#JOBH15
"Bakit hindi mo sinabi na magaling ka pala magsayaw?" Naasar kong tanong kay Zac. Tapos na ang party. Pauwi na kami, gaya ng sabi niya sa condo nila ako matutulog.
"Hindi mo naman tinatanong." He stubbornly said. Umakyat naman ang dugo ko sa ulo. Kailangan ko pa bang magtanong?!
"Geez, Zac. Kahit hindi ko tinatanong, San sinabi mo!" Naiinis kong sabi sa kanya.
"Malay ko bang ayaw mo malaman." Sabi niya. I sighed. Nakakabwisit lang siya, ayoko na nga makipagtalo! Talo naman ako sa kanya. Para kasing tanga.
Hanggang makarating kami sa condo nila. Wala akong imik. Medyo naiinis kasi ako sa kanya. Dumiretso na ang mga pinsan niya sa kani-kanilang kwarto. Marahil pagod na sila.
"Hey..." Tawag ni Zac. Hindi ko siya pinansin at inayos ang damit ko. Binuksan ko ang cabinet niya at kumuha ng T-shirt niya don. Hindi ko pa din siya pinapansin.
Para kasing iba pa ako sa kanya... Pwede naman kasi niyang sabihin sa akin. Hindi lang naman sa relasyon ay puro landian. Pwede naman niya akong kwentuhan. Bakit parang iba pa ako sa kanya?
"I'm sorry, babe..." Malambing niyang sabi at pinadausdos ang kanyang kamay sa aking baywang. I sighed. "Don't be like this..." Malambing pa din niyang sabi.
"Bakit ba kasi parang iba pa ako sa'yo?" My voice broke. Pinaharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at tinignan ako sa mata, seryoso. Kumalabog ang puso ko sa kanyang titig.
"Don't over think, Bianca... Please." Sabi niya. He kissed my forehead. His lips stayed in my forehead. Sa tangos ng ilong namin dalawa, magkadikit na ito. Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang katawan sa akin.
"Hindi ka iba para sa akin, Bianca... Hindi ko lang nasabi 'yon sa'yo. Sorry na..." In his low voice. Nanlambot naman ang tuhod ko.
"Sorry din." Sagot ko. Dapat lang na magsorry ako dahil pinagisipan ko siya ng masama! Hindi naman pwede na siya lang ang magsosorry, alam ko kung kailan ako mali,at kung kailan ako magbaba ng pride ko.
"Let's sleep, our bed waiting to us." Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. Weh? Tabi talaga kami? Parang nung isang araw lang, ayaw niya akong katabi kase respect respect daw. Tapos ngayon tabi kami. Lol, rupok.
"I know what your thinking." Sabi niya. Umupo siya sa kama niya.
"Oo na, talikod muna, magbibihis ako." Sabi ko. Agad naman siyang tumalikod, mabilis naman akong nagbihis. "Okay na."
Humarap na siya ngayon sa akin. "Sleep na tayo..." Parang bata niyang sabi. Nakangiti naman akong tumango. Dahan dahan siyang humiga. Tumabi na din ako sa kanya. Nakakapagod din kaya.
Pinatay ko muna ang ilaw at binuksan ang lampshade. Pagkatapos kong gawin 'yon. Niyakap ako ni Zac. Ang kanyang braso ay nasa tiyan ko. Ang mga hita niya ay nasa hita ko.
Hindi na ako makagalaw. Corner tayo ngayon, ah?
Biglang sumanggi sa isip ko kung kailan ko sasagutin si Zac. May buwan na din kasi niya akong nililigawan. Mayroon akong balak sagutin siya... Dahil mahal ko siya. Pero hindi ko pa alam kung kailan.
Alam ko naman magiintay siya sa akin. Nararamdaman ko naman na mahal niya ako. Unti nalang, Zac...
Nagdasal muna ako bago matulog para maging maayos ang tulog ko.
Maaga akong nagising. Nakagawian na din kasi. Inalis ko ang kamay ni Zac sa Tiyan ko at mga binti sa binti ko. Mahina akong natawa dahil naghihilik siya. He looked cute. I want to take a photo, pero masama daw 'yon, e.

YOU ARE READING
Jar of broken hearts
RomanceZac Laquien, the innocent in Laquien's. He was innocent good-looking man. He's studying Political Science peacefully in Clifford University, until Bianca Valeria from Nursing, came. At first It was happy. Until fate played them.