Chapter 37

6 1 1
                                    

#JOBH37

"K-kuya..."

Hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung anong gagawin, aalis ba o ano...

Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. Pilit man niyang tinatago ang kanyang tunay na emosyon, hindi pa din siya nag-wagi...

Pain evident in his eyes. Nanlambot ako sa kinatatayuan ko, humawak pa ako sa table sa malapit sa'kin.

"Kuya, bakit?" Pilit ni Traive inaalis ang awkwardness ng paligid. He tilted his head and stared at me.

"Why?" Sa'kin pa din siya nakatingin. Mahina ang kanyang boses habang sinabi 'yon. Narinig ko ang pagsinghap ni Traive sa may hagdan.

"Pucha, may hugot. Alis na 'ko 'di naman ako kasali sa scene." Bulong pa niya. Aalma sana ako kaso nagtatakbo na siya.

"Comeback na this!" Sigaw pa niya nung makataas na siya.

I swallowed hard looking at Zac.

"What are you doing here?" Mahinahong boses niya katulad ng nakasanayan ko.

Miss na miss ko na 'yung boses niya, na kahit inis at galit na siya, mahinahon at kalmado pa din.

Hindi ko alam ang isasagot ko. I lost my goddamn words! Kung sa patients ko, hindi ako mawawalan ng sasabihin, dito... Wala.

Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Gusto kong umatras... Pero mas lalo siyang lumapit. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan. Nag-aapoy na ang mata niya sa galit.

"Bakit andito ka pa?" Mariing tanong niya. I gulped. Nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya sa wrist ko.

"N-nasasaktan a-ako." Bulong ko.

Umigtig ang panga niya. Binitawan niya ang kamay ko. Hinilamos niya ang dalawang palad niya sa kanyang mukha at matunog na bumuntong hininga.

"Bakit ka nandito?" Ulit niya.

Nasa stairs kami, naka hakbang ang isang paa ko sa hagdan habang ang isa ay nasa floor.

Hinatak niya ako patungong living room nila Traive. Hindi ako naka angal.

"Bakit ka nandito?!" Tanong niya, medyo tumaas na ang boses niya. Hindi ako makasagot. "Hindi ba umalis ka na? Bakit ka pa bumalik?!"

Yumuko ako. Bakit nga ba? Dahil umaasa pa ako na may babalikan pa ako. Dahil hanggang ngayon umaasa pa din ako sa'yo.

"Bakit ka pa bumalik? Ngayon pa na unti unti ko ng natatanggap na wala na?" Mahinahong sambit niya.

He looked away.

May dumaang kirot sa dibdib ko. I got teary eyed. Hindi na din ako makatingin sa kanya. Lumayo siya sa'kin. Napaatras din ako.

"Hiniling mo na palayain kita..." He said. "Pinalaya kita kahit pa ang hirap! Tapos... Tapos babalik ka na parang wala lang?"

"Hin-" He cut me off.

"Bianca..."Nagulat ako ng unti unti siyang lumuhod, may pumatak na luha sa kanyang mga mata. I bady wanted to wiped those tears, but I can't. I just can't.

"Ilang beses pa ba ako luluhod para magmakaawa sa'yo?" Tumulo ang mga luha niya. Sabay ng patulo ng kanyang luha ang pagtulo ng luha ko.

"You don't need to kneeled down, Zac. You don't need to begged at me, you don't deserve this..." Itinayo ko siya.

Hindi siya tumayo, lumuhod siya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang mga palad. Mahina siyang humikbi.

Walang pag sidlan ang sakit ng dibdib ko sa kanyang sitwasyon. Na ako ang may dahilan kung bakit. Sobrang sakit.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now