Chapter 24

188 6 0
                                    

CHAPTER 24

"Magkakilala kayo?" tanong ko. Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit kilala ni Ivanne ang tatay ko samantalang mgayon lang naman sila nagkita saka bakit "Dad" ang tawag niya sa Tatay ko? Ibig sabihin magkapatid kami sa Ama??  Hindi sila sumagot sa halip ay natahimil silang dalawa. Tumakbo na lang ako. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya? Babalik siya ngayon na parang wala man lang nangyari? Kung kailan okay na 'yong buhay ko saka sisirain niya ulit?

Napaluhod na lamang ako. Napakwalang kwenta niyang ama! Pinabayaan niya kami ni Nanay. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Nanay! Siya ang dahilan kung bakit kami naghirap noon!

Bumalik ako sa bahay namin at sinundo ko si Ivanne.

"Ivanne let's go! Tara na! Umuwi na tayo!" saad ko. Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko.

Habang nasa daan ay kinausap niya ako.

"What's wrong?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Ayoko munang magsalita. Naiinis ako sa nakita ko kanina. Dapat hindi na siya bumalik pa! Ayokong makita ang pagmumukha niya!

Kinagabihan ay tumambay na naman ako sa balkonahe para magpahangin. Hindi pa rin kasi ako makamove on na nandito na si Tatay. It's almost 11 years simula ng iwan niya kami tapos ngayon babalik siya na parang walang nangyari?

"Alam mo, ang bait kaya ng Tatay." saad ni Ivanne habang papunta din sa balkonahe.

"Wala akong pakialam kung mabait siya o hindi. Gusto ko lang malinawan kung bakit niya kami iniwan noon!"

"Gusto mong malinawan pero ayaw mo siyang kausapin? Paano mo malalaman 'yong sagot kung hindi mo tinatanong." saad niya. Napaisip ako sa sinabi niya.

"Kaano-ano mo ba kasi talaga 'yong lalaking 'yon? Tatay mo rin ba siya? Anak ka ba niya sa ibang babae niya? Kayo ba ang ibang pamilya ng tatay ko?"

"Gusto mo talagang malaman? Edi tanungin mo siya. Sasamahan kita bukas. Lahat ng gusto mong malaman, itanong mo sa Tatay mo." saad niya.

Kinabukasan ay iginayak ko ang sarili ko. Handa na akong kausapin si Tatay. Handa na akong malaman lahat.

Habang papalapit ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang kabahan.

"Anak! Ang laki na ng pinagbago mo. Ang laki mo na." saad niya. Yayakpin niya sana ako pero lumayo ako sa kaniya.

"Hindi ko inaasahan na sa haba ng taon na iniwan mo kami, tatawagin mo pa rin akong "Anak." Buong akala ko ay nakalimutan mo na kami. Natatawa nga ako sa sarili ko dati, dahil may times na hindi ako makatulog dahil umiiyak ako dahil iniwan mo kami."

"Anak pasensiya na---"

"Pasensiya? Hahaha nagbibiro ka ba Tay? Sa tingin mo gano'n gano'n na lang lahat ng 'yon? Naghirap kami dahil sa 'yo! Nihindi ka nga nagpakita no'ng namatay si Nanay eh. Hindi ka din nagpakita no'ng mga panahong wala kaming makain ni Nanay. Wala ka no'ng mga panahong nag-uulam kami ng asin dahil sa hirap, dahil iniwan mo kami." saad ko habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

"Alam ko anak na hindi gano'n kadali 'yon.Kaya gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako." saad niya.

"Hindi po ako nagpunta dito para patawarin kayo. Gusto ko lang malaman kung bakit niyo ako iniwan at kung ano ang kaugnayan mo sa lalaking 'to!"

"Hindi ko na kasi malaman kung saan tayo kukuha ng pagkain kaya napilitan akong maghanap ng trabaho. Kung saan-saan ako napadpad para lang maghanap ng trabaho para makaipon ng pera. Tapos napadpad ako sa California. Nakilala ko ang Nanay ni Ivanne na si Theresa. Pumasok ako sa kanila bilang driver. Iniwan siya ng asawa niya kaya ako ang tumayong Ama ng mga anak niya. 'Di ko inaasahan na mahuhulog ako kay Theresa."

"Seriously? Mas pinili mo pang mag-alaga ng taong hindi niyo kadugo pero 'yong sarili niyong anak, hindi niyo man lang inalagaan. Iniwan niyo kami ni Nanay! Iniwan niyo kami!" saad ko.

"Hindi ko sinasadya na iwanan ko kayo. Patawarin mo 'ko."

"Kayo ang may kasalanan kung bakit namatay si Nanay! Kaya hinding-hindi ko kayo mapapatawad!" saad ko. Tumakbo ako at pumara ng tricycle pero sinundan naman ako ni Ivanne gamit ang sasakyan niya. Pag-uwi namin ng bahay ay hinawakan niya ako sa braso ko at inawat.

"Ganiyan ka ba talaga sa Tatay mo? Nagmamakaawa na siya sa 'yo tapos ayaw mo pa rin siyang patawarin?"

"'Wag kang makialam! Wala kang alam sa nararamdaman ko. Bakit? Alam mo ba 'yong feeling na iniwan ng ama? 'Alam mo ba 'yong feeling na magsuffer sa hirap dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa 'min?"

"Oo alam ko! Alam ko kung ano ang pakiramdam ng iwanan ng sariling ama! Alam na alam ko ang sakit dahil iniwan din kami ng tatay namin."

"Alam mo naman pala eh. Bakit mo ako pinipilit na patawarin 'yong isang taong nang-iwan sa 'min?"

"Pinaliwanag niya naman 'yong mga gusto mong malaman kung bakit ka niya iniwan ha! 'Di ba 'yun 'yong gusto mo? Ang malaman kung bakit niya kayo iniwan?"

"Oo nalaman ko na! Pero hindi pa rin sapat sa akin 'yon para patawarin ko siya."

"Ano ba dapat ang gawin sa 'yo no'ng tao para patawarin ka niya? Lumuhod siya sa harap mo?"

"Bakit? Napatawad mo na ba 'yong Tatay mo na nang-iwan din sa inyo?"

"Oo napatawad ko na siya kahit hindi niya kami dinadalaw! Alam kong nakalimutan niya na kami pero hinding-hindi namin siya makakalimutan. Oo iniwan niya kami, pero hindi ibig sabihin no'n, hindi niya deserve patawarin! Lahat ng tao nagkakamali and they deserve to give a chance at mahalin ulit kahit nagkamali sila."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Tumulo muli ang mga luha ko at nagtatakbo ako papunta sa taas. Ibinuhos ko lahat ng nararamdaman ko.

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil iyak ako ng iyak. Alas 8 na pala ng gabi. Mayamaya ay mayroon akong narinig na katok sa pintuan ko.

"Nathan, can we talk?" tanong sa akin ni Tita Angela. Agad ko namang binuksan ang pintuan ko. "Nabalitaan ko 'yong nangyari. Alam ko hindi ako dapat makialam sa nararamdaman mo pero ako ang tumatayo bilang ina mo. Alam kong masakit ang nararamdaman ng Tatay mo ngayon dahil sa nangyari sa inyo. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa puntong ito Nathan, nahihirapan din siya. Sa tingin mo magugustuhan ba ng Nanay mo ang nangyayaring 'to kung nabubuhay siya? Sigurado akong mas pipiliin niyang mabuo at maayos ang pamilya niya kasi maging ganito." saad ni Tita Angela. Natauhan ako sa sinabi niya. Siguro tama siya.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon