Chapter 07

14 1 0
                                    

#JOBH07

Nung hinatid ako ni Zac, tahimik lang siya. Pinipigilan ko lang ang ngiti ko dahil baka maasar siya sa akin.

Tinignan ko siya. Seryoso na naman ang kanyang mukha. I gulped. Kaming dalawa lang dito sa loob ng kotse. Hindi na pinasama ni Zac ang mga pinsan niya.

Medyo malayo pa kami sa bahay. Pumangalumbaba ako. Nagpacute ako sa gilid niya. Hindi pa din niya ako pinapansin. Hays. Bwisit kasi tong si Traive, e!

"Zac..." tawag ko. Kahit nahihiya, hinawakan ko ang kamay niya. I bit my lips.

"What?" Masungit na tanong niya. I chuckled.

"Wala lang, ang tahimik mo kasi, e." Nakangiti ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita.

"Tahimik naman talaga ako, Bianca." Malaming niyang sabi. I bit my lips to prevent from smiling.

"Weh?" Hindi na niya ako sinagot dahil nasa tapat na kami ng subdivision.

Tinignan niya ako. His eyes is cold as ice. I smiled sweetly at him.

"Stop," pigil niya. Padabog akong lumabas ng sasakyan niya. He so annoying!

"Hey, hey, I'm sorry." He said. Nagbunyi naman ang kung ano sa loob ko. I prevent my smile.

Hinawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya. Matagal siyang tumitig sa akin.

"Ano ba kasi? Bakit ganon ka?" Malungkot kong tanong. Hindi ko naman kasi alam bakit ganon agad siya agad sa akin.

Wala naman dahilan kung bakit kailangan niyang magganon sa  akin!

Natatakot ako, natatakot ako baka bumalik kami sa dati. Yung hindi nagpapansinan. Ayoko non... nasanay na ako sa kanya... nasanay na ako na kasama siya... parang hindi ko na kayang mahiwalay pa sa kanya.

Pero wala naman akong pinanghahawakan na kung ano para magstay siya sa tabi ko... natatakot ako na baka masaktan ko ang sarili ko, na umasa sa kanya. Alam kong hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya...

Pero hinihiling ko lang na sana... nasa tabi ko pa din siya. Teka ano ba itong naiisip ko? Why I am sad right now?!

Kanina lang ay natutuwa ako sa pangaasar ko sa kanya, ngayon naman ay natatakot na ako sa kung anong mangyayari samin dalawa...

Ayoko lang naman na mawala siya sa tabi ko. Ayoko lang naman na umalis siya sa tabi ko... because I found my hapiness in him.

I smiled bitterly. Magkaharap na kami ngayon. Unti unti siyang lumalapit, ako naman ay umaatras at umuyuko.

Nagbabadya na ang luha sa aking mata. Pero pinipigilan ko ito. Ayokong maging mukhang kawawa sa kanyang harapan. Ayokong makita niya akong mahina.

Ayoko.

Mabuti nalang at wala ng tao, dahil hating gabi na. Ngunit heto pa din kami ni Zac. Hinuli niya ang aking braso at pinigilan ang pagatras. I close my eyes.

Tinanggal niya ang kamay sa braso ko at inilipat sa pisngi ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko. Pinipigilan ko ang nararamdaman ko. Ayokong ilabas...

Dahil baka kapag nilabas ko, mawala siya sa harap ko bigla. Maglaho nalang ng biglaan. And it's breaking my heart. Fuck.

"Hey, what is wrong?" Nagaalalang tanong niya. Umiling nalang ako sa kanya. Gusto ko na siyang pauwiin, ngunit gusto ko pa siyang makausap...

Ang hirap... pero mas pinili ko nalang napauwiin siya.

"Nothing, Zac. Go home, drive safely." I tried to smile. He not conviced with my smiles. Tinignan niya ako ng seryoso.

"No, What's the problem, Bianca?" He asked me. I shook my head. Hindi pa din siya naniniwala. "Please..." his voice was so low this time.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now