Chapter 24

7 1 2
                                    

#JOBH24

Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko kagabi. Ni hindi ako nakatulog ng maayos dahil doon. Gusto kong sabihin kay Manang kaso ayoko naman na magalala sila kaya sinarili ko nalang.

Bangag na bangag ako kinaunagahan. Kinailangan ko pang maglagay ng concealer sa ibaba ng mata ko para hindi mahalata ang eye bags.

Ni wala din akong ganang kumain ng umagahan. Uminom lang ako ng kape para hindi sumakit ang sikmura ko.

Ipinikit ko ang mata ko habang nasa byahe. Hindi ako mapakali dahil feeling ko nasa likod lang namin ang puting kotse kagabi.

Hanggang sa nakaiglip ako at nakarating na sa University. Pinagbuksan ako ng pinto ni Manong.

"Magingat po kayo," Paalala ko. Tumango si Manong.

"Opo, kayo din po."

Nagpalilinga linga ako sa paligid. Feeling ko kasi may matang kanina pa nakita sa'kin. Nung makita ko ang lalaking naka shades sa tabi ng guard nakatingin sa gawi ko, kinabahan ako. Nagmamadali akong pumasok.

Ang nakagawian kong daanan na si Manong guard ay hindi ko na dinaanan. Sa main gate na ako dumaan, mabuti nalang at bukas 'yon.

"Whoa, whoa!" Napatingin ako sa nilagpasan ko. Hindi kasi ako tumitingin sa paligid ko kaya hindi ko napansin si Zac. Nakahinga ako ng maluwag.

"Good morning," bati ko sabay haplos sa pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop yon ng kanyang kamay. "Sorry, nagmamadali ako. Hindi kita napansin... "

"Good morning too," he smiled. "Wala ka sa sarili, are you okay?" tanong niya. Lumakad na kami.

"Yeah." Taging sagot ko.

"Uh, sabay tayo ulit sa lunch?" tanong niya, trying to start conversation.

"Oo naman," sagot ko, wala sa sarili.   "Nandito na tayo,"

"Huh?" Medyo na tawa siya sa sagot ko. Tinignan ko ang paligid. Nasa harap na pala kami ng classroom ko.

Luminga linga ulit ako nang may nakita na naman akong naka puting polo na may shades. Medyo nakatingin siya sa gawi ko.

"Ah yes. Oo nga. Mauna kana, baka malate kana."

"Okay." at binitawan niya na ang kamay ko. Kumirot ang puso ko sa kanyang pagbitaw. Kinuha ko ulit yon at hinaplos sa pisngi ko.

"Mag iingat ka. I love you," Binulong ko sa kanyang tenga. Narinig ko ang ngiti niya. Weird.

"Mahal din kita." Malambing niyang binulong sa'kin. Humiwalay ako at baka masita kami. Buti nalang at walang gaanong tao sa corridor at ang classroom ay nakasarado ang pinto.

Tinignan ko ang papalayong bulto ni Zac. May napapatingin pa sa kanya pero sa mga 'yon wala siyang nililingon, diretso lang ang tingin.

Tinignan ko din ang lalaki na nasa likod ko kanina. Wala na siya... May dumaan na kaba sa dibdib ko.

Habang nagka-klase kami hindi ako makapag focus. Inaalala ko yung mga weird na nakikita ko. Ang kagabi na sobre. Ang mga lalaking tila nakamasid sa 'kin... Ang kotseng puti na nakasunod.

Nang dumating ang lunch break. Medyo nagkawisyo na ako. Lumakad ako pa tungo ng freedom park. Agad kong natanaw ang magpipinsang Laquien.

May nadagdag na. Si Ylo, katabi si Flavy na maayos na sa wakas ang lagay. Nang makarating na ako sa table nila. Naka poker face na naman si Karyll habang kumakain at ang katabi niyang si Valirie ay naka earphones at hawak ang cellphone niya.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now