Chapter 20

205 8 0
                                    

CHAPTER 20

Habang naglalaro ako ay pasimple akong tumitingin kay Ivanne. Mayamaya ay nawala siya sa paningin ko. Tiningnan ko kung saan siya nakaupo kanina pero nawala siya. Hindi ako mapakali kung saan siya pumunta. Natapos na ang practice namin. Nagpahinga muna kami bago umuwi. Nakita ko si Ivanne na nandoon na sa kinauupuan niya kaya naman lumapit ako dito.

"Saan ka ba nanggaling?

"Heto oh!" sabay abot niya ng tubig. "Bumili kasi ako ng tubig kaya nawala ako. Bakit mo 'ko hinahanap? Namiss mo ba ako?" tanong niya. I rolled my eyes. Ang kapal talaga ng mukha nitong mokong na 'to.

Habang umiinom ako ay kinuha niya ang bimpo na nasa balikat niya at pinunasan ang mukha ko.

" 'Wag mo na akong punasan. 'Di ba sa 'yong bimpo 'yan? Baka madumihan pa. Ginagamit mo 'yan 'di ba?"

"Okay lang na madumihan basta ikaw 'yong gumamit." saad niya.

"Jusko nilalanggam na kami dito!" saad naman ni Francis.

Nagtama ang aming mga mata at sabay kaming natawa dahil sa sinabi ni Francis.

Nang papauwi na kami ay tila iba ang tinatahak naming daan.

"Bakit iba 'yong daan na dinadaanan natin?" tanong ko.

"Basta. May pupuntahan kasi ako." saad niya. Hindi na lamang ako kumibo at hinintay kung saan kami pupunta.

Nakarating kami sa isang barber shop. Mukhang may balak yatang magpagupit ang mokong na 'to, eh okay pa naman ang buhok niya.

Agad naman siyang bumaba at sinundan ko.

"Ano ba magandang gupit?" tanong niya sa 'kin.

"Bakit ako tinatanong mo? 'Di ba ikaw magpapagupit? Dapat ikaw nagdedesisyon sa sarili mo." saad ko.

"Sungit naman. Kaya ko tinanong kasi, baka may mapili kang maganda tapos magustuhan ng mga babae sa campus." saad niya. Inirapan ko na naman siya. Hayst babaero talaga 'tong taong 'to.

"Bahala ka diyan." saad ko.

Siya na lang ang namili ng ipapagupit niya. Buti na lang at aircon dito kaya naman hindi na ako maiinitan. Pawis din kasi ako kaya kailangan ko ng aircon.

Inumpisahan na ang panggugupit sa kaniya. Nang matapos ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang gwapo ni Ivanne. 'Yong hawi kasi ng buhok niya ang nagdala. Pinabawasan niya ang gilid at hinayaang mahaba ang gitna.

"Oh ano? Gwapo na ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi. Ang pangit kaya. Hindi bagay sa 'yo." saad ko.

"Eh bakit natulala ka kanina no'ng nakita mo 'ko?"

Bahagya akong natigilan ng sabihin niya iyon. Kinross ko ang braso ko at pumunta sa kotse niya.

"Oh bakit ka nagwalk out?" tanong niya.

"Wala lang."

"Hindi ba talaga bagay 'yong gupit ko?" pag-uulit niya habang nasa loob na kami ng sasakyan at tinitingnan ang buhok niya sa salamin.

"Hindi. Dapat kasi pinabawasan mo 'yong unahan. Ang aksayado mo sa pera."

"Okay sige babalik ako." saad niya. Akmang bababa na ito sa kotse niya ng awatin ko.

"Oo na sige na! Bagay na! Gwapo ka na!" saad ko.

"Hahaha!" mahinang tawa niya. "Hindi naman talaga ako bababa. Tinetest lang kita kung pangit talaga o hindi. Saka ako kaya ang pumili nito kaya sigurado akong bagay sa 'kin. Saka hindi mo na kailangan pang sabihin na gwapo ako kasi simula't sapul gwapo talaga 'ko." saad niya. Nanggigigil na talaga 'ko sa lalaking 'to. Ang lakas ng amats. Tumahimik na lamang ako. Wala din kasing kapupuntahan ang pag-uusap namin.

Pagdating sa bahay ay agad akong nagtungo sa banyo para maglinis. Sobrang lagkit ko kasi. Nang matapos ako ay pumunta na ako sa kwarto ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil ngayon ang intrams namin. Kinuha ko ang sapatos ko sa ilallim ng kama at isinuot. Luma na ito. Hindi kasi ako nakakabili ng sapatos. Paglabas ko ay nakita ko si Ivanne. Nakasuot siya ng jersey na black at sapatos na blue. Lalo siyang gumwapo dahil sa suot niyang iyon. Natulala ako ng ilamg saglit ng makita ko siya.

"Are you okay?" tanong niya sa akin sabay hawak sa braso ko.

"Ahm... oo, okay lang ako."

"Bakit ka nga pala nakatulala?" tanong niya.

"Wala, a-ano kasi ahm... sige diyan ka muna. May aayusin pa 'ko." palusot ko sabay pasok sa kwarto. Ang lakas talaga ng appeal ng lalaking 'yon.

"Nathan, may ibibigay nga pala 'ko sa 'yo." saad niya pagkatapos kumatok.

"Ano?"

"Heto. Buksan mo 'yong pinto." saad niya. Nakita ko na may dala-dala siyang isang kahon.

"Ano naman 'yan?" tanong ko.

"Sapatos. Hindi ko na kasi siya nagagamit." saad niya.

Inabot ko ang box at binuksan ko. "Sigurado ka bang hindi mo na ginagamit 'to? Ang ganda pa naman. Babayaran ko na lang."

"No it's okay. Sa 'yo na lang 'yan. Medyo mahal din kasi 'yong pagkakabili ko diyan." saad niya. "Sige hintayin na lang kita sa baba." saad niya. Sobrang ganda talaga ng sapatos na ibinigay niya. Nagyon lang ako nakatanggap ng sapatos na ganito. Mukhang original. Agad ko itong isinuot at bumaba. Nakawhite t-shirt ako at yellow na short. Heto kasi ang napag-usapan naming kulay ng isusuot namin.

Habang nasa biyahe ay nag-usap kami ni Ivanne.

"Anong oras 'yong laro niyo?" tanong niya.

"Mga 9:00 pa. Kayo?" tanong ko.

"7:30. Kami ang una eh. May favor sana 'ko."

"Ano 'yon?" 

"Gusto kong manood ka ng laban namin and icheer mo ako." saad niya.

"Hindi ako sanay magcheer." sabi ko.

"Edi gumawa ka ng banner na gawa sa cartolina and ultra bright." saad niya. Dapat pala hindi na lang ako pumayag na magpanggap bilang jowa niya. Ang dami palang kailangang gawin.

Agad akong pumunta sa room namin pagbaba ko. Buti na lang at may cartolina at ultra bright na nagkalat sa room namin kaya naman pinulot ko ito at idinikit sa cartolina. Nang matapos ako ay dumitetso na ako sa gym dahil baka mawalan pa ako ng upuan. Mahirap na. Gusto ko din kasing mapanood si Ivanne na magbasketball. Titingnan ko kung mananalo ba sila.

Umupo ako sa tabi nila Francis.

"Bes, ano 'yang dala mo?" tanong sa akin ni Francis.

"Banner. Ichecheer ko kasi si Ivanne."

"Sosyal may pa banner!" saad niya. Mayamaya pa ay nag-umpusa na ang laro.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon