CHAPTER 29
Nagkatitigan kaming dalawa. Ang ganda ng boses niya habang kinakanta 'yon. Parang gustong tumalon ng puso ko habang kinakantahan niya ako. Nakaramdam na naman ako ng awkward kaya naman inalis ko ang mata ko sa mata niya.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.
"Oo naman. Ang ganda kaya."
"Alam mo ba, ikaw lang ang taong kinantahan ko ng ganito." saad niya.
"Eh si... Heaven? Never mo pa siyang nakantahan?"
Natahimik siya sa sinabi ko. Napatingin siya sa langit at ramdam kong may namumuong luha sa mga mata niya. Dapat ay hindi siya maging malungkot ngayon. Birthday niya pa naman.
"Sorry. Hindi ko sinasadya. 'Wag ka ng malungkot. Birthday mo ngayon 'di ba? Dapat masaya ka!" saad ko. Tumingin siya sa akin at nagbigay ng pilit na ngiti. Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ko ang luha niya. "Sorry. Hindi ko intensiyon na ipaalala siya sa 'yo." saad ko.
"Okay lang."
"Sige, tara na sa baba, baka hinahanap na tayo ni Tita." aya ko. Pumunta muna siya sa kwarto at isinauli ang gitara.
"Oh bakit parang pinagsukluban ka ng langit at lupa diyan? May problema ka ba?" tanong ni Francis sa akin. Nandito kami ngayon sa park. Wala kasi kaming ginagawa sa loob ng room.
"May sasabihin kasi ako sa inyo. Matagal ko na sa inyo 'tong itinatago. Sana patawarin niyo ako. Nagiguilty na kasi ako."
"Ano ba 'yan?" curious na tanong ni Veronica.
"Ang totoo kasi, nagpapanggap lang kami ni Ivanne na magjowa dito sa school. Hindi talaga kami."
"Ano ka ba naman bes! Matagal na naming nahahalata sa kilos mo noh!" saad ni Francis.
"Ibig sabihin, hindi kayo galit?"
"Bakit naman kami magagalit? Hinihintay nga lang namin 'yong time na sabihin mo sa amin 'yon. Saka wala kaming karapatang magalit noh!"
Inakap ko silang dalawa. Buti na lang at naiintindihan nila ako.
"I'm sure may nararamdaman ka na sa kaniya?"
"Hindi ko idedeny."
"So kailan mo balak aminin? Alam mo, habang pinapatagal mo 'yan, mahihirapan ka lang."
"Siguro one of this days siguro. Hindi pa kasi ako ready eh."
Napabuntong hininga ako. Siguro nga ay mas mabuti nang aminin ko kay Ivanne ang nararamdaman ko kesa itago ko pa ito.
"May problema ba?" tanong sa akin ni Ivanne sa akin habang nasa biyahe kami papauwi.
"Itigil na natin 'to!" saad ko.
"Ang alin?"
"'Yong deal na 'to! Ayoko na!" saad ko sabay baba sa kotse. Nandito na kami sa bahay namin.
"Bakit? Anong problema?"
"Basta! Itigil na natin 'to!" saad ko sabay pasok sa kwarto ko.
Pilit niyang kinatok ang pinto ng kwarto ko. Gustong gusto niya talagang malaman kung ano ang dahilan. Binuksan ko ito.
"Bakit?" pag-uulit niya.
"Ayoko na! Ayoko na ng nararamdaman ko para sa 'yo!"
"What do you mean?"
"Oo Ivanne! Oo! Nahulog na 'yong loob ko sa 'yo! Sa tuwing magkasama at magkausap tayo, feeling ko ang saya-saya ko! Feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama kita! Alam kong hindi mo naman ako magugustuhan at ayoko ng lumala pa ang nararamdaman ko sa 'yo! Kaya tinatapos ko na!" saad ko. Akala ko ay magiging maayos na ang pakiramdam ko kapag naamin ko sa kaniya pero hindi. Mas lalong bumigat lang ang pakiramdam ko. Bago ko pa man isarado ang pintuan ay pinigil niya ito.
"Siguro nga mas mabuti nang tapusin natin ang deal natin at gawin na nating totoo." saad niya na ikinagulat ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Anong ibig niyang sabihin. "I love you, Nathan! I love You!" saad niya. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang mga sinasabi niya kaya isinarado ko na ang pintuan.
Paulit-ulit ko pa ring naririnig ang mga katagang sinabi niya kanina. "I love You, Nathan! I Love You!"
Napabuntong-hininga na lamang ako. Naupo ako sa kama ko. Anong ibig niyang sabihin? Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Ivanne.
"Usap tayo." saad niya. Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa balkonahe kung saan siya nakatayo. Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Nagpapakiramdaman kami. Mayamaya pa ay napilitan siyang magsalita para basagin ang katahimikan.
Humarap siya sa akin at hinawakan niya ako at nagsalita. "Mahal na mahal kita. Kaya ko ginawa 'yong deal na 'yon para mahalin mo ako gaya ng pagmamahal ko sa 'yo." panimula niya. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa 'yo. No'ng una, pinipigilan ko pero habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa iyo." saad niya.
"So lahat 'yon ginawa mo para mahalin kita?"
"Oo! Wala na kasi akong maisip na paraan para mahalin mo ako."
"Ivanne mahal din kita noon pa man! Kaya lang, nahihiya akong aminin sa 'yo dahil hindi mo naman ako magugustuhan. Hindi ko ineexpect na gagawin mo lahat 'yon para lang mahalin kita. Dapat sinabi mo na lang sa akin ng harapan at hindi ka na nag effort. Ang unfair mo! Ang unfair unfair mo! Bakit mo ginawa sa akin lahat ng 'to? Ikaw ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa 'yo!" saad ko sabay tulo ng mga luha ko.
"I'm sorry! I'm sorry!" saad niya sabay hawak sa mga kamay ko. Agad ko naman itong inialis.
Pumasok na ulit ako sa kwarto ko at ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman kong bigat sa dibdib ko. Hindi ko akalain na magagawa niya lahat ng 'to para mahalin ko siya. He didn't deserve me! Hindi ako ang taong karapat dapat sa kaniya. Siguro ay mas mabuti nang iwasan namin ang isa't isa sa ngayon. Heto lang ang tanging paraan para hindi na kami pa masaktan pa ng sobra.
Kinagabihan ay kinausap ako ni Tita.
"Nathan, are you okay?" saad niya. Tumango ako. "Nalaman ko lahat ng nangyari sa inyo ni Ivanne." saad niya. "Nalulungkot ako para sa inyong dalawa." Tumulo na naman ang mga luha ko.
"Siguro po, mas mabuti na lang pong iwasan namin ang isa't isa para hindi na po kami masaktan pa." saad ko.
"Akala ko pa naman magiging maayos lahat. Alam mo ba? Kaya ko nabalitaan na may deal kayong dalawa eh dahil sa kaniya. Sinabi niya sa akin na mahal ka daw niya. 'Yon na lang daw kasi 'yong tanging paraan para mahalin mo din siya."
"Mahal ko naman po siya Tita eh. Kaya lang hindi pa po kasi ako makahanap ng tiyempo dahil alam kong hindi niya naman po ako magugustuhan."
"Actually, ako 'yong nagsabi na magdate kayo no'ng valentine's kasi, botong-boto ako sa inyong dalawa eh. Sorry kung nakisali ako ha. Sorry kung nakialam ko sa inyong dalawa."
"Okay lang po Tita. Kami naman po talaga ang may kasalanan. Naiintindihan ko naman po kayo." Napayakap na lamang ito ng mahigpit sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...