CHAPTER 8
Pareho kaming nasa likuran ng sasakyan ni Ivanne pero nakaearphone lang siya kaya hindi niya ako kinakausap. Halos kalahating oras na kaming bumibiyahe pero hindi pa rin kami nakakarating.
"Sorry Nathan, malayo kasi 'yong mall dito." saad ni Tita Angela habang nagdadrive.
'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sakto namanang nagising ako ng makarating na kami. Nagulat ako ng nakasandal pala ako kay Ivanne. Nakikinig siya ng music habang nakatingin sa labas at nakalagay ang kamay niya sa bibig.
"Sorry ulit." mahinang sabi ko kahit alam kong hindi niya naman ako maririnig dahil nakaearphone siya.
Bumili kami ni Tita Angela ng damit na para sa kaniya at para sa akin. Bumili din si Ivanne ng sapatos niya.
Kinabukasan ay naisip ko na pumunta sa dating bahay namin. Tutal ay malapit naman ito sa bahay nila Tita Angela. Tumakas lang ako dahil wala dito si Tita.
Wala kasi akong pamasahe kaya naisipan ko na maglakad na lang. Namimiss ko na din kasi 'yong bahay namin.Nang makarating ako, ipinikit ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga alaala namin ni Nanay na kaysaya. Naalala ko no'ng gumraduate ako at 'yong huling birthday ko kasama siya.
Napagdesisyunan kong pumunta sa puntod niya. Hindi na kasi ako nakakapunta simula nung lumipat ako kila Tita Angela. Malapit lang naman 'yon kaya agad naman akong nakarating.
"Nay, miss na miss na kita. Pangako, tutuparin ko 'yong mga pangarap natin, Nay. Mag-aaral ako ng mabuti."
Biglang nagdilim ang langit at nagbabadyang umulan kaya agad na akong tumayo at umalis. Sinimulan ko ng maglakad. Kailangan kong makarating sa bahay ni Tita Angela bago umulan.
Habang binabaybay ko ang daan ay humahangin ng malakas. Nilalaming na ako. Mga ilang metro na ang nalalakad ko lagpas sa aming bahay ay bumuhos ang isang malakas na ulan. Nanginginig ako dahil naaalala ko na naman 'yong panahon na inabutan din ako ng ulan at kung pa'no nagkaletche letche ang buhay ko.
'Yong panahong magcecelebrate sana kami ni Gerald ng Monthsarry pero hindi natuloy dahil nakita ko siyang may kasamang babae at pag-uwi ko ay malamig na bangkay na ang taong nagpalaki at nag-aruga sa akin. Natatakot na ako. Dapat pala ay hindi na lang ako pumunta pa. Dapat pala ay ipinagpabukas ko na lang ang pagpunta ko.
Pilit ko pa ring binaybay ang daan kahit na hindi ko na kaya pa. Kailangan ko ng makauwi dahil malapit ng maggabi. Baka hanapin na ako ni Tita Angela. Nanginginig na talaga ako ng sobra dahil sa ginaw dahil sa dalang hangin at ulan sa bawat patak nito. Napatalungko na lamang ako sa kalsada habang umiiyak. Mabigat na naman kasi ang pakiramdam ko at naaalala ko si Nanay. Papatilain ko na lang siguro dito ang ulan.
Halos isang oras na akong nakasalampak dito pero tila hindi pa rin humuhupa ang ulan. Patuloy pa rin ito sa pagbagsak. Dahan-dahan akong tumayo at sinumulan muling maglakad. Hindi ko na talaga kaya pa ang lamig. Mayamaya pa ay ay mayroong humintong kotse at bumaba ang may ari nito.
Nakita ko si Ivanne na bumababa at binuhat ako. Bakit niya nga pala nalaman na nandito ako? Siguro ay nagbakasakali lang siya na baka dito ako nagpunta at sakto namang naabutan niya ako dito. Kapwa basa na kaming dalawa sa ulan.
Agad niya akong sinakay sa kotse at saka dinala ako sa bahay namin. Nang makarating kami ay ako na ang nagkusang bumaba. Nagtungo ako sa banyo para maglinis at nang matapos ay dumiretso na ako sa kwarto dahil nakaramdam ako ng antok.
Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa liwananag na tumatama sa bintana ng aking kwarto. Umaga na pala. Agad akong bumangon at sinalat ang noo at leeg ko kung meron ba akong lagnat pero wala. Hindi masama ang pakiramdam ko. Agad akong bumaba dahil nakaramdam na ako ng gutom.
"Good Morning po sir!" masiglang bati sa akin ni Manang at ng kasamahan pa nito.
Umupo ako sa lamesa at kumain. Ang sarap ng almusal ko ngayong umaga.
"Manang umuwi na po ba si Tita Angela?" tanong ko.
"Hindi pa po, busy daw po kasi siya."
Hindi pala siya umuwi kagabi. Buti na lang. Ayoko din kasing malaman niya na pumunta ko sa dati kong bahay at umuwi akong basang-basa dito. Ayokong mag-alala pa siya. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa likod at diniligan ko na naman ang mga halaman.
Teka? Bakit 'di ko yata napapansin si Ivanne na lumalabas ng kwarto niya? Bakit parang 'di ko siya nakasabay mag-almusal? Siguro ay napuyat siya kagabi kakalaro ng gadgets niya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya sa ginawa niyang tulong sa akin.
"Manang, lumabas na po ba si Ivanne sa kwarto niya?" tanong ko ng pumasok ako sa loob ng bahay.
"Naku Ma'am, hindi pa po. Baka po napuyat lang."
Oo nga. Baka napuyat lang siya. Naghintay pa ako ng ilang oras at hinintay ko kung lalabas ba siya ng kwarto pero hindi. Wala akong nakitang Ivanne na lumabas sa kwarto niya. Hindi na ako mapakali dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya kaya naman mas minabuti kong buksan at puntahan na lang siya sa kwarto niya. Buti na lang hindi ito nakalock.
Pagbukas ko ng kwarto ay nakita ko si Ivanne na nakahiga. Mukhang mahimbing ang tulog niya pero tila may iba akong napansin sa kaniya. Nanginginig siya. Agad ko siyang nilapitan at hinipo kung nilalagnat siya. At nakumpirma ko nga. Tama ang hinala ko. Nilalagnat siya.
Agad kong tinawag si Manang para kumuha ng bimpo at palanggana na may laigamgam na tubig. Nang maibigay sa akin ni Manang ay pinalipitan ko ang bimpo at ipinahid sa kanyang noo. Inalis ko din muna ang kumot niya. Nakita ko ang damit niya. 'Yon ang suot niya kahapon nung binuhat niya ako. Hindi pala siya nakapagpalit ng damit. Ginising ko siya para pagpalitin ng damit.
"Ivanne, Ivanne!" saad ko sabay yugyog sa kaniya para magising siya. Hindi naman ito gumising. Sa halip ay nagtakip pa ito ng kumot niya.
Pinilipitan ko ulit 'yong bimpo at ipinahid sa kaniya. Kumuha din ako sa kabinet niya ng manipis na damit para makahinga siya. Hinubad ko ang damit niya.
Akala ko ay papalag siya pero hindi. Kahit na pumalag siya ay wala na din siyang choice kung 'di hayaan ako dahil mas mahihirapan siya kapag hindi siya pumayag. Nang matapos ko siyang bihisan ay nagpaluto ako kay Manang ng lugaw para makakain siya.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Fiksi RemajaMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...