CHAPTER 35
Paggising ko ay nasa malaking kwarto na ako. Ang malas ko naman. Kung saan saan tuloy ako napupunta. Nasaan na naman ba ako?
"Tulong! Tulongggg!" sigaw ko. Mayamaya ay may lumapit sa aking isang lalaki.
"Gising ka na pala. Kamusta?" tanong niya. Siya 'yong lalaking nakita ko kahapon sa palengke.
"Hindi ako okay! Pwede ba, palabasin mo na ako dito? Baka hinahanap na ako ni Brent at ng mga magulang niya!"
"Brent? Sinong Brent?"
"Boyfriend ko! Lumayas ka nga diyan!" saad ko sabay bunggo sa kaniya at labas.
"Sir Nathan, welcome home po." bati sa akin ng isang matanda na parang katulong.
"Hindi nga ako si Nathan! Ako si Devin!" saad ko sabay irap.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ng lalaki.
"Malamang aalis. Panigurado, hinahanap na ako ng mga magulang ni Brent!"
"Sa tingin mo ganon lang kadaling bumalik do'n? Sumama ka na lang sa akin may pupuntahan tayo!" saad niya sabay hila sa akin.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" saad ko habang nagpupumiglas pero hindi na ako nakapalag pa ng yakapin niya ako at isakay sa kotse niya.
"Kapag lumabas ka diyan, itatali ko paa mo."
Nanatili na lang ako sa kotse. Pumunta kami sa isang hospital. Iniwan niya ako sa kotse. Bwisit na lalaki 'yon! Gutom na gutom na 'ko, gusto ko ng kumain.
Mayamaya ay bumalik na siya. Mayroon siyang mga dalang gamot.
"Siguro naman pwede mo na akong dalhin kung saan mo ako kinuha?"
"Pwede naman, kaso ayaw ko. Gusto pa kasi kitang makasama." saad niya sabay kindat. Feeling gwapo.
Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Buti na lang at dinala niya ako sa isang kainan.
"Buti naman at narinig mo ang tiyan ko."
"Hahaha! Syempre! Baba ka may ipapakilala ako sa 'yo."
Agad naman akong bumaba sa kotse. Gusto ko na talagang kumain.
Umorder siya ng pagkain naming dalawa.
"Nathan, I miss you!" saad ng isang babae at niyakap ako nito. Patuloy lang ako sa pagkain. Hindi ko siya pinapansin.
"Tita, ikukwento ko na lang po mamaya sa inyo kung ano nangyari sa kaniya." saad ng lalaki. Nalungkot naman ang babae dahil sa narinig niya. Ang sarap ng pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na siya sa babae.
"Saan mo naman ako balak dalhin ngayon?"
"Sekret!" saad niya.
"Tulong! Tulong kinidnap ako! Tulong!"
"Hahaha! Kahit na sumigaw ka diyan, walang makakarinig sa 'yo saka isa pa, hindi nila ako paghihinilaang kinidnap kita kasi hindi naman halata sa itsura ko. Ang gwapo ko kaya. Baka nga ang isipin nila, ginusto mo 'to."

BINABASA MO ANG
I'm Yours
TeenfikceMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...