Chapter 28

183 5 0
                                    

CHAPTER 28

Agad niyang kinuha ang kulay asul na polo at isinukat. Bagay na bagay ito sa kaniya.

"Bagay ba?" tanong niya.

"Oo." maikling tugon ko.

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa isang park. Maraming bata ang naglalaro.

"Ang cute ng mga bata noh?" saad niya.

"Oo nga. Sana naexperience ko din 'yong paglalaro no'ng bata pa ako. Nakakamiss palang maging bata."

"Gusto mo laro tayo?" aya niya.

"Hahaha 'wag na. Baka sabihin ng mga magulang na nandyan, para tayong isip bata."

"'Wag mo kasi silang pansinin. 'Wag mong pakinggan 'yong sasabihin ng iba. Kung ano ang sinasabi ng puso mo, 'yon ang sundin mo."

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya. Dapat hindi ko iniisip ang sasabihin ng iba dahil wala naman akong pakialam. "So ano, tara? Laro tayo?"

"Sige!" saad ko.

Sumakay kami sa seesaw at sa duyan. Ang saya ding makipaglaro sa mga bata.

"Ngayon ko lang 'to naexperience!" saad ko.

Nginitian niya ako. Nang mapagod na kami ay umupo kami sa isang bench. Pawis na pawis ako. Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa. Kinapa-kapa ko 'yong bulsa ko para kunin 'yong panyo pero hindi ko pala nadala. Naiwanan ko. Nilapit niya ang kamay niya sa mukha ko at pinunasan ito.

"A-ako na." saad ko sabay kuha sa pamunas niya.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong niya.

"Oo sobra. Thank you nga pala sa pagdala mo sa 'kin dito."

"Walang anuman. By the way, bukod kay Gerald, may naging boyfriend ka pa ba na straight guy?" pag-iiba niya.

"Hmm... wala na."

"So siya lang 'yong first love mo?"

"Oo."

"Edi sobrang sakit no'ng nalaman mong niloko ka lang niya?"

"Oo, pero nakapaghanda naman ako. Nalaman ko na din kasi na nakikipagflirt pala siya sa ibang babae habang may jowa siya."

"Masakit pa din ba?"

"Oo. Pero naniniwala naman ako na makakamove on din ako sa kaniya. Naniniwala ako na bibigyan ako ni God ng isang lalaking mabait, mapag-alaga at mabuting lalaki balang araw. Ikaw? Ilan na naging ex mo?" tanong ko.

"I think, apat o lima na."

"Grabe! Lima? Babaero ka siguro kaya andami mong nabiktima."

"Hahaha hindi naman, siguro naaakit lang talaga sila sa kagwapuhan ko."

"Umayos ka nga! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo eh." saad ko sabay tawa.

"Haha biro lang. Dalawa lang talaga 'yong sineryoso ko sa kanilang lahat."

"So ibig sabihin, playboy ka?"

"Let's say na gano'n nga pero may dahilan naman ako kung bakit ko ginawa 'yon."

"Bakit?" curious na tanong ko.

"Kiss mo muna ko." saad niya.

"Baliw!" saad ko.

"Hahaha. Ganito kasi 'yon. 'Yong tatlong naging ex ko, pinaglaruan ko kasi nakikipaglaro lang din sila."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Nalaman ko kasi na nakikipaglaro lang sila. Mayroon pala silang nilalanding ibang lalaki habang magjowa pa kami, so ayon, nakipaglandian din ako sa iba. Gantihan lang 'yan!" saad niya sabay kindat.

"Tara na uwi na tayo!" aya ko sa kaniya. Nakaramdam na kasi ako ang pagkagutom.

Kinabukasan ay birthday na ni Ivanne. Ramdam kong sobrang saya niya dahil 21 na siya ngayon.

"Hi bes!" bati sa akin ni Francis at Veron. May dala-dala silang regalo para kay Ivanne. Nagbeso-beso kaming tatlo. "Happy Birthday Ivanne!" bati nila.

"Thank you guys! Nag-abala pa kayo."

"Oh Ivanne nandito ka na pala!" saad ko. May pinuntahan kasi siya kanina.

"Oo. Sige maiwan ko muna kayo magbibihis muna kami ni Nathan." saad niya.

Paglabas niya ay namangha ako. Ang gwapo niyang tingnan sa suot niyang polo na binili namin. Nagpagupit din siya ng bagong hairstyle. Nilahad niya ang kamay ko at nagpunta kami sa labas.

Mayamaya pa ay dumating na ang mga kaibigan niya.

"Bes, uwi na kami ha, gabi na kasing masyado, magbubunganga na naman kasi si Mudrakels kapag hindi pa 'ko umuwi. Tumakas lang kasi kami nitong si Veron."

"Sige, sasabihin ko na lang kay Ivanne. Salamat sa pagpunta." saad ko sabay alis nilang dalawa.

Nalungkot ako dahil sa nangyari. Sigurado ako ma-aawkward lang ako dito sa baba.

"Are you okay?" tanong ni Tita ng mapansin na parang malungkot ako.

"Opo Tita."

"Nasaan na 'yong mga kaibigan mo?"

"Umalis na po tita. Sige po doon po muna ako sa taas." paalam ko.

Nakatingin lang ako sa baba habang nagkakasiyahan sila.

"Bakit ka umalis sa baba?" tanong ng isang boses mula sa likuran ko. Alam kong kay Ivanne ang boses na 'yon.

"Wala. Umalis na kasi sila Francis eh. Saka nabobored ako, kaya umakyat ako dito. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Para samahan ka. Sinabi kasi ni Tita na nandito ka at mag-isa. Wait lang, may kukunin lang ako sa kwarto ko diyan ka lang." saad niya sabay punta sa kwarto niya. Ano kaya 'yong kukunin niya?

Paglabas niya ay dala-dala niya ang gitara niya. May dala din siyang isang rose at inabot niya sa akin.

"Happy Monthsarry!" saad niya. Sana magustuhan mo 'tong kakantahin ko. Almost 2 weeks ko din 'tong pinractice." saad niya sabay kalabit sa gitara.


"Wish I May"

Wish that I could say these words tonight
Wish I have the courage, wish I might
Have the chance to show you, speak what's on my mind
While you're right next to me
I've loved you from the start

Wish that I could walk you down the road
Share each moment, have my hand to hold
My imagination's beginning to unfold
Every wish is granted, every dream and hope

Wish I may, wish I might
Find a way to your heart
Wish that I'll be the sun to warm you all through your life
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might
Be the one

Maybe now I'm ready to be found
Then I'll be a part of who you are
Promise of forever, never break your heart
Always there to listen, always by your side

Wish I may, wish I might
Find a way to your heart
Wish that I'll be the sun to warm you all through your life
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might
Be the one

(Wish I may, wish I might
Find a way to your heart
Wish that I'll be the sun to warm you all through your life)
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might
Be the one
Wish I may
Wish I might
Be the one

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon