#JOBH09
Hindi ako nakatulong. Hindi mawala sa sistema ko ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala! Kaya ngayon, hilong hilo ako!
Hindi ako nakatulog kakaisip kung totoo ba ang sinabi niya! Namputs! Totoo kaya? Ayoko naman tanungin kay Karyll. Alam kong may problema din yun. At aasarin lang niya ako!
Nasa school na ako at lunch na. Hindi ko alam kung pupunta ba ako ng Freedom park para kumain o dito nalang.
Kalaunan, naupo ako sa library at pinilit ang sarili magaral. Malapit na ang finals. Kailangan kong magaral!
Pero kahit anong aral ko. Pumapasok lang sa isipan ko si Zac ay kanyang sinabi sa akin kagabi.
Totoo kaya yun? Tumulala ako sa libro nasa harap ko at kunwaring nagbabasa pero nagdedaydream lang naman talaga.
Pwede ngang maging kami? Kapag sinagot ko siya? Naginit naman ang pisngi ko. Hindi ko makita ang sarili ko sa ibang lalaki, kay Zac lang talaga.
Kaya ko bang pumasok ulit sa relasyon?
Madami na akong naging boyfriend. Pero laro laro ko lang yun. Hindi ako nagseryoso. Pabago bago ang jowa ko. Pero hindi ko sila niloloko. Sadyang nagsasawa lang ako. Swerte na kapag umabot kami ng 1 month ng jowa ko dun. Hindi ko kasi pinapatagal.
Hindi pa ako handa magseryoso sa panahon na yun. Kaya ganon. At hindi alam nila Papa na nagkaroon ako ng madaming nobyo doon.
At ngayon.. ngayon ko lang naramdaman ang kaba kapag kaharap siya..
Ngayon lang na parang inaatake sa puso kapag may kakaiba siyang ginawa sa akin.
Parang bumalik ako sa pagiging teenager ko! Namumula ako ng maisip na nagdedate kaming dalawa!
Ang paghawak niya sa aking baywang... ang paghawak sa aking kamay. Nararamdaman ko ang kamay niya sa aking baywang!
Napataas ang gilid ng labi ko. Nagiilusyon lang ako bakit parang naging totoo?
"Hey, kumain kana ba?" Tanong niya. Kinilabutan naman ako dahil doon. Abot kaba ang aking puso sa narinig.
What the fudge.
"Ha?" Tanong ko din. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. His eyes is serious again, his usual.
"Are you done eating?"
"Ah.. eh.. hindi ako kuma-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinatak na niya ako patayo.
Ayan na naman ang puso kong walang tigil sa pagtibok. Tinignan ko ang maugat niyang kamay.
Siguro...
Dinala niya ako sa freedom park kung saan naroon ang kanyang mga pinsan.
"Oy, biancs." Bat agad ni Traive. May ngisi sa mga labi ang mga pinsan niya. Alam ko na agad kung bakit. Alam na ba nila? Alam ba nila ang kalandian ng kuya nila?
"Hi," mahinhin na ang boses ni Flavy. Hindi kagaya dati na malakas itong bumabati sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Hello," sa kanya ako tumabi. Si Valirie ay nasa cellphone na naman ang atensyon si Karyll ay kumakain. Hindi siguro ako napansin.
"What's the score between you and kuya?" Tanong niya. Nakangisi siya sa akin. Agad naman namula ang pisngi ko.
"Ikaw bata ka, yan talaga ang una mong tanong!" Pinisil ko ang kanyang pisngi.
Inilabas ko ang lunch bag ko. Kinukulit pa din ako ni Flavy, si Zac ay katabi ko na ngayon. Agad naman kumalabog ang puso ko.
Buti at madami ang ipinabaon sa akin ni Manang. Binuksan ko iyon at binigyan ko sila.

YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.