Chapter 18

14 1 3
                                    

#JOBH18

I can pretend that I'm happy, even my heart breaking into pieces. Gaya ng sabi ni Traive there is so many reason to be happy.

Pinipilit kong hindi masaktan, kahit ang sakit sakit na.

"May problema ka?" Karyll suddenly asked me. I look away. Umiling ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Wala, ah."

"Don't fool me." She laughed without humor.

"Wala naman, a?" Sabi ko at tumawa. Hindi pa din siya naniniwala. Nandito kami nila Zac sa freedom park. Naiwan kaming dalawa dahil yung mga boys bumili ng pagkain.

"Ano nga?" Pagpupumilit niya sa akin. Seryoso siya na nakatingin sa akin. Napalunok ako.

"Pwede bang sa ibang araw nalang?" Tumango siya at sumuko na rin. Nakahinga ako ng maluwag.

Umingay ang paligid ng dumating ang mga boys. Sila lang talaga ang nagpapaingay, e lalo na si Traive.

"Lol, bud 'wag ako niloloko mo, kaya pala palagi kang nakikita ni Bianca don!" Traive teased Austin. Si Austin hindi mapigilan ang ngisi. Si Zac ay nakangiti din sa kanyang mga pinsan.

"Ano ba kasing pake mo? Eh, ikaw nga sabi ni Gia nakita ka nung isang araw sa ice cream parlor may kasamang magandang babae.." Nginisian ni Austin si Traive.

"Lol, iniiba mo usapan." Naiinis niyang sabi. Tumawa naman si Austin sa kanya. Tignan mo 'to, pikon talaga.

"Tumigil na nga kayo, pare-parehas lang naman kayong malandi, e!" Sigaw ni Valirie. Sabay ngumuwi ang dalawang pinsan niya sa kanya.

"Ah, kaya pala. Doon sa may fountain doon, nakikipaglampungan ka... Ah kaya.. Ah malandi. Landi mo, Austin!"

"Sumbong kita kay Mommy't Daddy.." Pananakot ni Austin kay Valirie. Parang hindi naman nagulat o nasindak si Valirie.

"Halika, samahan pa kita." Sabi niya. Umiling nalang ako at tumingin Kay Zac.

"Tigilan niyo na." Saway niya.

"Hindi ka ba nalate?" Tanong ko. Umiling siya sa akin.

"Hindi naman, ikaw?" Sinubuan niya ako ng chips, ngumuya muna ako bago sumagot.

"Hindi, wala din naman Prof." Sagot ko. "Nasaan nga pala sila Flavy at Karyll?"

"Si Flavy, nasa room raw, nagaaral. Si Karyll, I don't know.." Tumango ako sakanya.

"Traive?" Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.

"Why?"

"Ah, kasi nakita kita sa may fire exit, lalapitan kita sana, kaso may babaeng lumapit sa'yo. Sino ba 'yon?" Kanina ko pa gusto itanong 'yon. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Biglang humalagpak sa tawa si Austin. Si Traive naman ay pulang pula ang mukha. Naguguluhan akong tumingin sa kanila. Kahit si Zac ay tatawa tawa ngayon.

"Why?" Medyo naiinis kong tanong. Ano bang meron? Bakit sila natatawa. Parang mga abnormal naman sila! Nagtatanong lang naman ako, ah?

"Nanghuhulog ka naman kasi, Bianca." The he pinched my cheeks. Ano hinuhulog ko? Wala naman, ah. I'm just asking!

"Huh?" Tanong ko ulit, naguguluhan.

"Ang inosente ni Bianca!" Tawa ng tawa si Austin.

"Tigilan mo nga, Austin, Kuya.. Parang mga tanga, e." Pikon na sabi ni Traive. Kahit naguguluhan ako, pinili ko na lang na tumahimik.

Jar of broken heartsWhere stories live. Discover now