Chapter 23

7 1 0
                                    

#JOBH23

"Ano na naman lalaruin natin,  Flavianna?" Tanong ni Traive sabay gulo ng buhok ni Flavy.

"Tagu-taguan?" hula ni Austin na nagpatrigger kay Flavy. Nagpeace sign ang loko at nagflying kiss sa kanya.

"Guilty or not guilty." Si Flavy. Inexplain niya sa'min ang mangyayari sa laro. Nagform kami ng circle. Sa bermuda kami umupo.

Katabi ko si Zac na nakahawak sa aking baywang. Magkatabi sila Flavy at Ylo. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nila pareho.

Parehas sila ng kulay ng mata. The hazelnut innocent eyes.  Mas fiercer lang ang kay Ylona. Mukhang maldita, kay Flavianna naman ay mukhang maarte na siyang katotohanan. Halos lahat ng features ni Flavianna at Ylona ay parehas. Simula sa mata, labi at sa hugis ng mukha.

Mas mukha pa nga silang magkapatid kaysa kay Zac. Napatingin ako sa gawi ni Austin. Ayan si Austin ang may pagkakahawig sa kay Zac. Ang hugis ng mukha at mga labi.

Naglagay sila ng bote sa gitna namin. Si Flavy ang nagpaikot nito at tumutok ang nguso kay...  Karyll.

"Ako magtatanong." Si Traive, na katabi ko. Lahat ng atensyon ay na kay Traive at Karyll. Poker k face na tumingin si Karyll kay Traive. Dalawang 'to talaga. "Guilty or not guilty, nagcheat sa karelasyon."

Agad akong umalma. Ano ba namang tanong 'yon? Masyadong personal! Alam kong magpi-pinsan sila at wala lang 'to sa kanila.

"Traive." Tawag ko. Agad akong hinawakan ni Zac sa kamay at bumulong.

"This is just a game, Bianca." He whispered. Tumingin si Traive sa 'kin. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Bumuntong hininga nalang ako.

"Not guilty." She casually said. She started spin the bottle then the mouth of bottle pointed Valirie.

"Ako na," Si Austin. Tumaas agad ang gilid ng labi niya sa kanyang kapatid. "Umiyak ka na ba dahil may ibang babae ang lalaking gusto mo, guilty or not guilty?"

Ano ba ito? Laro lang pero parang nakakaramdam ako ng tensyon? Laro lang pero nagkakapersonalan na?

Kumunot ang noo ni Valirie. Tumingin muna siya sa paligid at nagsalita.

"Not guilty." Sabay hawi ng buhok niya at pina-ikot ng pagkalakas lakas ang bote. At tumama kay Matthew...

"Please give this to me," Iowa said. Umirap si Matt sa kanya. "Are you guilty or not for bullying Xylem?"

Mukhang naguguluhan siya napapakamot pa nga siya ng noo. "Who's Xylem?"

"My bestfriend, you freak. You said that you like her! But the truth is you want to play her heart because she loves you!" Nanggagalaiti niyang sabi.

"Mukhang hindi na ito laro, Zac. You have to stop this." Bulong ko sa katabi ko. Mukhang 'di naman siya bothered katulad ko.

"Let them, hindi yan mag aaway. Malawak naman isip nila para pag awayan lang ang larong 'to." At nginitian niya ako. Tumango ako at tinignan si Matt na nagkakamot ng noo, tila may inaalala.

"Answer, you freak!"

"Language, Iowa." Zac said. Yumuko si Iowa sa kanya.

"Yes! Guilty!" nang napagtanto ni Matt ang totoo. Tumaas ang kilay ni Traive at bumulong, dahil katabi ko siya narinig ko kung ano ang binulong niya.

"Aba, proud pa nga." Natatawang bulong ni Traive. Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Ouch." Angil niya sabay tingin sa'kin. Pinandilatan ko siya, ngumuso lang siya sa'kin.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now