Chapter 17

11 1 2
                                    

#JOBH17

"M-Ma.."

"Saan ka galing?" Mariin niyang tanong sa akin. Kinakabahan man, pero kailangan kong sumagot. "One week, huh?" She smirked.

"Sa-sa kaibigan k-ko la-" she cut me off and held my cheeks. Mariin at galit ang emosyon ng kanyang mata. Mas lalo siyang nagalit ng iniwas ko ang pisngi ko, dahilan ng paghigpit ng pagkakahawak niya dito.

"Kaibigan?! One week? Saan ka nagpunta?! Sa boyfriend mo?! Malandi ka talagang bata ka! Hindi ko alam saan ka nagmana! Babae ka tapos nasa bahay ka ng lalaki?!" Sigaw niya sa akin.

"Ma- hindi naman-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal niya na ako.

"At may gana ka pa talagang sumagot?!" Nangigigil niyang sigaw. She looked away and caressed her temple.

"Sorry..."

"Anong sorry? Kapag nabuntis ka ng nobyo mo anong ipapalamon mo sa anak mo?! Nagaaral ka palang, Bianca! Wala ka pa ngang napapatunayan sa sarili mo, tapos ano? Makiki-pag relasyon ka?!" Napayuko ako. Pinipigilan kong tumulo ang hula na nagbabadya kanina pa.

Hindi ako nagsalita at hinayaan na pagalitan ako ng sarili Kong Ina..hindi naman pwedeng sumagot. Hindi naman pwedeng paglaban mo yung sarli mo dahil sa paningin nila mali ka..

Bakit laging ganito?

"Ano natahimik ka kasi totoo? How ungraceful you are! Hindi lecheng pagibig yan ang pinunta mo dito, Bianca! Magaaral ka para may mapatunayan ka! Tapos ano? Maglalandi ka lang dito?!" Patuloy niyang sigaw. Nakayuko nalang ako at pinipigilan ang emosyon na kanina pa gustong lumabas.

"Ano nalang sasabihin ng nanay ng tatay mo?! Napaka-pabayang nanay ko, napaka-wala kong kwentang nanay?!" Gustong gusto kong sabihin sa kanya na napaka-pabayang ina mo.. Pero nirerespeto ko pa din siya, dahil hindi naman ako ganon kabastos na anak sa kanya.

Hinawakan niya ulit ng mahigpit ang panga ko. "SUMAGOT KA!" Buong lakas niyang sigaw.

"I'm sorry.. M-ma." 'Yon nalang ang nasabi ko. Naramdaman ko na naman ang sampal niya sa kanilang pisngi ko. At hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tuloy tuloy bumagsak ang luha ko.

She looked at me in disgust. "At may gana ka pang umiyak, Bianca?!" Hawak pa din ang panga ko. Unti unti niyang tinanggal 'yon.

I wiped my tears. Wala akong magagawa. Kahit sumagot ako sa tama, mali pa din ako para sa kanya.

"Ma, a-ano p-o bang na-nagawa k-ko?" Mahinang tanong ko. Wala naman akong maling ginawa. Ano ba yung Hindi ko paguwi? 'Di ba wala naman siyang pake sa akin? Bakit siya nagkakaganito?

"Nagawa mo? Ha-ha, IKAW ANG MAY KASALANAN BAKIT GANITO ANG BUHAY KO! KUNG HINDI KA SANA NABUO HINDI GANITO ANG BUHAY KO!"

"Hindi ko naman 'yon, Ma." I uttered. She looked at me and give me a hard slap. Namamanhid na ang pisngi ko kakasampal niya. Pero mas masakit pa din marinig sa nanay mo na nagsisisi siya bakit ka pa nabuhay.

"Wala lang kang kwentang anak! Sana talaga pinalaglag na kita! Pinagaaral pa naman kita! Tapos sasagot sagutin mo lang ako! Bahala ka na sa buhay mo ngayon! Magaral ka magisa mo!" Sigaw niya at umakyat sa taas.

Agad na dumalo si Manang sa akin. I wiped my tears and smiled at Manang. Kinuha ko ang baso ng tubig sa kamay niya at ininom 'yon.

"Bayaan mo ang nanay mo, may problema lang siguro iyon kaya ganon. Mawawala din ang galit no'n sa'yo." She smiled at me, my tears began to fall again. I hugged her and cried hard in her shoulders.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now