Jar of broken hearts
"Are you sure, Bianca?" Seryosong tanong ni Karyll sa akin. Katabi niya si Valirie na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Yes." Buo ang loob na sabi ko. Hindi pwedeng umatras I already booked my ticket. Andito ako sa bahay at wala si Mama.
"Nang hindi nagpapaalam kay Kuya?" Tanong ni Valirie. Nakayuko akong tumango. Kahit masakit...
"Mahihirapan akong umalis kapag nagpaalam ako, kaya hindi na. At alam din niya na aalis ako..." sabi ko habang nagaayos ng gamit ko.
"Masasaktan si Kuya, Bianca. Ayaw namin siyang masaktan..." Bulong ni Valirie. Yumuko si Karyll sa tabi niya. Tumayo ako at nagpunta sa cabinet ko.
"Mas nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya, Val. But this is the original plan..." binuksan ko ang pinto ng cabinet ko. Kinuha ko ang garapon at pumunta kila Karyll.
"What's that?" Tanong ni Karyll. I smiled, sadly.
"Please, give it to Zac, at kung hindi niya tanggapin," Huminga ako ng malalim. "'Wag mong itapon, pakitago nalang..."
Tumango si Karyll. Kinuha niya ang garapon sa aking kamay at itinabi ito. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.
"Hey, guys!" Sigaw ni Traive. Kakarating lang niya sa aming bahay. Pinatawag siya ni Karyll para ihatid ako...
"Traive... hatid mo na si Bianca." Sabi ni Karyll. Tumango siya at kinuha ang dalawang maleta ko. Tumingin ako sa dalawa.
"Weh! I'm gonna miss you, girl!" Sabi ni Valirie. Pinipigilan ang luha. Tahimik si Karyll hawak ang garapon. Tumingin siya sa malayo.
I hugged Valirie tight. Lumayo ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Mamimiss din kita, aalagaan mo ang sarili mo ha?" Sabi ko sakanya. Tuluyan ng nahulog ang mga luha na sa'king mata. Umiyak din si Valirie, pero agad niyang pinunasan at tumawa.
"Tita, ikaw ba yan?" Natatawang ani niya. Magingat ka don." She hugged me again. Bumaling ako kay Karyll, nangigilid ang luha.
"Karyll," tawag ko. Pinigilan ko ang luha. Hold on, Jack.
"Babalik ka pa ba?" Mahina niyang tanong. Ibinaba niya ang hawak at tinignan ako. Hindi ko masagot ang tanong niya... tumango siya at ang kaninang mga luha na pinipigilan at nahulog na.
"Nasasaktan ako para kay Kuya, Bianca... kailangan ba talaga 'to?" Tumango ako, lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Kailangan ako ng kapatid ko, Karyll..." mahina kong sabi. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"Pero kailangan ka din ni Kuya, Bianca, e." Napalunok ako sa narinig.
"I know, but..."
"It's okay, Bianca. Kami na ang bahala kay Kuya, magiingat ka don." Malaming niyang sambit at umalis.
Nagaalangan na tumingin sakin si Valirie, ngumiti ako sakanya. Sinundan niya ang pinsan niya at ako naman ay lumabas na para puntahan si Traive.
Kanina pa ata siya naghihintay, nakangiti niyang binuksan ang sasakyan at agad akong pumasok doon.
Binalot kami ng katahimikan at wala ni isa sa amin ang balak basagin yun.
"Mahal na mahal ka ni Kuya." Binasag ni Traive ang katahimikan. Napatingin ako sakanya.
Tumango ako. Alam ko naman...
"Kaya niyang igive up lahat para sayo..." pagpapatuloy niya. Ako naman ay nakayukong lumuluha.
"Mahal mo ba si Kuya, Bianca?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Of course! I love Zac so much..." emosyonal kong sabi. Tumango siya, tila hindi kontento sa sagot ko.
"I see," sinulyapan niya ako.
"Traive, I hope that you understand me, My family needs me..." mahina kong sinabi. Kailangan ako ni Lola, matanda na siya at may sakit na...
"I understand you. Pero bakit hindi ka nagpaalam kay Kuya?" Naguguluhang tanong niya.
"Dahil... baka umiyak siya sa harap ko magbago ang desisyon ko.."
"Okay," pagkatapos ng usapang yun, wala ng nagsalita sa aming dalawa.
Narating namin ang Airport, ilang oras nalang at boarding na...
"Traive," tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. "Thank you," I smiled. Tumango naman siya at ngumiti.
"Take care, goodbye."
"Please, take care of Zac, Traive."
"Yes we will,"
Ilang minuto nalang ang hinihintay ko, aalis na ang eroplano. Ang bigat bigat ng dibdib ko, ayokong umalis ng Pilipinas, pero ayoko naman maghirap ang pamilya ko.
"Bianca!" I stunned, I heard the familiar voice. Hindi ako makagalaw...
Naramdaman kong tumatakbo siya papunta sa akin, pumikit ako ng mariin... shit!
Naramdaman ko ang mainit na katawan niya sa aking likod. Dahan dahan akong humarap sa kanya.
"Z-zac..." garalgal na tawag ko sa kanyang pangalan niya.
"Babe, why? Why are you leaving without any goodbye?" Tanong niya, ang kanyang malungkot na tinig ay nagpasakit sa puso ko.
"I'm sorry, Zac.." niyakap ko siya. Hindi ko napigilan ang emosyon ko.
"Bianca, why? I need you, Damn, baby..." nilagay niya ang kanyang ulo sa aking leeg.
"My family needs me, Zac. Let me go..." I tried not to stutter.
"Ganon nalang yun, Bianca? Aalis ka ng hindi manlang ako kinakausap...?" his voice broke. Yumuko ako at pinisil ang kamay. Naghahanap ng salita.
"Yes, Zac. Ginagawa ko 'to para sayo, at para sa pamilya ko."
"Don't leave me, Babe..." he's begging, he even kneeled. Naagaw niya ang atensyon ng tao sa airport. Pinilit ko siyang itayo, pero masyado siyang mabigat at nanghihina na ako.
Napatingin naman ako sa likod niya, Traive, Austin, Valirie, Falvy is there, watching Zac beg at me.
Tumingin naman ako sa kanila, nanghihingi ng tulong.
"Zac, please, stand up!" Mariing sabi ko.
"I'll promise, Bianca. I will do anything for you... You don't have to leave me, hindi kita sasaktan, Bianca, wag ka lang umalis, wag mo lang akong iwan, gagawin ko ang lahat..." he is now crying infront of me.
"Gagawin mo ang lahat?" Tanong ko nakaluhod pa din siya, lumuhod din ako para maging level kaming dalawa. Tumango siya sa akin. Pinunasan ko muna ang luha niya at hinalikan ang kanyang noo...
Fuck, this is so hard!
"Then, let me go, work hard for your dream, don't waste your time for me, and be happy, Zac. I want that, can you give it to me?" I smiled at him.
Kailangan kong maging matatag sa harap niya kahit nasasaktan na akong nakikitang nagmamakaawang h'wag ko siyang iwan.
Tumayo siya, itinayo niya din ako. Tuloy tuloy bumuhos ang luha ko. Blankong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mata.
"Yes," humikbi naman ako sa kanyang sagot. Diba ito ang gusto mo, bianca? Bakit ka umiiyak! He gave what you want! "For one last time."
He hugged me tight and left.
YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.