#JOBH26
Talagang planado si Flavy. May dala dala siyang speaker. Sa ngayon, pinapapayag pa ni Flavy si Zac, Traive, Austin, Matt, Karious.
"If you don't want to dance in front of us. Pwede naman sa labas nang village." she asshrugged. Napahalagpak kami ng tawa sa sabi niya.
"Sexy dance, in front of village, Flavy." Si Ylo.
"Shut up, Ylona!" Angil ni Traive.
"Or grinding in random girl infront of village?" Iowa said. Mas lalong nanlaki ang mata nila. Tumingin si Zac sa'kin, nagmamakaawa ang mata. Natawa ako.
"Baka magalit si Bianca sa'kin, Flavy. Stop this." Pagkukumbinsi ni Zac sa kanyang kapatid na diterminado na sa gagawin.
"Nope. I am not. Mas masaya pa ako." Humalukipkip ako sa kanya. Nagmamakaawa na talaga siya.
"Ganyan ang gusto niyo! Yung nagmumukha kaming tanga!" Madramang sabi ni Traive. Nagtawanan kami sa sinasabi niya.
"Let's do it. Para matapos na ang mga kabaliwan nila." Mukhang labag sa loob niya ang pagpayag.
"Dahil pinag-intay niyo kami tapos papayag din pala tayo. Lahat nang sinabi namin ay gagawin niyo." Si Flavy.
"Flavianna louise!" Sabay nilang sigaw. Hindi sila pinansin ni Flavy. Tumayo sila at sumabay na ako. Zac glance at me.
"Exciting! Ready your cameras girls!" Natatawang sigaw ni Ylo nang makalabas kami at makababa.
Nakasunod na siguro sa'min ang mga boys. Naririnig ko kasi ang boses ni Traive. Siya lang ang panay reklamo. Ang iba naman ay hindi.
"Mga babaeng 'to. Gustong gusto tayong napapahiya. May araw din kayo sa'min! Pakakantahin ko kayo sa gitna nang maraming tao!" rinig kong reklamo ni Traive.
"As if mapapakanta mo kami!" Sigaw ni Valirie na tawa na ng tawa ngayon. Si Karyll as usual nakapoker face na naman. Mukhang walang pakielam sa nangyayari.
"Kumanta ka nga nang malakas sa gitna ng paguusap namin!" Pang-aasar niya dito. Itinaas ni Valirie ang middle finger niya.
"What song?" tanong ni Ylo kay Flavy.
"All time lover." Nagtawanan silang dalawa. "And careless whisper."
"That's gross." sabi niya at parang kinikilabutan sa narinig.
Nang makarating kami sa gate ng village nila, may mga tao sa labas. Alas dyes ng gabi may tao pa dito sa labas? Napangisi sila Ylo at Flavy sa nakikita. Nasasayahan sila sa nakikita nila.
Mabilis din naming naagaw ang atensyon ng mga tao.
Nalukot ang mukha ni Matt. May pakamot naman sa batok si Karious.
"This is amazing!" Si Iowa na hindi na mapigilan ang saya.
"Simulan ang kasiyahan!" masayang sigaw ni Valirie. Inilapag ni Flavy anh speaker ss kalsada.
"Sa tingin mo masaya tong gagawin namin?" Angil ni Traive. Inirapan lang siya ni Valirie, she mouthed 'KJ'
"Don't be kill joy, Traive. You want this, right?" Tumingin siya sa paligid. Nakatingin lahat ng tao sa'min. "You wanted to be famous. You wanted the attention. This is time, Traive." Nangaasar na ani ni Ylo.
"Ba-" Hindi na natapos ni Traive ang sasabihin ng pinutol ni Austin ang sasabihin niya.
"Tama na. Gawin na natin para matapos na." mukhang naiinis na si Austin.
"Give us minutes to prepare!" Si Matt. Tumango naman si Traive.
"Oo nga, para hindi naman kami mapahiya at magkasabay sabay kami!" Angil nito. Kanina pa 'to ha? Pinagbigyan sila ni Flavy. Pumunta naman sila Flavy sa mga tao sa labas at may kinausap na babae ata para sa pangalawang challenge.

YOU ARE READING
Jar of broken hearts
Roman d'amourZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.