#JOBH05
Dumating kami ni Zac sa Parking lot. Nasa kotse na daw sila Karyll. Nakahawak pa din ang kanyang kamay sa aking wrist.
Naiilang ako, pero... bahala na! Mukha talaga kaming couple.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at napatigil sila Karyll at Valirie sa pagsasapakan. Napatulala sila sa akin, pero nabalik den sa ulirat.
Gulat kayo 'no?
"Hoy! Pasok na!" Sabi ni Karyll. Bakas pa din sa kanyang mukha ang pagkagulat.
Tumabi ako kay Valirie na nakatingin pa din sakin. Ano bang problema? Inalis niya ang tingin sa akin at bumaling kay Zac na nasa driver seat.
Tahimik ang aming naging byahe, at papunta pala kami sa Mega mall. Binuksan ko ang handbag ko para icheck ang pera ko at cards.
Mabuti nalang at dala ko ang cards ko! Parang... parang gusto ko lang magshopping. Pero naisip ko, madami pa naman akong damit, maayos pa naman mga damit ko.
Nang makarating kami sa Mega Mall, nagaya agad sila sa Arcade.
"Arcade nga tayo diba, Val?" Tanong ni Traive. Tumango naman si Valirie. Katabi ko si Karyll na natahimik lang.
"Are you okay?" Tanong ko. Tumango siya. "You sure?" Tanong ko ulit. Mukhang matamlay kasi siya. Kaya... tinatanong ko.
"Si Hansel kasi may sakit, eh hindi ako makauwi sa bahay." Malungkot niyang sabi. Tumingin ako sa kanya. Matamlay talaga siya.
"Who's Hansel?" I asked. Sino ba kasi yun at bakit ganto nalang ang kalungkutan nitonh babae na ito.
Sumunod kami kila Traive na papuntang Arcade, kasama na nila si Zac ngayon at mukhang nauto na nila ang kuya nila.
"My Golden retriever dog is sick."
"Hala, nasaan ba siya?" Hindi ko akalaing mahilig pala sa Aso si Karyll.
"Nasa bahay, pero pinatingin na siya ni Dad sa Vet. Naconfine nga lang. Matanda na kasi siya... kaya ganon."
I tap her shoulder. "Gagaling din yun, 'wag kang magmukmok dahil lumalaban pa siya, tapos ikaw mukhang namatayan jan." I said. She smiled at me.
Nakaupo kaming dalawa ni Karyll sa may couch dito sa Arcade, sila Zac naman masayang naglalaro ng basketball.
Tumayo si Karyll at hinatak ako papuntang videoke room.
"Let's sing, girl!" Wala na akong nagawa at sumama nalang.
"Nasaan nga pala sila Flavy?" Tanong ko. Silang apat lang ang andito ngayon.
"Pinauwi ni Tita Jewel. Ewan kung bakit pero susunod din daw siya- oh speaking of the devil anjan na, oh!" Dahil glass ang dingding ng videoke room nakita namin sila Flavy at Austin.
"Tawagin mo dito si Flavy!" Masayang sabi ko. Masarap kasama ang batang yan. Kikay siya, pero ang bait.
Manang mana sa kuya, mabait din. Magkamukhang magkamukha din sila magkapatid, parang girl version ni Zac si Flavy.
Tinawag ni Karyll si Flavy. At dumating silang lahat. Ang sabi ko si Flavy hindi silang lahat, gosh ang dami na namin dito sa loob.
Naging maingay naman ang loob dahil sa pagpasok nila. Talo na nila ngayon ang tugtog ng videoke.
Tumabi si Zac sa akin, naghiyawan naman ang mga pinsan niya.
"Weh, si Kuya gusto na si Bianca!" Pangaasar ni Karyll, I glared at her. Sumandal si Zac sa sandalan ng sofa.
YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.