#JOBH13
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil naistorbo niya kami ni Zac. Mabilis akong tumayo at umalis sa pagkakayakap kay Zac.
Ang loko ngingisi ngisi pa. Pinandilatan ko siya ng mata.
"Ayusin mo ang sarili mo, bumaba na tayo, at baka kung anong isipin ng mga pinsan mo." I said. I'm combing my hair infront of his mirror.
Hindi pa rin siya kumikilos at nakatitig sa 'kin na may ngisi sa labi. Umangat ang gilid ng labi ko. Walang pasabi, binato ko ang suklay sa kanya.
"What the hell wrong with you?" Gulat niyang sabi. Inirapan ko siya at humarap.
"Diba ang sabi ko, mag ayos ka na, dahil baba tayo?" I arched my brows. He sighed.
"Yeah." Malamyang sagot niya. I rolled my eyes again. "They are disturbing us." He whispered but I heard it.
"Anong binubulong bulong mo riyan?" Tanong ko. Umiling nalang siya sa akin. Lumabas kami ng kwarto niya, sobrang ingay na. May lalo atang dumoble ang ingay sa baba! Napakunot ang noo ko dahil doon.
"They here na!" Masayang sigaw ni Flavy ng makababa kami. Kaya pala maingay sila. May ibang tao rito.
May anim bagong mukha. Ang isa ay matangkad kasing tangkad ni Austin, medyo may hawig kay Traive. At sa unang tingin mo palang. Masungit siya dahil sa kilay niya at sa awra ng kanyang mukha.
Ang katabi naman ni Karyll. Lalaki na gwapong gwapo! Parang carbon copy niya. Parang babaeng version ni Karyll. Marahil katabi niya ang kanyang kapatid.
Lahat ng babae doon, magaganda. Wala naman atang hindi maganda sa kanila. Parang bigla akong nanliit sa presence nila.
"Who's that girl?" Maarteng tanong nung babae kay Flavy.
"Be good to her, Ylo. She's my kuya's girl." Sabi ni Flavy. Napayuko naman ako. Hindi ko alam anong gagawin. Uuwi na ba ako. Naramdaman ko ang hawak ni Zac sa kamay ko.
"Ah, Bianca, this is Ylonia Jarien." Zac pointed the girl besides Flavy. "Karious Van, Karyll's brother, beside her." He pointed the handsome boy. "Iowa Marie," he pointed the girl cute face. "Abigail Kaiva, beside her."
"Hello!" Sabi nung Iowa. I waved my hands at her. She looked cute!
Zac pointed the girl and boy besides Traive. "Meadow Yen and her brother Isaac Matthew."
Nakipagkilala ako sa kanilang lahat. Kala ko madami na sila Karyll, may idadami pa pala!
"What the hell is this?!" Ylo exclaimed. Traive's sister. Agad naman nagreact ang kanyang kapatid. This is worse than I think. Maarte versus maangil? Nah. I shook my head.
Inaayos ko na ang lamesa namin. Medyo madami kami kaya Hindi kami kakain dito at sa sala kami kakain. Tinutulungan ako ni Karyll magayos. Habang sila ay nasa sala nagkukukwentuhan.
"What the hell is that face, Ylo!" Traive copy her girly tone.
"Oh, here we go," bulong ni Karyll. Natawa naman ako sa kanya. Alam ko ang kanyang ibig sabihin.
"Masungit ba talaga si Ylo?" Tumango si Karyll habang inaayos ang mga sushi. Pag baba kasi namin ni Zac narito na ang mga dagat dagat na pagkain.
"Super, menopause na yan, e." She chuckled.
"Pero mabait?"
"Oo naman, ang alam ko may tinutulungan charity yan sa States." She shrugged. Napaawang naman ang labi ko. Well, Hindi na ako magtataka. Mababait ang angkan nila. Nanalantay sa dugo nila ang pagiging mabait at mapagbigay.

YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.