo? wala namang tayo.

kt_holala is typing...

Ilang segundo siyang nag-type. ano ka ngayon, holand?

kt_holala: ouch naman, sweetheart </3 :<

jaivian_writes: sweetheart your face! lul.

kt_holala: i love u too :>

I didn't respond to his last message. I was schocked. Naiisip at nadidinig ko ngayon ang boses niya habang sinasabi ang mga katagang ito.

Nag-view na lang ako ng mga stories ng kung sino. Si Jane at Klea ay magkasama sa IG stories nila kagabi. Nasa mall at nagpipicture habang nasa likod iyong dalawang lalaki. the caption was 'with our dates'. Lumandi na naman.

Napadpad ako sa IG stories ni Holand. Nagulat ako at halos mabalibag ang laptop nang makita ang puro mukha ko roon. Leche siya!

Naroon ang clip ko habang nakasandal sa salamin at mahimbing ang tulog sa kotse niya. It was a boomerang. No'ng lumipat sa kaniya ang cam ay nakangiti siya at finger heart. Ang pogi, in fairness.

Sa mga sumunod ay 'yung pic namin habang nakahawak siya sa baywang ko. Duh, requesy niya lang 'yan.

kt_holala sent you a message.

Halos mapabalikwas ako nang lumabas ito sa screen. I open it and read.

kt_holala: final decision na talaga 'yong kahapon? hindi mo ko mamimiss?

Nagdalawang isip ako sa sinabi niya. Agad na kumirot ang puso ko dahil hindi ko makakasama ang labs ko, chos! Hindi ko alam ang isasagot ko. May part kasi sa akin na ayaw ko at may part na para sa ikabubuti ng puso ko.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon