Chapter 10

16 1 0
                                    

#JOBH10

Halos dalawang linggo na ang nakalipas.. napakabilis ng panahon. Lalo na kapag kasama mo ang mahal mo... hindi mo namamalayan ang oras.

Magbabakasyon na din. At paparating na din ang birthday ng Lola nila Zac.

Sunday ngayon. At napagusapan namin nila Zac na magsimba at pumunta ng Amusement park for the bonding. Kami kami lang din ang magkakasama.

Nagaayos na ako ng sarili ko ngayon. Nakaharap sa salamin ko ngayon. I wore Knee length nude cocktail dress partner with my Nude ankle strap heel. Everything is nude. Even my Chanel handbag.

Hinayaan ko lang ang aking buhok na nakalugay. Nagpaalam na din ako kila Manang na magsisimba ako. Well totoo namang magsisimba ako 'di ba?

Totoo nga..

Susunduin nalang daw ako ni Zac sa gate ng subdivision namin kaya naglakad na ako. Kaibigan ko naman si Manong guard doon kaya pwede akong makisilong.

Habang naglalakad ako, tumunog ang cellphone ko. Text from my beloved suitor.

Hinayaan ko muna siyang manligaw. Gusto ko pa siyang makilala ng lubusan. At isa pa hindi namandaw siya nagmamadali, hindi din naman ako nagmamadali.

Mahirap din daw ang kanyang ginagawa ngayon na panliligaw. Hindi pa daw kasi siya nagkakaroon ng girlfriend. Kaya tawa ako ng tawa sa paguusap namin na yun. Mas madalas na kaming magkausap ngayon dahil tapos na ang finals at ang mga pinsan niya ay finals na din.

Daddy Zac:

Wait there. Malapit na ako, kasama ko na rin sila. :)

Natawa naman ako sa kanyang emoticon. Kung dati ay hindi siyang lalagay ngayon ay naglalagay na siya. Natuto na talaga...

Narating ko din ang guard house. Kaysa naman magintay ako sa bahay. Mababagot lang ako roon!

Buti nalang at hindi ako pinagpawisan! Kung hindi nako. Ayoko pa naman pinagpapawisan! Dahil lalagkit ako at hindi mapapakali at gusto ko na agad maligo kapag ganoon.

"Kamusta, Ms. Valencia?" Nakangiting tanong ni Manong guard. Friend ko talaga mga guard. Tamang uto lang. Lalo na sa school masyado kong kinakaibigan yun para makapasok ako kapag wala akong ID.

"Okay naman, po. Kayo po?" Magalang kong tanong. Lumapit ako sa kanya. Nakauniform siya at nakaharap sa monitor ng CCTV sa buong subdivision.

"Okay naman din, sino ba ang kikitain mo at pormang porma ka ata?" Ngisi ni Manong. Pinasadaha niya ng tingin ang ulo hanggang paa ko.

My cheeks heated.

"Nako, Manong. Date lang sa gedli." Maangas kong sabi. Tumawa naman siya at pinagpatuloy ang kwentuhan namin, nakaupo siya at nasa labas lang ako.

Inalok niya ang isa pang upuan kaso tumanggi ako dahil paparating na siguro sila Zac.

Tama nga ako at dumating na ang white SUV ni Zac. Kumaway ako para makita niya ako. Ibinaba niya ang bintana.

"Hey, Morning." Bati nita at kinindatan ako. Umirap nalang ako sa kanya. Bumaba siya at pinagbuksan ako sa front seat.

Ganon pa din, maingay pa din sila pagpasok ko. Palagi naman ganon ang nadadatnan ko sa kanila. Nagaasaran, tapos magkakapukunan kalaunan magbabatian din. Ganon sila.

Tumatawa nalang nga ako sa kanila. Zac smiled at me. I smiled, too. Hindi kami pinapansin ng nasa likod dahil busy sa asaran nila.

"I told you to wait in your house." Sabi niya.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now