CHAPTER 12
Hindi ko alam kung papaano ako makakuwi ngayon. 'Di ko alam kung saan ako sasakay. Halos karamihan kasi sa mga nag-aaral dito ay mayroong sasakyang pansarili. Kahit na umuulan ay lumabas ako. Nagbabakasakali akong makakakita ako ng sasakyan na pwede kong bayaran. Pero paglabas ko ay wala. Nabasa lang ako sa ulan. Halos pati 'yong bag ko ay basang-basa na.
Napahawak na lamang ako sa ulo ko. Mabilis nawala ang mga estudyante. Ako na lang ang naiwan. Nag-umpisa na akong maglakad dahil baka gabihin ako. Malayo ang eskwelahan na 'to sa bahay ni Tita Angela.
Habang naglalakad ako ay naalala ko na naman ang mga pangyayari na nangyari sa ganito ding pagkakataon. Nagflashback lahat sa utak ko ang nangyari no'ng araw na 'yon. Tuwing umuulan ay naaalala ko ang pangyayari na hinding-hindi ko makakalimutan.
Tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata kasabay ng pagpatak ng ulan sa aking mga mata. Miss na miss ko na si Nanay. Miss na miss ko na siya. Sana hindi na lang siya nawala! Sana hindi niya na lang ako iniwan. Mas lumakas pa ang ulan. Halos dumidilim na ang paligid pero kakaunti pa lang ang nalalakad ko. Nanginginig na din ako. Hindi ko na kaya pa ang lamig na nararamdaman ko. Mayamaya ay biglang sumarado ang mga mata ko at nawalan ako ng malay.
Nagising na lamang ako na nasa isang bahay na ako. Tiningnan ko ang suot kong uniform pero napalitan na ito ng kulay dilaw na damit at pajama. Nakita ko na suot-suot ko ang isang jacket. Hanggang ngayon ay nilalamig pa din ako. Masama ang pakiramdam ko.
Tiningnan kong mabuti ang mga suot ko. Naaalala ko na wala nga pala akong jacket, ganitong pajama at T-Shirt. Teka, kanino 'to? Saka bakit ako napunta dito gayong kanina ay naglalakad ako? Wala akong maalala sa nangyari kanina at hindi ko din alam kung papaano ako napunta dito.
Tumingin-tingin ako sa paligid pero tila iba ang bahay na ito. Nasaan ako? Pinilit kong bumangon pero hindi ko kaya. Mayamaya pa ay mayroon akong narinig na nagluluto. Pagkayari niyang magluto ay lumapit siya sa akin. Nagulat ako sa nakita ko.
"Ivanne?" tanong ko. Hindi ito umimik. Sa halip ay iniabot niya sa akin ang iniluto niya.
"Kumain ka muna para maging maayos ang pakiramdam mo." saad niya. Inabot niya sa akin ang niluto niyang sopas.
"Nasaan ako? Bakit tayo nandito?"
Sa wakas ay sinagot na niya ang tanong ko."Nandito tayo sa bahay ko. Malakas pa kasi 'yong ulan kaya dito kita dinala." saad niya. So ibig sabihin sa kaniya ang mga damit na ito at siya ang nagbihis sa akin? "'Wag kang mag-alala, wala akong ginawa sa 'yo." saad niya na parang nababasa ang nasa isip ko. "Kumain ka na." pag-uulit niya.
Nanginginig ako sa sobrang lamig ng pakiramdam ko. Sinubukan kong kumutsara pero hindi ko magawa. Agad niyang kinuha ang sopas at kumutsara siya ng kaunti para ipakain sa akin. Nang matapos niya akong pakainin ay iniabot niya naman sa akin ang gamot. Siguro ay ganti niya ito para sa pag-aalaga niya noon sa akin. Nakita ko na nakauniform pa din siya at basang basa pa.
"Magpalit ka na ng damit. Baka bumalik 'yong sakit mo." paalala ko sa kaniya. Saglit itong humarap sa akin at tumalikod din. Buti na lang at sinunuod niya ang sinabi ko.
Lumalim na ang gabi pero hindi pa din ako makatulog. Inaalala ko kasi kung saan matutulog si Ivanne. Kama lang kasi ang tanging pwede higan dito. Wala kasing sofa o kung ano pa man na pwede pang higaan bukod sa kama. Ramdam kong inaantok na siya. Lalo pa kasing lumakas ang ulan. Naaawa ako sa kaniya. Nakita ko siya na natutulog sa sahig kaya naman pinuntahan ko siya at ginising.
"Ivanne, kung gusto mo, tabi na lang tayo do'n sa kama. Hindi kasi ako mapalagay kapag diyan ka natulog." saad ko. Malaki din naman kasi ang kama. Sa tantya ko ay pang dalawang tao 'yon. Agad naman siyang bumangon at tumabi sa akin. Ibinigay ko na din sa kaniya ang kumot at unan ko dahil siya naman ang may-ari no'n.
Sanay naman akong matulog ng hindi nakakumot at walang unan. Kinaumagahan ay nagising ako dahil nakayakap ako kay Ivanne. Agad ko naman itong inalis dahil nakaramdam na naman ako ng pagkaawkward. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Gusto ko sanang tanggalin pero hindi ko magawa. Masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya. Siguro ay nilalamig din siya.
Nagising naman siya agad at inalis ang pagkakayakap sa akin.
"Sorry kung nagising kita. Magaling ka na?" saad niya. Tumango lang ako. Napangiti na lamang ako sa nangyari pero hindi ko pinahalata. Agad naman siyang pumunta sa kusina at nagluto. Magaling na ako. Hindi na masama ang pakiramdam ko.
Pagkatapos naming mag-almusal ay umuwi na kami sa bahay ni Tita Angela.
"Hi sir Nathan, buti na lang po nakauwi na kayo. Nag-alala po kami sa inyo kahapon." salubong sa akin ni Manang.
"Sorry po manang ha. Inabutan po kasi kami ng ulan kagabi. Umuwi napo ba si Tita Angela?"
"Hindi pa po. Busy pa rin po kasi siya sa trabaho niya. Saan po kayo nagpalipas ng gabi ni sir Ivanne?"
"Sa bahay niya. Sa kaniya po ba talaga 'yong bahay na 'yon o sa magulang niya?"
"Sa kaniya po talaga 'yon. Matagal na po kasing pangarap ni Sir Nathan na makapagpundar ng bahay para kapag nagkaroon na siya ng pamilya, hindi na siya mahihirapn pang humanap ng titirahan. Suma-sideline po siya sa ibang bansa para makapag-ipon pambili ng bahay na 'yon."
"Nakakaamaze naman siya manang. Buti pa siya nakapagpundar na ng bahay sa murang edad niya."
"Oo nga po sir, sobrang sipag po niyang si Sir Ivanne. Kaya nga po kapag nagkaroon ng asawa 'yan, sigurado po akong napakaswerte ng taong 'yon."
"Sige po manang mauna na muna ako, maglilinis pa po ako." saad ko sabay punta sa banyo. Nang makalabas ako ay mayroon akong ingay na narinig. Nakita ko na nadoon pala ang mga kaibigan ni Ivanne. Sabado kasi ngayon. Siguro ay hindi sila natuloy sa lakad nila kahapon kaya ngayon na lang sila bumawi.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...