Chapter 16

12 1 1
                                    

#JOBH16

One year later...

Sa nakalipas na taon, naghilom angs sugat ni Traive. Nakakausap na namin siya at tumawa at nangingiti na siya. Hindi katulad dati, wala siyang ginawa kung hindi maginom, umiyak at magpabaya sa sarili.

Nagalit ang magulang niya sa kanya at mga pinsan niya sa kanya. Kaya natauhan siyang may buhay pa pala siyang dapat ayusin. Tumayo siya ulit at kinalimutan ang nangyari, pero hindi pa din niya maialis sa sarili niya na siya ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanyang nobya.

Second year college na ako, at si Zac ay Third year college na. Hanggang ngayon Hindi ko pa din siya sinasagot. Pero ngayon ko balak siyang sagutin. Matagal na din ang nagdaang panahon.

Napatunayan ko din na mahal niya ako, at mahal ko siya. Nakilala ko na din siya ng lubusan at wala na akong problema. Kayang kaya ko na ibigay ang buong puso ko sa kanya.

"Ano, girl? Wala ka pa ding balak sagutin si Kuya?" Tanong ni Valirie. Kaming dalawa lang ang narito dahil may inaasikaso silang lahat. At kami lang ang wala.

Busy ang lahat dito dahil school fair ngayon. Mamaya sasayaw din ang Dancing god. Excited na nga ako makita ulit si Zac sa stage, nagsasayaw. May nadagdag din sa kanila, sila Isaac, Karious.

Ang mga mokong magagaling din pala magsayaw.

"Tulungan mo ko, sasagutin ko na nga, e." Tumango siya. Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Pagkatapos namin, pumasok na ako sa classroom.

Hindi ako makapagisip ng maayos sa room. Dahil kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Wala pa man ay kinikilig na ako.

Ano ba yan! Sana maging maayos!

Maaga kaming pinalabas ng Prof. Namin dahil sa event. Mabilis naman akong pumunta sa room ni Valirie. Naroon siya at may kausap.

"Valirie!" Tawag ko. Tumingin siya sa akin. Lumapit ako sa kanya. "Ayos na ba?" Tanong ko. Tumango siya.

"Okay na." Nagpaalam muna siya sa kausap bago kami umalis.

"Kinakabahan ako!"

"'Di yan, tanga." Sagot niya. Nasa back stage na daw kasi sila Zac, nagaayos na. Sa open field yung event at bukas may mga booth kung ano anong kabaliwan ng school. Ewan ko ba.

Nasa pinakaharap kami ni Valirie para kapag tapos nila magsayaw makikita niya agad kami. Kinakabahan ako masyado sa nangyayari.

"Okay na ba lahat talaga?" Tanong ko ulit Kay Valirie.

"Oo nga!"

Tumahimik nalang ako at nagintay. Nang lumabas sila, parang lumabas na din ang puso ko sa dibdib. Grabe walang pinagbago, ang gwapo pa din niya!

Nagsimula silang magsayaw at naghihiwayan ang mga students.

"Ang gwapo mo, Traive!!! Akin ka nalang papaligayahin kita!!"

"Austin ang yummy mo patikim!!"

"Yuck, grabe sila. Pati kapatid ko pinagnanasahan." Natawa nalang ako sa kanyang sinabi. Ganon ang sigawan ng lahat.

Pagkatapos magsayaw nila, Nanatili muna siya sa stage. May itatanong daw muna kasi sa kanila. Ano na naman ba 'to?

"Traive Laquien! Are you happy?" Tanong ng emcee. Ngumiti si Traive. I guess, his not.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now