#JOBH01
"Dali na! Papakilala na kita kay Kuya Zac, gwapo yun, 'no! 'Di kana lugi don, mabait pa! Matalino, walang jowa. Suplado nga lang! Hahaha!" Maingay na ani ni Karyll. Kaibigan ko si Karyll, papunta kami ngayon sa kanilang condo.
Sama sama kasi silang magpipinsan sa iisang condo.
"Nakakahiya! Ano ka ba!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa palapulsuan ko dahil hinahatak pa rin niya ako. Wala naman akong intensyon na pumunta sa kanila.
Kahit gusto kong makapunta sa place ni Karyll hindi ako pupunta dahil andun si Zac! Crush ko pa naman yun.
Ngayon lang na pagtanto ni Karyll yun kaya agad niya akong niyaya sa kanilang condo.
"Ay, wait. May nagchat sakin." Binitawan niya ako at huminto kami sa gilid. Naglalakad lang kami dahil malapit lang naman yung school namin sa kanilang condo.
"Okay." Tinignan ko si Karyll dahil mukhang iritado na naman. "Oh, bakit?" Tanong ko. Nakakunot ang noo niya at nagsimulang lumakad.
"Bwisit na Traive! Napapabili ng shawarma! Eh, wala naman siyang pinadalang pera sa akin! Tapos 'di naman niya ako babayaran, manigas siya jan!" Napapadyak siya at lumakad na ulit kami. Natawa naman ako sa kanyang inasta. Napakaisip bata naman nito.
"Ako nalang bibili, ano bang g-gusto ni Z-zac?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Nasa shawarma haus kami at binibilan ng shawarma si Traive.
"Ewan ko don, tanong ko muna, sabihin ko tinatanong ni Bianca hahahaa!" Tawa siya ng tawa, kinuha niya ang kanyang cellphone at chinat nga talaga ng gaga!
"Ano ba kasi, karyll! Parang tanga naman 'to!" Pagmamaktol ko. Parang baliw naman kasi chinat niya yung pinsan niya, tinotoo nga!
'Wassup! Kuya zac, wat do u want ask lang ni Bianca HAHAHHAHAHAHAH'
Pinahahampas ko si karyll ng hawak kong towel parang baliw!
"Nakakahiya ka naman, Karyll! Hindi na ako pupunta!" Napapatingin na sa amin ang mga tao ron. Agad naman akong napayuko dahil sa pagsigaw ko.
"Dali ayan na pala! Pambayad, bianca!" Kahit kailan ang ingay ng bunganga nito ni Karyll.
Binayaran ko yun at lumakad kami ulit. Nang makarating kami sa condo nila maingay.
"Ingay talaga nila!"
"Parang ikaw hindi, a?" Bulong ko.
"Hoy naririnig ko yan!" Sigaw niya. Natawa nalang ako at pumasok. Hinubad niya ang kanyang sapatos at nilagay sa tabi.
"Hey wassup madlang guys!!!! I'm home!!!" Malakas na sigaw niya. Biglang natahimik naman ang nasa loob. "Mga demonyo, tatahimik kapag ako na ang nagingay, punyeta!" Sigaw niya ulit. Natawa nalang ako sa likod niya.
"Hoy sino yan?!" Sigaw ng lalaki. Siguro ito si Traive? Hindi ko alam. Hindi ko pa naman sila kasi kilala e.
"Si Bianca asawa ni kuya Zac, ipapakilala ko lang sakanya asawa niya baka 'di siya inform, e!" Malakas na tumawa si Traive sa sinabi ni Karyll.
Lumabas ang isang babae sa loob siguro ng kwarto niya.
Dalawang palapag kasi ang condo niya. At nakakamangha ang ganda ng disenyo noon. Nilibot ko ang tingin ko ron.
"Hoy karyll! Sino yan?!" Sigaw din niya. Pinaupo ako ni Bianca sa sofa nila.
"Hey! Traive!" Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Agad ko naman tinanggap yun. Nakakahiya pero ginawa ko. Pagkatapos kong makipagkamay. Nilapas ko sa bag ko ang shawarma na binili para sa kanya.
YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.