Chapter 26

188 8 0
                                    

CHAPTER 26

"Nasaan nga pala si Gerald?" tanong ko kay Ate Gemma.

"Wala na siya dito. Umalis na."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Gusto ko pa namang magsorry sa kaniya. Nagiguilty na din kasi ako dahil hindi ko siya napatawad kaagad.

Hinatak ni Ivanne 'yong upuan para makaupo ako. Sinaluhan naman kami ni Tita Angela.

"Buti na lang napatawad mo na 'yong Tatay mo. I'm so happy para sa inyong dalawa!"

"Oo nga po Tita eh. Salamat nga po pala sa pangaral niyo ni Ivanne sa akin.  Narealize ko po na tama kayo!"

"Walang anuman. O sige tara na! Kumain na tayo! Alam kong kanina pa kayo nagugutom!"

Pagkayari naming kumain ay umuwi na kami. Sobrang nakakapagod sa biyahe.

"Oh bakit parang ang saya sayo mo ngayon?" tanong sa akin ni Francis habang nasa park kami. Wala naman kas
i kaming ginagawa kaya naisipan naming pumunta dito.

"Naayos na kasi 'yong problema namin."

"Anong problema? Pwede mo bang ishare sa amin?" tanong niya.

"Naku pasensiya na, hindi ko kasi pwedeng sabihin. Masyado kasing private eh." saad ko.

"Gano'n ba? Okay! We're happy for you bes!" saad nilang dalawa.

"Kamusta na nga pala kayong dalawa ni Ivanne?"

"Okay naman, getting stronger!" saad ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila. Naiilang na kasi ako sa mga panloloko kong ginagawa sa kanila.

"So magdedate kayo mamaya?" saad niya. Napakunot ang noo ko. Anong petsa ba ngayon?

"Hindi."

"Hindi? Imposible naman na hindi kayo magdedate ngayon noh! Valentine's day kaya ngayon. Alam kong magiging masaya ang araw na 'to para sa 'yo bes!"

"Ayy oo nga pala! Oo magdedate kami mamaya." palusot ko. Hindi ko talaga alam kung may date ba kami o wala. Sigurado akong wala dahil baka mayroon soyang idate mamaya. Alam kong hindi niya ako gusto kaya naman hindi na ako aasa pa.

"Baka naman may mangyaring something mamaya ha!" pagbibiro niya.

"Hahaha wala noh! Wala. Hindi pa 'ko ready sa mga ganyan-ganiyan noh!"

"Hahaha biro lang! O sige mauna na kami." saad nila sabay alis. Mayamaya naman ay dumating si Ivanne at tinabihan ako.

"Bakit parang ang layo yata ng tingin mo? May problema ka ba?" tanong niya.

"Wala, wala. May iniisip lang akong hindi naman importante."

"Are you sure?"

"Oo naman."

"By the way, may gagawin ka ba mamaya?"

"Wala naman, bakit?"

"Gusto sana kitang ayain lumabas. Alam mo na date." saad niya.

"Wala ka bang ibang kadate mamaya? May gagawin pa kasi ako eh."

"Wala eh. Wala naman din kasi akong nagugustuhan dito sa campus maliban sa 'yo." Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Gusto niya 'ko? "I mean, ikaw lang 'yong tipo ng tao na pumapayag sa lahat ng trip ko." saad niya. Buti na lang at ipinaliwanag niya ng maayos kung ano'ng ibig niyang sabihin. Aasa na sana ako eh kaso waley.

"Okay sige. Pumapayag na ako." saad ko. Napangiti naman ito.

"Thank you!" saad niya.

Kinagabihan ay kinatok niya ako sa kwarto ko.

"Are you ready?" tanong niya pagbukas ko ng pinto. Bumungad sa akin si Ivanne na nakasuot ng polo.

"Oo sige, tara!" saad ko. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at pumasok ako.

Kumain kami sa isang restaurant. Nagpareserve siya ng table na sa aming dalawa lang. Baka daw kasi mahiya lang ako kapag kumain kami sa maraming tao. Mukhang mamahalin ang restaurant na 'to. Bakit niya kaya ako naisipang dalhin dito, samantalang nagpapanggap lang naman kaming magjowa? Saka pati ba naman sa labas ng bahay kailangan magjowa kami? Hayst ano ba kasi ang tumatakbo sa utak ng mokong na 'to.

Agad kong binuklat ang menu book na nakita ko sa harap ko. Halos wala akong alam na putahe sa mga nakatala dito.

"May nagustuhan ka na ba?" tanong niya.

"Ha? Eh hindi kasi ako sanay dito sa ganitong restaurant. Sa fast food lang kasi kami ni nanay no'n laging kumakain. Actually first time ko nga lang makapunta dito eh." saad ko.

"Oo nga pala. Sorry ha! Ako na bahalang umorder. Sigurado akong magugustuhan mo ang oorderin ko." saad niya. Binulungan niya ang waiter. Hindi ko masyadong narinig dahil nakaharang ang kamay niya sa tenga ng lalaki habang bumubulong. Ngumiti lang ito sa akin.

Mayamaya ay dumating na ang waiter. May dala itong spaghetti.

"Seyoso? Spaghetti?" natatawang tanong ko.

"Oo hahaha. 'Di ba sabi mo, hindi mo alam 'yong mga putahe dito?"

"Oo, pero ang weird naman kung may spaghetti sila?"

"Hahaha! Inihahanda lang nila 'yan kapag hindi alam ng mga customer nila ang mga putahe dito kagaya mo." saad niya habang nilalagyan ng waiter ang baso namin ng alak. Nang matapos ay umalis na ito. "Sanay ka bang uminom ng alak?" tanong niya.

"Hindi. Sa palabas ko lang kasi nakikita 'yong mga ganyang uri ng alak eh."

"Hahaha don't worry, hindi ka naman malalasing dito."

"Ayoko. Baka kung ano gawin mo sa 'kin mamaya pag-uwi natin noh!"

Natawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko. Buti na lang at walang tao sa loob nito kundi kami lang. "Hahaha hindi naman ako gano'ng klase ng tao. Grabe ka naman sa 'kin. 'Di ako manyak noh! Saka kung gagalawin man kita, magpapaalam ako sa 'yo." saad niya sabay kindat.

"Ayoko pa rin. Baka mamaya mabunggo pa tayo niyan kapag umuwi tayo. 'Wag ka na dung uminom." awat ko sa kaniya.

"Ano ka ba? Sanay na akong uminom noh! Halos lahat na yata ng alak natikaman ko."

"Grabe! Alam mo naman siguro na masama sa kalusugan 'yon 'di ba?"

"Oo. Pero wala eh. Kapag kailangan kasi talaga, umiinom ako. Lalo na kapag may problema."

"Hindi solusyon ang alak sa problema noh! Marami ka namang dapat kausapin diyan."

"Okay na sige na. Next time hindi na po ako iinom. Pero request lang, tikman mo please?" saad niya. Agad ko naman itong tinikman. Naghahalo ang pait at ang tamis nito.

"Oh ano masarap ba?"

"Oo, pero ayoko na. 'Di ko gusto 'yong lasa. Oh ikaw din! Itigil mo na 'yan!" saad ko pero ininom niya ng straight ang alak niya. Napailing na lamang ako. Ang kulit talaga ng taong 'to!

Pag-uwi namin ay medyo nabubuwal-buwal na siya.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon