#JOBH02
Pagkauwi ko sa bahay wala naman din tao, kaya minsan ayokong umuuwi, e. Palaging ganito ang senaryo.
My father died years ago. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap. Daddy's girl ako kaya ganon nalang ang sakit sa pagkawala niya. Ang kapatid ko nasa Canada. Naiwan sila doon kay Lola. Ako ang panganay at may dalawa akong maliliit na kapatid.
Hindi sila pinasama ni Lola sa akin. Ginusto ko 'to dahil nagiging pabigat na ako kay Lola, hindi ibigsabihin na may pensyon sila ay hindi na sila naghihirap. Retired Teacher si Lola si Lolo naman ay patay na.
Alam kong nahihirapan na si Lola sa pagpapaaral sa mga kapatid ko, tapos ako collage na, nursing pa ako. Ayokong umasa kay Mama dahil baka isumbat lang niya sa akin yun.
E, 'di kapag hindi ako binigyan ng pangtuition ni Mama hahanap ako ng part time job, hindi ako pwedeng umasa sakanya.
Simula nung nagaway sila ni Lola. Lumayo ang loob ko sa kanya. Isinumbat niya sa amin tatlo ang dahilan ng pagkabagsak niya. Hah.
Gusto kong magtanim ng sama ng loob kay Mama, kaso mapipilitan pa akong diligan kaya hindi nalang.
Pumasok ako sa kwarto ko. Simula nung lumipat ako dito naging.. hindi ko alam. Parang hindi na ako naging masaya. Ang buhay ko kasi nasa Canada. Sa mga kapatid ko, sa Lola ko.
Kapag uuwi ako dito, nalulungkot ako. May kalakihan ang bahay na ito, may dalawang palapag, sa ikalawang palapag may limang room. May master's bedroom tapos study room at office ni Mama, Closet niya at room ko. Nasa dulo ako.
Pagpasok ko humiga ako saglit at pumikit. Pagkapikit ko lumuha agad ako. Miss na miss ko na sila Lola at mga kapatid ko.
Kung kaya ko lang... kung pwede lang. Hindi na ako aalis don. Pero hindi pwede, e.
Inis akong tumayo sa kama ko. Naligo muna ako bago matulog.
Pero hindi ako makatulog. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at nagtimpla ng gatas.
Tutal pabibo ako, I took picture to my milk. And Ni myday ko sa Instagram. Naglagay ako ng caption na, 'can't sleep.'
Inubos ko ang aking gatas bago umakyat sa taas. Magaalas dose na pero ako heto nakatulala sa loob ng kwarto na 'to. Nagvibrate agad ang phone ko.
Karyll: Same gurl!!!!!:(
Dumapa ako at sinagot ang kanyang DM.
AlexaBianca: Zac? Tulog na ba ang asawa ko? Hihi
Agad naman sumagot ang gaga.
Karyll: hindi pa, nasa living pa kami, e. Pinapagalitan pa kami!:(
Natawa naman ako sa kanyang sagot. Mukhang 'di pa ata ako makakatulog.
AlexaBianca: wag niyo ngang inaasar hubby ko! Tatanda agad yan!:(
Matagal siya bago nakasagot. Nagmyday pala siya. Viniew ko agad ang myday niya.
Si Zac yun, nakakunot ang noo kay Traive. Pero si Traive ay tatawa tawa lang sa kanya. 'Umayos ka nga, Traive Sean. Amputa, papatapon kita sa damp site. Ayusin mo nagtatanong ako ng maayos.' Tawa lang siya ng tawa hanggang sa binato siya ng unan ni Zac. 'Oo na, porket andito crush mo kanina.' Natapos ang myday ni Karyll.
Natatawa lang ako sa kanya. Ang seryoso niya masyado sa mga pinsan niya.
ZacLaquien follows you.
Muntik ko ng maitapon ang cellphone ko sa nabasa ko. Did he follow me?
Inistalk ko siya saglit.

YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.