Chapter 34

147 4 0
                                    

CHAPTER 34

Hindi ko alam kung bakit gano'n na lamang ang naramdaman ko ng hawakan ko ang bagay na iyon. Mayamaya pa ay umagos ang luha sa mga mata ko ng hindi ko namamalayan. Parang may kung ano sa kwintas na iyon. Agad ko namang pinahid ang luha sa aking mata. Buti na lang at wala ngayon si Brent dahil mayroon siyang pinuntahan.

"Hijo, maiwan ka muna namin dito, magtitinda lang kami." saad ng Nanay ni Brent.

"Hindi po kasi ako sanay ng mag-isa dito sa bahay, pwede po ba akong sumama sa pagtitinda niyo?"

"Naku, baka magalit 'yong anak namin. Bawal ka pa kasing lumabas kapag hindi mo siya kasama."

"Hayaan niyo na po 'yon. Ako na lang po ang kakausap sa kaniya mamaya kapag nagalit siya.

Dahil sa sobrang pagpupumilit ko ay sinama na ako ng Nanay ni Brent sa palengke. Mukhang masaya ang araw na ito. Maraming tao ang nasa palengke ngayon.

"Magkano po dito sa kamatis na tinda niyo?" tanong ng isang babae.

"Murang mura lang po 'yan. Bente lang po isang kilo." saad ng Nanay ni Brent.

"Pagbilan nga ng dalawang kilo." saad ng babae.

"Heto po." abot ko.

Ilang oras pa ang nakalipas ay dinumog kami ng maraming tao. Halos maubos ang tinda naming kamatis, talong at mga sibuyas.

"Ang aga nating nakaubos." saad ng Tatay niya.

"Oo nga. Mukhang swerte itong si Devin. Dapat pala ay araw-araw ka na lang sumasama dito para malakas ang kita namin." saad ng nanay niya.

"Hahaha! 'Di bale po, araw araw na po akong sasama sa inyo para naman malakas ang benta niyo. May bibilhin lang po ako, diyan lang po muna kayo." paalam ko. Mayroon kasi akong nakitang isang key chain na napukaw ang paningin ko. Papalapit na sana ako sa key chain ng may isang tao na humawak dito. Napakunot ang noo ko at tumingin ako sa kaniya.

"Nathan?" tanong niya. Hindi ako kumibo. Hindi ko naman pangalan ang binabanggit niya.

"Akin na nga 'yan! Ako ang nauna diyan kanina pa."

Agad naman niya akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman umalis ako sa mahigpit niyang pagkakayakap.

"Nathan, nandito ka lang pala. Tara na sumama ka sa akin. Nandoon sila Tita Angela sa kotse." aya niya. Hindi ko marecognize kung sino ang taong sinasabi niya.

"Umalis ka nga diyan! Hindi naman kita kilala, bakit ako sasama?"

"Ako 'to, si Ivanne! Ako 'yong boyfriend mo!"

"Hindi ikaw ang boyfriend ko! Si Brent lang ang boyfriend ko! Baka naman kamukha ko lang siya."

"Ale heto nga po." saad ko sa ale sabay abot ng bayad. Nang matapos ay umalis na ako. Nagrugby ata 'yong lalaki na 'yon kaya ganon. Hindi naman Nathan ang pangalan ko pero bakit gano'n 'yong tinatawag niya sa akin?

Binalikan ko na si Aling Cely at Mang Ramon. Hindi ko na lang sasabihin sa kanila ang nangyari. Itatago ko na lang din kay Brent ang nangyari kanina.

Pag-uwi namin ay bumungad si Brent sa akin. Sa pagkakaalam ko ay tatlong araw siya sa maynila dahil mayroon siyang ginagawang trabaho.

"Saan ka nanggaling?" walang emosyong tanong niya.

"Sa palengke, sinamahan ko lang 'yong magulang mo. Marami nga kaming nabenta eh."

"Bakit ka sumama don? 'Di ba sabi ko sa 'yo 'wag kang lalabas? Baka maaksidente ka na naman sa ginagawa mo eh!"

Napayuko na lamang ako. Nakakainis naman 'tong si Brent, sobrang higpit. Sumunod na lamang ako sa gusto niya. Wala din kasi akong magagawa kundi sundin siya. Alam kong ginagawa niya lang ito para sa kaligtasan ko.

Kinabukasan ay naiwan akong mag-isa sa bahay. Wala akong magawa kaya naman naglinis na lang ako. Nagtungo ako sa divider para punasan ang mga libro na nandito. Natatakpan na ng alikabok ang karamihan dito at hindi na mabasa ang titulo nila. Kumuha ako ng basahan at pinunasan ko ito. Pumunkaw sa akin ang tila isang bagong libro dahil wala pa itong gaanong alikabok. Malinis ito. Nagtaka ako kaya naman binuklat ko ito.

"Memories with You" ang pamagat ng libro na nakuha ko. Sa tingin ko ay hindi lang ito basta libro. Binuklat ko ang takip nito at bumungad sa akin sa unang pahina ang mukha ng isang lalaki habang kasama ko. Naguguluhan ako sa nakikita ko. Bawat buklat ko ay larawan ko ang nakikita ko at larawan ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita.

Mayamaya pa ay naalala ko na ang lalaking kasama ko! Siya 'yong lalaking yumakap sa akin kahapon at mayroon siyang itinatawag na pangalan sa akin. Hindi ko na maalala pa ang pangalan niya.

Teka, bakit ba nandito 'to? Bakit nandito sa bahay ni Brent ang album na 'to? Naguguluhan na ako sa nangyayari. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko.

Nang matapos ako ay dinala ko ang album sa kwarto ko. Sino ka ba kasing lalaki ka? Bakit kita kasama dito sa picture? Si Brent lang ang mahal ko at hindi ikaw! Napakamot na lang ang ulo ko.

Pasado alas dose na ng tanghali pero wala pa rin sila Aling Cely at Mang Ramon. Sabi nila ay uuwi sila bago magtanghalian pero bakit wala pa sila? Lumabas na ako ng bahay para tingnan sila. Nagugutom na ako. Kailangan ko na silang mapuntahan. May kalayuan din ang bahay nila mula sa palengke. Buti na lang at nakarating na ako sa palengke pero hindi ko alam ang pwesto nila dito.

Hindi kasi ako matatandain ng lugar lalao na't isang beses ko pa lang naman napupuntahan. Litong-lito ako kung saan ako pupunta. Halos naikot ko ang buong palengke pero hindi ko sila nakita. Siguro ay nagkasalisi kami kaya hindi ko sila naabutan. Baka nandoon na sila sa bahay. Kailangan kong magmadali. Kailangan kong makauwi kaagad dahil panigurado akong pagagalitan na naman ako ni Brent kapag nalaman niya na umalis ako ng bahay. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Ang layo-layo ulit ng lalakarin ko para makarating ako sa bahay nila Brent. Inumpisahan ko na ulit maglakad. Habang naglalakad ako ay mayroong lalaking naglagay ng panyo sa ilong ko, dahilan para mahilo at mahimatay ako.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon