Chapter 28

4 1 1
                                        

#JOBH28

One week.

One week without seeing Zac.  He still avoiding me. One week. Natiis niya ako nang isang linggo. Hindi ko alam anong nagawa ko.

Ginagawan ko ng paraan para magkausap kami. Pero sadyang lumalayo siya sa'kin.

Ang dami kong problema. Gustong gusto ko ng magsumbong sakanya. I wanted to tell him my situation with my mother. Pero... wala.

Kung kailan ko pa naman siya kailangan, wala pa siya.

How unfair.

"Salamat talaga sa pagpapatuloy,  ha?" Pagpapasalamat ko sa anak ni Manang. Dahil alam kong hindi na ako makakaapak sa bahay. Hindi din naman ako makahingi ng tulong kay Zac dahil nga iniiwasan niya ako.

Buti nalang at mabait ang anak ni Manang at pinatuloy niya ako sa bahay niya. Hindi kalayuan ang bahay nila sa subdivision ng bahay namin.

Wala silang kasama mag-ina dito. Ang asawa niya ay nasa ibang bansa. Dalawa lang sila dito kaya maswerte akong pinaunalakan niya ako.

"Ano ka ba? Wala naman kaming kasama ng anak ko. Pwedeng pwede ka dito, kilala ka naman ni Nanay." She assured me.

Hindi kalakihan ang bahay nila pero sapat na sa tatlong myembro ng pamilya. Simple lamang, may dalawang palapag at maaliwalas.

"Naku, hindi. May ipon ako, baka humanap ako ng murang apartment." I said. Inilapag niya ang bagong bed sheets sa maliit kong kama.

"Ikaw ang bahala. Basta kapag kailangan mo, pwedeng pwede ka dito." Then she smiled at me.

Nagpaalam siya na mauuna na muna siya dahil baka magising ang dalawang taong anak niya.

I signed.

Umupo ako sa kama. Bigla nalang na kumirot ang puso ko. Tinaas ko ang mga paa ko at niyakap ang mga tuhod. Iniyuko ko ang ulo ko at nilapat ang noo sa tuhod.

Nagpatuloy lang aki sa ganong posisyon. Nang bigla nalang akong napahikbi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kailangan kita... ikaw ang kailangan ko tapos wala ka. Pilit kong kinakausap ka, pero ikaw mismo ang ayaw akong kausapin.

Ano ba kasing nagawa ko?

I even flood of messages Zac yet I got nothing. Inbox. It really hurt. Dumadami na naman ang tanong sa utak ko,  'Ano ba kasing ginawa mo?' 'Bakit kasi hindi ka gumawa ng paraan?' 'bakit hindi mo puntahan at humingi ng tawad sa kung anong nagawa mo?'

Kahit anong tanong ko sa sarili ko hindi ko masagot, dahil mismong si Zac ay hindi ako masagot.

I don't know what to do.

I wipe my tears, but they keep on falling. My chest really hurts. Ang hirap hirap nung iniiwasan ka ng hindi mo alam kung bakit. Ilang araw na mabigat ang nararamdaman ko. 

Bawat araw parang isang pagsubok na kailangan kong lagpasan... mag-isa.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng tumunog ang cellphone ko. Dali dali kong kinuha at tinignan ang nagtext. I'm praying that Zac is the one who message me.

Agad akong napalupaypay nung makita na si Karyll lang ang nagtext.

Karyll:

Kuya is sick. Happened with you two?

Napabangon ako sa text niya.

Ako:

Nasaan na si Zac? Dinala na ba siya sa ospital? Pupunta ako, please sabihin mo gusto ko siyang makita...

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now