Epilogue

19 1 1
                                    

Thank you for making one of my dream come true. Thank you for reading this until here. This story isn't that good but you're here, reading this. Somehow, this story gave you lesson to wait and believe that love can wait. Again, thank you and stay safe!

_

#JOBHEPILOGUE

"Good morning," I greeted her.

"Good morning, may lakad ka?"

"Uh, I have urgent meeting. Hindi ko ba nasabi?"

She shook her head and pouted.

"'Kala ko pa naman sasamahan mo akong mag shopping ngayon." sabi niya, nakanguso pa din.

"I'm sorry, kailangan talaga ako do'n."

Tumango siya at tumayo sa pagkakahiga. Tumingkayad siya at niyakap ako. Amoy siya hospital kahit na naligo siya kagabi, bahagya akong natawa.

"Amoy hospital ka na.." I teased her. "Para ka tuloy walking alcohol hehe."

Sinamaan niya ako ng tingin at humalulipkip. I chuckled softly.

"Ikaw amoy ka na preso!"

Nanlalaki ang mata kong tumingin sakanya.

"Bakit?" sabi niya. "Palagi kang nasa korte at palagi mong kausap ang preso kaya amoy preso ka na! Hmp!" I glared at her. Tumakbo siya nung akma ko siyang hihigitin.

Tumatawa siyang tumakbo. Hinabol ko siya at niyakap ng mahigpit. Idinikit ko lalo ang katawan ko sa kanya para malaman niya ang amoy ng preso na sinasabi niya.

"Ayan, amoy preso ba ako?" I asked in a sensual tone.

Umangkat ang gilid ng labi niya at inamoy ang dibdib ko. Mas lalo pa siyang napasimangot nung inamoy niya ulit ako. Natawa ako.

"Yabang." Bulong niya at umalis sa pagkakayakap sa'kin. She checked my polo. "Hala, na gusot tuloy. Ang landi mo kasi."

Sabay kaming natawa.

"Aalis na ako, I'm gonna text you or call you, okay?" I kissed her forehead. "Answer my text if your not gonna answer, uuwi ako agad." I kissed her cheeks. "Take a rest, alam kong hindi sapat ang tulog mo, okay?" I kissed her lips lastly.

Inalis ko ang labi ko sa labi niya, pero humabol ang labi niya. Natatawa akong hinalikan siya ulit.

"Lock the doors, wala pang gaanong bahay dito kaya walang tao, kahit na may security sa gate ng subdivision." Paalala ko ulit. Tumango siya.

"Yes. Matutulog lang ako."

Nang umalis ako tinawagan ko na agad si Valirie at Karyll para puntahan si Bianca. Inintay talaga ni Karyll ang araw na 'to.

Pagkalabas ko ng subdivision namin, nakita ko agad ang Range Rover na sasakyan ni Traive. Nasa likod niya ang Mustang ni Austin. Nung makita nila ang sasakyan ko, mabilis silang umabante at sumunod sa'kin.

I wore my earpiece and called Traive.

"Okay na ba yung venue?" I asked.

"Oo naman, ako pa?" Sagot niya. "Andoon na si Tita Jamiee at Tita Vivian."

"Okay, thanks." I said. "Uh, by the way, my suit?"

"Ayos na din, nasa room 143 para I love you, nandoon na ang stylist mong maarte ka, kuya."

Kumunot ang noo ko. "What stylist?"

"Luh, 'di ba sabi mo kailangan mo ng stylist?"

"I don't need that, I can handle myself. Tsaka kahit hindi na ako ayusan... Okay na." pagmamalaki ko. Narinig ko ang Sarkastikong ubo niya. I got you, couz.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now