#JOBH08
Nakalipas ang isang linggo. Umayos na ang lagay ni Flavy. Monitor na din siya, nakauwi na din pala ang magulang ni Zac, kinabukasan. Kaya nagmamadali akong umalis.
Nasa classroom ako ngayon at pupunta na sa freedom park para puntahan sila Zac.
Madami na nangyari, umuwi si Mama at may dala ng mga kasama ko sa bahay. Isang taga luto, taga linis at driver. Para daw may tao naman daw sa bahay kapag papasok ako.
At ngayon pinapabaunan nalang ako ni Manang Mari. Naka close ko agad sila dahil sila ang makakasama ko...
Gusto ko din maging komportable sila sa akin. At buti nalang at naisipan yun ni Mama para naman may kasama ako..
"Babaita!" Sigaw sa malayo ni Karyll. Kumakaway siya sa akin, kinawayan ko naman din siya pabalik.
"Hey," ngumiti ako sa kanilang lahat. Kumpleto na sila dito at nagbabangayan na naman. Wala naman atang bago? Ganon pa din sila.
"Alam mo kuya, ligawan mo na si Bianca... kasi liligawan ko na siya kung ayaw mo pa.." pangaasar na naman ni Traive kay Zac. Inilingan ko nalang si Traive sa kagaguhan niya.
Tahimik lang si Zac na tumingin sa akin.
"Oo nga, support kita.." bulong ni Austin. Tumalim ang tingin ni Zac sa dalawa.
"Ako din..." si Karyll.
"Seym hir!" Maarteng sabi ni Valirie.
Pinagtutulungan na nila si Zac ngayon. Sa loob loob ko, tawag tawa na ako dahil sa talim ng tingin ni Zac sa kanila.
"I'm sorry kuya.. but I go for Kuya Traive." She emmotionally said.
Kapag ako talaga tuluyan ng hindi kinausap ng kuya niyo patay kayo sa akin.
"Stop it," angil niya. Finally, he spoke. Tapos yun lang pala ang sasabihin. The heck, men.
"Bakit kuya?" Pangaasar na naman ni Traive. Hindi na ako magugulat kapag sinuntok nalang bigla ni Zac yung pinsan niya.
"I said stop it." Kalmado, ngunit nahihimigan ko ang iritasyon sa kanyang boses. I giggled. Unti nalang... bibigay kana din.
"Mauuna na ako, tagal mo, Kuya!" Paalam ni Valirie. Tumango ang lahat sa kanila. Tumayo na din ako at tinignan ang relos, baka malate ako kapag hindi pa ako tumayo dito.
Tumayo din si Traive. Mapangasar na tumingin kay Zac.
"Uh, maauna na din ako," hindi ako pinansin ni Zac, sakanya kasi ako nakatingin, e. Nasa papel na binabasa lang niya siya nakatingin. Hmp.
Hindi ko na siya inintay at lumakad na. Wala akong panahon para manuyo ngayon. Meron kaming quiz ngayon. Kailangan ko pang magaral. Siguro mamaya ko na siya lalandiin.
"Ayos, andito ka na naman." Sabi ko kay Traive. He laughed.
"Unti nalang yun, biancs. Bibigay na yun." Inakbayan niya ako. Napatingin naman ako sa ginawa niya.
"Anong unti?" Tanong ko, kahit halata naman na malapit na nga talaga siyang bumigay at...
Hindi naman sa assuming ako... pero hindi din ako umaasa. Dahil sa dalawang yan, parehas ako masasaktan. Sa pagaasume na may gusto siya sa akin at malalaman ang katotohanan na 'di naman pala niya ako gusto. At sa aasa ako sa kanya, aasa na may nararamdaman siya sa akin.
Mas mabuti pang tadhana nalang ang gumawa ng paraan para malaman ko ang katotohanan.
Ngumuso siya. "Hindi ba halata? Nahuhulog na si Kuya sayo.." seryoso siya sa sinabi niya. Walang halong biro.
YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomansaZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.