Chapter 19

14 1 1
                                    

#JOBH19

I had a beautiful morning. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi dahil sa nangyari kagabi. Tinignan ko ng orasan at nagmamadaling tumakbo papuntang CR.

'Muni muni pa nga, malilate kana! Hmp!'

Nang makababa ako sa kusina naroon si Manang. She smiled at me. Lumapit ako sa kanya para bumati. May inilalagay siyang pink na tupperware sa lunch bag na pink. I guess, my lunch. Ngumiti nalang ako.

"Magandang umaga po," bati ko at binuksan ang fridge para kumuha ng tubig. I look at my wrist watch. Malilate na ako kapag kumain pa ako.

"Kumain ka muna, hija. Eto," inilagay niya ang fried rice sa aking plate. I shook my head. Ibinababa ko ang baso.

"Late na po ako kapag dito pa ako kumain, manang, thank nalang po," magalang na tanggi ko. Tumango siya sa akin.

"Eto, may ginawa akong tuna sandwich, kainin mo habang nasa byahe." Sabi niya at binigay sa akin ang dalawang plastik ng sandwich. Malugod kong tinanggap 'yon at nagpasalamat.

Nangiintay na sa 'kin si Manong Canor sa labas. Nginitian ko siya.

"Good morning, Manong," bati ko rin dito.

"Good morning din, Ma'am." Binagbuksan niya ako pinto. Pumasok ako sa lumang Audi ni Mama. Bumili kasi siya ng Mercedez benz kaya 'yon ang kanyang ginagamit.

"Ingat po kayo, Manong!" Pagkababa ko sa Audi ni Mama ay dire-diretso akong pumasok. Tinaasan ko ng kilay si Manong at maarteng kong hinawi ang aking ID. Narinig ko ang kanyang pagtawa.

"Ay palaka ka!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. I furrowed. I saw Zac, smiling.

"I am the most handsome frog in the universe." Nangyayabang niyang sabi. Kinuha niya ang aking dalawang libro sa braso dahil sa kapal nito at bigat

"Yeah, yeah." Patango tango at kunwaring napipilitan kong sagot. He pouted. Hinawakan niya ang aking kamay at pinatigil sa harap niya. Nasa tapat kami ng foundtain of love. May ibang tumitingin sa gawi namin, ngunit iiwas din at ngingiti.

"Do I look ugly?" Kunwari'y malungkot niyang sabi. Natawa naman ako at hinawakan ang kanyang makinis na pisngi.

"No, of course not! You're so handsome, Zac Vince." I said. He smiling ear to ear. Hinatak niya na ako paalis doon.

"I thought you don't know my whole name." Biglang sabi niya habang umaakyat sa hagdan. Mas okay pa sa 'min ang hagdan para makapagusap pa kami. Kaysa sa elevator mabilis 'yon, e.

Ngumiwi ako. "Zacharias Vince Morales Laquien, huh?" Natigilan siya at lumingon sa akin.

"Yuck, Zacharias." Ngiwi niya din. Napatawa naman ako. Bakit? Ang ganda ganda ng name niya! Unique nga, e!

"Why? You're name is hot and..." 'di ko na tinuloy dahil baka kiligin.

"And?" Kunot noo niyang tanong.

"Wala." Sabi ko at nagmamadaling kinuha ang libro ko.

Lumipas ang oras nakikinig lang ako sa prof. Ko. Wala din naman akong kadaldalan dito kasi 'di naman ako pala salita.

"What the hell, Traive! You don't know how much this handkerchief?!" Gigil na sigaw ni Flavy sa kanyang kapatid. Sa malayo palang ay naririnig ko na ang kanyang matinis na boses.

"Ano naman?" Walang ganang sabi ni Traive. Mukhang matamlay si Traive the great, ah? Anong problema nito?

Wala si Karyll do'n si Valirie ay naroon at si Ylo. Magkatabi silang tatlo, ang tatlong lalaki naman ay magkakatabi.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now