CHAPTER 18
Bago ako makapasok ako sa kwarto ko ay tinawag ako ni Ivanne.
"May gagawin ka?" tanong niya.
"Wala, bakit?" tanong ko.
"Samahan mo na lang ako."
"Saan?"
"Basta, tara." saad niya.
Nagpunta kami sa isang court. Nandoon din 'yong mga kaibigan niya. Buti na lang at wala do'n 'yong isa niyang kaibigan na nagtangkang manligaw sa akin. Maglalaro pala sila ng basketball.
"Tara sali ka?" saad sa akin ni Ivanne pero tumanggi lang ako dahil hindi ako sanay maglaro no'n. Hindi kasi ako mahilig sa mga outside games katulad ng basketball. Nagpractice sila dahil maglalaro daw sila sa campus sa darating na intramurals. Nakatingin lang ako sa malayo. Ayoko kasi talagang nanonood ng basketball. Nang mapatingin ako kay Ivanne ay nagtama ang mga mata namin. Napangiti siya ng magtama ang aming mga mata. Bago siya mag-shoot ng bola ay kumindat pa sa akin. Hindi maiwasang mapangiti dahil sa ginawa niya. Ang gwapo niya talaga. Naishoot niya ang bola. 'Di ko maipaliwanag ang nadarama ko. Bakit ako kinikilig? Bakit ganito 'yong epekto niya sa akin?
After nilang maglaro ay tinabihan niya ako.
"Tutal praktis namin 'to, magpraktis na din tayo ng gagawin natin sa intrams."
Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Kunin mo 'yong bimpo sa bag." saad niya. Agad naman akong tumalima sa sinabi niya. "Punasan mo 'yong pawis ko." saad niya na ikinagulat ko. Tinaas-baba niya ang kilay niya. Wala akong choice kundi punasan siya. "Tutal nagpapanggap naman tayong magjowa, gusto kong ganyan ang gawin mo sa akin sa intrams."
Ano ba kasi 'tong kalokohang pinasok ko! Bakit ba kasi ako pumayag sa gusto niya.
Hindi ko na lang sinagot ang sinabi niya. Bagkus ay pinunasan ko na lang ang mukha niya. Umuwi na ang mga tropa niya at kaming dalawa na lang ang naiwan sa court. Unti-unting lumalapit ang labi ko sa mga labi niya at nagkakatitigan kami. Habang lumalapit ang mukha ko dahil pinupunasan ko ang mukha niya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Mayamaya ay natigilan ako. Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Pumikit na lamang ako dahil alam ko na kung ano ang mangyayari. Mayamaya ay naubo ako dahilan para dumilat ako. Natawa na lang kami sa isa't isa.
"Turuan kitang maglaro?" aya niya sa akin. Umiling lang ako. "Tara na!" aya niya. Hinatak niya ako para mapatayo ako. Pumunta siya sa likuran ko at hinawakan ang mga braso ko habang hawak-hawak ko ang bola. 'Di ko maiwasang mailang dahil sa ginagawa namin. "Magfocus ka lang sa ring. 'Wag mong pansinin 'yong nasa paligid mo. Dahan-dahan mong ibato 'yong bola then tingnan mo kung mashoshoot. Kapag nashoot edi okay, kapag naman hindi, ulitin mo lang 'yong sinabi ko sa 'yo.
Ngumiti na naman siya. Inalis na niya ang pagkakahawak sa akin at pumunta sa gilid para tingnan kung maisho-shoot ko 'yong bola pero nabigo siya. Alam ko kasing inaabangan niya at inaasahan niya na maisho-shoot ko. "Okay lang 'yan, tara na?" pag-aaya niya sa akin. Sumunod naman ako sa kaniya.
Habang nasa biyahe kami ay tinanong niya ako.
"Nagkaroon ka ba ng crush?" tanong niya.

BINABASA MO ANG
I'm Yours
Novela JuvenilMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...