EPILOGUE
"Ivanne! Ivanne! Lumabas ka diyan! Ivanne!" sigaw no'ng lalaki.
Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya. Sino ba 'yon? Dali-dali akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa gate pero naunahan ako ni Ivanne.
"Ilabas mo si Nathan! Alam kong itinatago mo siya!" sigaw na sabi ng lalaki.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ivanne.
"Ilabas mo siya! Ilabas mo siya!"
"Matapos ang ginawa mo sa kaniya noon, tapos hahanapin mo siya na parang walang nangyari? Kung upakan kaya kita!" saad ni Ivanne. Nakaamba na siya ng awatin ko sila. Nakita ko ang kabubuan ng mukha ng lalaki. Hindi ako nagkakamali si Gerald 'yon! Pero mayroon akong napagtanto.
Si Gerald ay si... si.... Brent!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Hayop kang lalaki ka! Ang kapal ng mukha mo! Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto ko lang humingi ng sor--
"Sorry? Matapos mo akong linlangin at sabihin sa akin na ako si Devin! Hindi pa naman kita napapatawad sa ginawa mo sa akin noon tapos gumawa ka na naman ng isang bagay na kasusuklaman ko? Hinding hindi kita mapapatawad sa mga ginawa mo sa 'kin! Lumayas ka dito! Lumayas ka!" saad ko habang umiiyak. 'Di ko inaasahan na magagawa niya akong lokohin. Agad naman itong umalis.
Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Ivanne.
"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noo at naguguluhang tanong niya.
"Leave me alone! Please! Gusto ko munang mapag-isa."
"No! Tell me! Anong ibig mong sabihin? Did you mean may naaalala ka na?"
Pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag sabihin ang katotohanan pero sa tingin ko ay heto na ang tamang panahon para sabihin ko.
"Oo Ivanne! Oo! Naaalala ko na lahat!"
"Kailan pa?"
"Noong isang araw pa!"
"Bakit mo itinago sa akin? Bakit hindi mo agad sinabi?" naluluhang tanong niya.
"Hindi niyo kasi alam kung ano ang dahilan ko! Hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit ko itinago sa iyo!"
"Come on tell me! Why? Whyyy?" nangagalaiting tanong niya.
"No'ng nakausap ko ang Mama mo, she said na ayaw niya sa akin! Akala ko ay tatanggapin niya tayo pero nadisappoint ko siya! I blame myself dahil sa nangyari at ayokong malaman mo 'yon kasi alam kong masasaktan ka lang! At heto lang ang naisip kong tanging paraan para hindi ko na masaktan pa ang Mama mo. At kaya ko ginawa 'yon para sa Mommy mo. Sorry kung itinago ko sa 'yo, sorry!" saad ko sabay alis. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ayoko sanang aminin sa kaniya dahil alam kong masasaktan lang siya pero pinilit niya ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Kinagabihan ay pumunta sa kwarto ko si Tita Angela.
"Nathan, kamusta ka? Kamusta kayo ni Ivanne?" tanong niya. Napayakap ako sa kaniya at hindi ko napigilang humagulgol.
"Tita, sorry po kung tinago ko na naaalala ko kayo. Pasensya na."
"Okay lang. Naiintindihan kita. Ang mahalaga bumalik na ang alaala mo. Alam mo, namiss ka namin ni Ivanne. May pagkakataon nga na laging mugto ang mga mata niya at hindi siya makatulog dahil sa kakaisip sa 'yo." malungkot na saad niya. "Tumawag nga pala 'yong Mama ni Ivanne. Gusto niyang umuwi kami sa state, gusto mong sumama?"
Umiling ako. "Ayoko po. Alam ko pong galit sa akin si Ivanne dahil sa ginawa ko. Saka ayoko din po dahil alam kong magagalit lang po ang Mama ni Ivanne."
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...