#JOBH21
Isa sa pinaka-magandang nangyari sa buhay ko ang nakilala ko si Zac. Dahil kung hindi ko siya nakilala, hindi ganito kasaya ang nararamdaman ko.
"Want?" Alok niya sa kanyang hawak na fruit salad. Tumango ako. Sinubuan niya ako.
"Hmm.."
"Masarap?"
"Oo, sino ba ang gumawa?" Tanong ko ng malunok ko ang kinakain.
"Ako," he proudly said.
"Kaya naman pala, e!" Kunsintidor kong sabi. Natawa siya at inilapag ang bowl ng salad.
"Dito ka muna?" In a low tone voice. Nangungusap ang mga mata at nakanguso. Makakatanggi ba naman ako sa lalaking 'to?
Gagawin ko ang lahat para mapasaya ko siya. 'Yon lang ang pangako ko sa sarili ko. Hanggang sa kaya kong pasayahin si Zac, gagawin ko.
"Yes," bahala na kung mapagalitan ni Mama. Basta nakasama ko siya.
Sabi nga nila, masarap gawin ang hindi tama. Dahil as long as na ginawa mo ang bagay na 'yon, sumasaya ka.
"Yehey!" Bigla siyang tumayo at nagtatalon papuntang kusina. Huh?
Shocks! Nagtatalon siya dahil makakasama niya ako? Sabay ng pagtatalon niya, ang pagtalon ng puso ko sa galak.
Mahal na mahal niya talaga ako...
Natatawa akong sumunod sa kanya. Wala ang mga pinsan niya dahil may pinuntahan daw. Si Traive at Austin ay nasa kwarto nila at naglalaro ng PS4.
"Ano ba yan, Zac. Para kang bata." Saway ko sa kanya.
"Masama ba? Ang saya lang kasi nung mga nakaraan ay limitado ang oras natin, gusto ko ngayon ay maging special ang araw na 'to, para sa 'tin," he smiled and hugged me.
"Sorry..." Yon lang ang nasabi ko.
"It's okay, I understand, Bianca. I will understand you everytime. Hanggang kaya ko iintindihin kita..." ngiti niya. Ngumiti nalang din ako sa kanya.
Sana nga at hindi ka magsawa kakaintindi sa 'kin, Zac. Dahil...
"Hey wazz up, guys!" Si Karyll. Mukhang masaya ang gising, ah?
"Nabili mo na ba?" Tanong ni Zac. Tumango si Karyll. Lumapit si Valirie na papungas pungas pa dahil sa antok.
"Thanks, couz." Ganon nalang ang kanyang pagkasiya. Ngiting ngiti siya habang naghihiwa ng carrots.
"Anong lulutuin mo?"
"Ah? Ay, bakit ba ito?" Nagtatakang tanong niya at nagmamadaling itinapon iyon. Napakunot ang noo ko.
Umalis na sila Valirie at nagpunta sa kani-kanilang kwarto para matulog ulit.
Umupo ako sa lamesa at pumangalumbaba, tinignan ko siya.
"Ano ba, kaya nagkakamali ako, e. Nakatingin ka!" Angil niya. Lalo akong natawa dahil hindi niya malaman ang gagawin niya.
"Ano naman?"
"Eh kasi naman, e..." pagmamaktol niya at binaba ang knife na hawak. He pouted and glared at me.
He's so cute.
"You look like baby, Zac." Ngisi ko. Nagangat siya ng tingin sa'kin.
"Of course, your baby." Bawi niya sa 'kin. Napaiktad ako ng hilahin niya ako papunta sa kanya. "Padede nga," sabay tingin sa dibdib ko.
Tinakpan ko ang aking dibdib at lumayo sa kanya. Ngayon siya naman ang tuwang tuwa. Kanina ay ako ang natutuwa, ngayon asar na asar na ako!
"Manyak!" Sigaw ko. Narinig ko pa ang kanyang tawa.
YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.