#JOBH36
I wasn't dreaming... I saw Zac and he asked me if I'm okay. Like there's nothing happened between us.
After that, umalis na siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa nangyari.
What.. The..
"Uy," narinig ko ang tawag niya sa gilid ko.
"Sabi mo may trial siya?!" bulyaw ko. Hininaan ko ang boses ko para walang maistorbo.
He nodded, innocently. "Oo nga, pero hindi ko naman sinabi ngayon siya may trial." He said casually!
I groaned. "Ugh, Traive. Kahit kailan!"
Narinig ko pa ang tawa niya, mas lalo akong nainis. Sumusunod siya sa'kin sa likod ko, pero hindi siya nagsasalita.
Pinuntahan ko ang mga pasyente ko. Nakasunod pa din siya sa'kin. Lumingon ako habang inaayos ko ang brace ng pasyente ko.
Abala ang babaeng pasyente ko kay Traive. Habang si Traive naman abala sa ginagawa ko. Ngumisi siya at tumingin sa'kin. Umayos siya ng tayo at namaywang.
"Babalik ako to check you again." I said. Tumingin sa'kin ulit si Traive at ngumiti. "Ano?"
"Wala,"
"Ang akala ko ikaw na ang nagpapatakbo sa hotels niyo. E 'di soon to be CEO ka na?" I teased him. He side lips rose and looked away.
"May social life pa ba kayo? I mean, yung iba..." He said. Habang naglalakad kami nakasunod lang siya sa gilid. "Kasi ikaw hindi mo naman kailangan 'yon."
"Alam mo epal ka!" Tumawa kami parehas.
Mabuti nalang at hindi na babae ang pasyente ko mamaya kundi, kung anu- ano na naman itatanong kahit wala naman kwenta yung tanong.
Narinig ko agad ang iyak ng batang pasyente ko sa labas. Siya na naman...
"I hate you! I hate all of you! I hate you!" ang narinig kong paulit ulit na sigaw niya.
Pinihit ko ang doorknob para makapasok na.
"Hala, bata pasyente mo? Ba't umiiyak wala pa?" bulong niya sa'kin. Nagkibit balikat ako.
"Doc..."
"Good evening po," I said. "Hi, baby, how are you?" malambing kong tanong.
"I hate you!!" Sigaw niya. Nagulat ako sa kanyang pagsigaw. Lumapit Si Traive sa bata. "Who are you?" naging kalmado na ang boses niya.
Traive, Traive, Traive...
"Baby, masama ang pag sigaw sa matatanda." he emphasized the word 'matanda'. Palihim kong inirapan siya.
"Dapat hindi ganon, ano bang nangyari sa'yo?" nagumpisa na silang mag-usap. Nagkaroon ako ng pagkakataon para tignan ang tuhod niyang namamaga na.
While examining her knee, Traive distract the girl. Nang natapos ako. Kinausap ko ang parents niya. Lumayo kami bahagya sa kanila.
"Your daughter condition's getting worse. I don't want to say this but she needs operation..."
Nagulat ang dalawa.
"The knee is one of the most used joints in the body, but unfortunately, that means it’s often over-used to the point of injury," I explained.
"Knee replacement surgery can either replace some or all of the knee joint with an artificial one."
"So there's two options?" her mom asked me. I nodded.
"The first option, po, is a partial replacement and total replacement."

YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.