#JOBH14
Masyado akong kinakabahan ngayon. Nanlalamig ang mga palad ako at hindi mapakali sa kinauupuan ko. Paano ba mawawala ang kaba ng puso ko?
Ngayon ang kaarawan ng Lola ni Zac. At gaya ng sabi niya, ako ang magiging partner niya. Narito ako sa may sala namin. Kinakabahan at parang natatae na!
Sino ba namang hindi kakabahan? Naroon lahat ng pamilya nila! Grabe ang kaba ng puso ko. Paano kapag tinanong nila ako? Anong isasagot ko? Sasabihin ko, nililigawan pa lang ako ni Zac at hindi ko pa siya sinasagot?
Mas lalong kumalabog ang puso ko ng bumungad si Zac sa may pinto namin. He looked dashing in his black tuxedo! Ang kanyang buhok ay nakaayos at nakagel. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago lumapit sa akin. Mahihimatay ata ako sa kaba at kilig ngayon.
Iba talaga ang epekto sa akin ng lalaking 'to!
"let's go, Bianca." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nanginginig ko naman inabot ang kamay ko. He chuckled. "Don't be scared, they are good." He assured me.
"I know that they are good, Zac." I utter. Alam ko naman talaga na mabait sila! Gosh, ang babait ng mga apo at anak nila, tapos sila hindi? Hindi ganon! Kinakabahan ako dahil baka tanungin nila kung bakit hindi ko pa sinasagot si Zac. Kinakabahan talaga ako.
Dito lang pala ako tatablan ng matinding kaba. E, sa school hindi ako kinakabahan sa recitation tapos makakaharap ko lang ang kampon ni Zac, bongga ang kaba, gurl.
I sighed.
"Chill, Bianca. Don't pressure yourself. I know your thinking." Seryosong sabi ni Zac. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Hindi pala siya ngayon ang magdidrive dahil sa likod kami sumakay ng puting SUV.
"Paano kapag tinanong nila kung anong meron sa ating dalawa?"
"I will tell them that I am courting you." He answered.
"Baka sabihin nila ang cho-" he cut me off. Tignan mo 'to bastos talaga minsan.
"You little, over thinker!" He pinched my nose. Sinimangutan ko lang siya. Tahimik ang buong byahe namin. Medyo malayo daw ang mansyon nila kaya mahaba haba pa ang byahe namin.
Hindi ko pa rin maiwasan kabahan. Parang tanga naman. Huminga ako ng malamin. Bakit ba kailangan kabahan? Eh, makikita ko lang naman ang pamilya ni Zac. 'Yon na nga! Makikita ko ang kamaganak niya!
Buong byahe iniisip ko kung paano ako makikisama sa kanila. Naputol lang ang pagiisip ko ng kalabitin ako ni Zac. Umangal naman ako dahil masyado kong pinagiisipan kung paano ako haharap mamaya. Hindi naman makapal ang mukha ko, mahiyain pa nga ako. Bakit ba takot ako sa ibang tao? Ano ba yan!
"Ano ba kasi?" Angil ko ng kinalabit ako ulit ni Zac.
"We are here." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at dahan dahan tumingin sa kabuuan ng kanilang mansyon.
Literal na mansyon ang nasa harap ko. It's a huge and modern mansion. I bit my lower lip. Bakit pa ako nagtataka? Mayaman ang Laquien! Ang kanilang company ay nasa paligid lang ng mundo!
"Halika na." Aya ni Zac. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit papasok sa mansyon nila.
Nakabukas ang malaking gate at pagpasok mo naroon ang isang magarang fountain. Nagpapalit ito ng kulay minuminuto. Sa kabilang dako ng mansyon, patio nilang moderno. Sa kabilang dako naman ay ang mga fish fond. Hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng bahay nila.
Nakaramdam na naman ulit ako ng kaba ng papasok na kami sa loob. Kung maganda ang labas ng kanilang mansyon. Mas maganda ang loob! Pagpasok mo roon sasalubungin ka ng isang eleganteng chandelier, at ang kanilang grand staircase.

YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.