Chapter 04

9 1 0
                                    

#JOBH04

"Take off your shirt, Bianca!" Pangungulit nila sa akin. Nasa swimming pool kami ng condo nila.

Lahat naka two piece bikini na, ako nalang ang nakadamit pa.

Sila Traive ay naggagaguhan don sa may dulo ng pool kasama si Austin.

Si Zac may binili lang siya. Agad kong hinubad ang racerback tank top at shorts ko. Tumalon ako sa may pool at lumangoy.

"Huhubad den pala, e." Natatawang sabi ni Karyll. Natawa nalang ako at binasa ang mukha niya. At binasa din niya ako. Lumapit na din sila Traive at Austin.

"Hoy sali!" Sigaw ni Traive. Nagbasaan kaming lahat. Wala ng masyadong tao dahil hapon na. Nagpapahinga ang mga tao, siguro.

Napatigil ako ng pagbabasa ng dumating si Zac dala ang dalawang paper bag. Umahon muna ako saglit, balak kong makipagkwentuhan sa kanya.

Lalandi muna ako guys.

"Hi!" Bati ko. Nagulat siya sa presensya ko pero umupo ako sa tabi.

"Hello," bati niya rin. Inabutan niya ako ng towel dahil nanginginig na ako sa lamig. Putek, wrong move ata?

"Kamusta?" Tanong ko.

"I'm okay, you?"

"Okay lang din ako, ayaw mo nagswimming?" Takang tanong ko. Siya lang ang hindi nagswimming sa magpipinsan niya.

"Later. Ikaw bakit ka umahon?" Bakit ba lahat ng tanong napupunta sakin? Pota.

"Gusto kitang makausap, e." Pinigilan ko ng pagngisi ko dahil baka mairita siya.

"Ah." Yun lang ang sagot niya. Ano ba yan, walang kwentang kausap. Tumayo ako at nagpunta ulit sa pool.

Wala naman kasing kwenta kausap. Lumubog ako sa tubig, bahala ka jan, Zac.

Ipikinikit ko ang mata ko at nagrelax. Unti unti kong nararamdaman ang kamay sa aking beywang. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Zac.

"You said, you want to talk?" Sabi niya. Hawak pa rin ang baywang ko.

"Wala kang kwenta kausap!" Sigaw ko, umirap ako sakanya at umalis sa pwesto. Pero hinigit niya agad ang katawan ko sa katawan niya.

"Ohh! Wala pala!" Pangaasar ni Traive sa kuya niya. Nakita kong sumama ang tingin ni Zac kay Traive.

"Payag ka non, Kuya?" Panggagatong ni Karyll. Natawa naman silang lahat.

"Shut up." Angil niya. Nilapit niya ang kanyang katawan sa akin, idiniin niya saking katawan. What.. nararamdaman ko.

"Dun kana nga!" Itinaboy ko siya pero masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak sakin.

"No," tumabi siya sa akin at hawak pa rin ang aking baywang. Napairap nalang ako at pumikit. Nakatalikod siya sa mga pinsan niya ako nakaharap sa kanila.

Naglalaro sila ng tayaan, mga bata talaga.

"Are you hungry?" Dumikit ang kanyang labi sa aking tenga. Nararamdaman ko kasi don! Shit. Nakikiliti ako. Medyo nilayo ko ang mukha ko sa kanya.

"Y-yes." Sagot ko. Tinawag niya sila Karyll, naakyat na at kakain.

"Nagpadeliver ka, Kuya?" Tanong ng kapatid niya. Tumango lang siya at inilagay sa balikat ko ang towel. Kumuha siya ng mga towel at ibinigay kay Flavy, Karyll at Valirie.

"Kami, kuya?" Austin asked. Inirapan lang siya ni Zac. Tumawa naman silang dalawa ni Traive. "Damot mo!" Bulong niya, sapat na marinig namin.

"Bahala kayo jan." Walang kwentang sabi ni Zac. Kahit kailan.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now