Chapter 12

9 1 0
                                    

#JOBH12

"Grabe, nakakapagod magaral!" Angal ni Traive. Narito kami sa freedom park. Tapos na ang isang sem. Makakahinga na ako ng maayos. Pwede ng magliwaliw. Kidding. Kahit naman ay bakasyon nagaaral ako. Advance study.

"Ano bang inaarte mo?" Tanong ni Karyll. "E, tapos naman na ang sem!" Natawa nalang ako sa kanilang pagtatalo.

"Hoy, 'di kita tinatanong, Karyll. Manahimik ka nga, epal." Singhal niya. Umiling nalang ang kanilang kuya sa kanila. Palagi naman atang may naaway sa kanila.

"Tutal tapos naman na tayo sa isang sem, let me treat you." Nakangiti Kong sabi sa kanila. Natuwa naman sila.

Alam ko masarap ang pagkain ni Auntie Eliza. Palagi akong kumakain sa kanila. Palagi ako doon dahil Hindi lang masarap ang kanilang pagkain, mababait pa.

Dinala ko sila doon, they looked excited. Ngumiti nalang ako. Tiyak kong magugustuhan nila doon! Malinis naman ang karinderya.

"Hala, malinis ba dito?" Bulong ni Traive sa akin. Tumango ako sa kanya at sinabi ng malinis dito.

Sinalubong ako ni Ella. Ito ang batang palagi kong kakwentuhan ko rito kapag naandito ako.

I smiled at her and hugged her.

"A-ate naman! Wala pa akong l-ligo." Angil niya sa akin. Natawa naman ako.

"Ano ka ba! Okay lang 'no- by the way andito ang mga kasama ko." Pahayag ko. Namula naman ang kanyang mukha.

"Pa-pasok k-kayo."

"Naku! Buti't narito ka, Bianca! Oh, kasama mo ba ang magaganda at Kay gagwapong ito?" Tanong ni Auntie Eliza. Tumango ako sa kanya. Pinaupo niya kami sa lamesa doon. Wala pang gaanong tao roon kami palang.

"Paorder naman po ng Lomi para sa amin." Nakangiti kong sabi. Tumango siya sa akin at pumasok sa loob ng lutuan niya.

Wala na rin si Ella, marahil tinutulungan na din ang kanyang nanay. Bumaling naman ako sa kanila. Nakangiti si Zac sa akin. Katabi ko siya ngayon sa tabi niya ay si Flavy na tahimik na nakamasid.

Marahil nahihiya sila sa paligid kaya tahimik sila.

"Madalas ka ba dito?" Tanong ni Zac. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Oo, dito na nga minsan ako kumakain, e." Sagot ko sa kanya. Nilibot niya ang tingin sa karinderya.

May kalumaan na rin ito. Kulay puti ang dingding at ang mga lamesa ay maayos na nakahilera. Malinis naman dito, at masasarap ang luto.

"'Tin, medyo maganda yung anak nung Auntie Eliza." Pangaasar ni Traive kay Austin. Sinamaan lang siya ng tingin ni Austin.

"Lah, sige, Austin. Sumbong kita kay Mommy." Sabi ni Valirie, nangaasar.

"Ay, gusto mo agad, 'Tin?" Mapang asar na tanong ni Karyll. Umiling nalang ako sa kanila.

"Austin, do you like her?" Mapangaasar din na tanong ni Zac. Nakisali na rin siya! Naku, mabait na bata naman itong si Ella, pero nako. Hindi pa yan siguro handa sa pagibig na iyan!

"Hoy, tigilan niyo nga si Austin." Saway ko sa kanila. Walang tigil ang pangaasar nila kay Austin. I shook my head.

Nang lumabas si Ella. Nahihiya siyang lumapit sa amin. Ngumiti ako sa kanya. Nanginginig siya at Hindi ko maiwasan matawa.

Naririnig naman ata niya ang pangaasar ng pinsan ni Austin.

"Ehem," tikhim ni Zac. Kinurot ko naman ang kanyang tagilira. "Ouch." Kunot noo niyang angil sa akin.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now