CHAPTER 1
"Hoyy! Tulala ka na naman! May problema ka ba?" tanong sa akin ni Chatrina habang nakatanaw sa labas ng aming room. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng yugyugin niya ako.
"Ha? Ah-ehh wala, pagod lang siguro ako." saad ko sabay hipo sa ulo ko. Naistress kasi ako kung saan ako hahanap ng trabaho ngayon. Magcocollege na ako sa susunod na pasukan. Namamasukan lang kasi si Nanay sa kapitbahay namin at maliit lang ang kinikita niya, minsan ay kulang pa ang kinikita niya kapag may binabayaran kami sa eskwela.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Sana naman ay may mahanap akong trabaho ngayong darating na bakasyon dahil kapag wala, hindi ako makakatungtong ng kolehiyo. Susubukan ko na lang bukas.
Kinabukasan ay naghanap ako ng trabaho bitbit ang resume ko. Magbabakasakali ako. Agad akong pumara ng jeep at nagpahatid sa isang fast food chain.
Ako nga pala si Nathan Monteverde. Isang bisexual. I'm 17 years old. 5'4 ang height.
Pagbaba ko sa fast food chain ay hindi ko maiwasang kabahan. Ngayon lang kasi ako papasok ng trabaho. Nanginginig ang mga kamay ako.
Kumatok ako sa pintuan ng manager at pinapasok ako. Bagama't nakaaircon ay hindi ko maiwasang pagpawisan lalo na 'yong kamay ko. Nanginginig din ako.
"Hi Good Morning! I'm Ms. Angela Teñoso, and I am the Manager of this fast food chain. How can I help you?" saad niya sa malumanay na boses. Nang marinig ko ang salita niya ay mas lalo pa akong kinabahan. Umayos ako ng upo at pilit kong kinalma ang sarili ko.
"I-I'm Mr. Nathan Monteverde. C-can i a-apply here?" nauutal na tanong ko.
"'Wag kang kabahan. First time mo lang bang mag-apply?" tanong niya.
"Opo." maikling tugon ko.
Binuklat niya ang resume ko. Binasa niya ito.
"Bakit mo gustong mag-apply sa fast-food na ito?"
"Gusto ko po kasing tulungan si Nanay. Magkokolehiyo na po kasi ako sa susunod na taon, kaya lang wala po kasing pera si Nanay pampaaral sa akin." tugon ko. Buti na lang tinagalog niya 'yong tanong.
"Ano ba trabaho ng magulang mo?"
"Nangangatulong lang po. Medyo maliit lang po kasi 'yong kita niya kaya gusto ko po siyang tulungan."
"You're so nice! Ambait-bait mong bata. Okay you're hired!" nakangiting tugon niya. Halos mabingi ako sa sinabi niya. 'Di ko inaasahan na makukuha ako dito. Ang akala ko ay marami pa akong kumpanyang pagdadaanan para mahired ako ng ganito.
"Thank you Maám!" saad ko sabay kamay sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa balitang ito.
"You're welcome! Oh nakalimutan ko nga palang sabihin na bukas ka na next week ay magsisimula ka na sa trabaho mo." saad niya. Lumawak ang ngiti sa akin mga labi. Sobrang saya ko talaga ngayon. Lumabas ako ng pintuan ng office niya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ibabalita ko kaagad ito kay Nanay. Agad akong sumakay ng jeep at umuwi.
Lumipas ang ilang oras pero wala pa si Nanay. Datirati ay maaga ang uwi niya pero ngayon bakit ang tagal niya? Siguro ay marami lang siyang ginagawa. Bukas ko na lang siguro ibabalita sa kaniya. Agad akong pumasok sa kwarto ko at natulog.
Nagising na lamang ako ng mayroong humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin. Dali-dali akong bumangon para tingnan kung sino 'yon at kung nandito na ba si Nanay. Luminga-linga ako pero hindi ko siya nakita.
Bakit hanngang ngayon wala pa rin si Nanay? Nagtataka na ako sa mga nangyayari. Dapat ay nandito na siya ngayon! Natataranta ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ba ang ikikilos ko sa ngayon.
Agad kong binuksan ang pintuan ng aming bahay at tiningnan kung kaninong sasakyan ang narinig kong umuugong kanina. Nakita ko ang ambulansiya sa tapat ng bahay namin. Bakit may ambulansiya dito? Nagulat na lamang ako ng ibaba nila si Nanay. Inaalalayan ito ng kaniyang amo sa pinagtatrabahuhan niya. Halos mapaluha na lamang ako sa nakita ko.
"A-ano pong nangyari?" tanong ko.
"May sakit pala ang nanay mo sa puso. Malala na daw sabi ng mga doktor. Kailangan na daw niyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, mamamatay siya." saad ng amo niya. "Heto tanggapin mo, konting tulong 'yan para sa pamilya niyo. Sobrang nagpapasalamat ako sa nanay mo kasi ang sipag-sipag niya kaya lang hindi na siya puwede pang pumasok bilang katulong. 'Wag kang mag-alala, nabayaran na namin 'yong bill niya kahapon sa hospital." malungkot na saad niya. Tuluyang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"W-wag na po, masyado po atang malaki 'yan. Maraming salamat na lang po!" saad ko sabay tanggi sa inaabot niyang pera na nakapaloob sa isang sobre.
"Okay lang, tanggapin mo na 'yan, alam ko kasing wala ng magtatrabaho sa pamilya niyo. Alam kong maliit na tulong lang 'yan dahil sa mga nagawa ng nanay mo sa pamilya ko."
Tama siya. Wala ng magtatrabaho sa pamilya namin. Hindi na si Nanay puwedeng magtrabaho kaya naman tinanggap ko na ang ibinibigay niya. Wala na kasi akong choice kung hindi tanggapin ito.
"Maraming salamat po! Malaking tulong po ito."
"Gaya nga ng sinabi ko, kung tutuusin, konting bagay lang 'yan." saad niya sabay ngiti habang nanggigilid.
Ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam. Buti na lang ay mayroon pang mga taong kagaya nila.
Napahagulgol pa ako lalo ng makapasok kami sa bahay. Hindi ko lubos akalain na mayroon palang sakit si Nanay. Wala naman kasi siyang sinasabi sa akin. Siguro ay pinilit niya na lang itago ito dahil wala kaming pambayad sa hospital. Hindi ko ngayon alam kung sino ang magbabantay kay Nanay dahil sa kalagayan niya. Kailangan kong pumasok sa trabaho para may maipon ako pangtustos sa college ko. Paano kaya kung hindi ko na lang ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko at 'yong pagcollege ko para maalagaan si Nanay?
"Nay, nag-apply nga pala ako sa fast food chain para makapag-ipon ako pang college ko pero mukhang hindi na po ako tutuloy dahil aalagaan ko po kayo."
"Anak, ipagpatuloy mo lang 'yong pangarap ko sa 'yo. Gusto ko matupad mo ang pangarap mo. Pasensiya na anak naging pabigat pa ako sa 'yo ngayon pero kakayanin ko 'to. Kakayanin ko kahit wala ka dito, kahit pumapasok ka sa trabaho."
"Nay naman, hindi ka naman pabigat sa akin. Okay lang naman na alagaan mo ako kasi hindi ka nagsawang alagaan ako at itaguyod ako kahit ikaw lang mag-isa."
"Anak, basta ang sa akin lang, ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo, ayokong maging hadlang ang karamdaman ko para hindi matupad 'yong mga pangarap mo at mga pangarap ko sa 'yo."
Niyakap ko siya nang mahigpit. Kahit may karamdaman na siya ay ako pa rin ang iniisip niya, kinabukasan ko pa rin ang nasa isip niya.
"Pinapangako ko nay, tutuparin ko ang mga pangarap ko at pangarap mo sa akin. Mag-aaral ako ng mabuti para sa 'yo." sambit ko.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Novela JuvenilMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...