CHAPTER 14
Kinuha niya ang susi sa ibabaw ng table at umalis na kami.
"Ituro mo na lang kung sa'n 'yong daan." saad niya.
"Diretso lang." utos ko.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay nakarating na kami. Bumaba na ako sa kotse niya.
"Pasensiya na maliit lang kasi 'yong bahay namin. 'Wag ka na lang pumasok kung ayaw mo. Sunduin mo na lang ako mamaya." saad ko pero nagulat ako ng bumaba siya at sumunod sa akin papasok sa loob.
"Pwede bang isang request pa?" saad ko.
Kumunot ang noo niya. "Gusto ko sanang pumunta sa sementeryo." saad ko. Agad naman siyang tumalima sa inutos ko. Sumakay kami at dinala niya ako sa sementeryo.
"Bakit tayo nandito?" tanong niya.
"Basta. Medyo mainit dito kaya 'wag ka na lang sumama sa akin. Diyan ka na lang sa kotse." saad ko pero sumama pa rin ito sa akin. Wala na akong nagawa kundi isama siya. Naglakad kami unti-unti.
"Ayy oo nga pala, diyan ka muna bibili lang ako ng kandila."
"Ako na lang bibili." saad niya sabay lakad papunta sa tindahan. Hindi niya kinuha sa akin ang pera na dapat ay pambili ng kandila, bagkus ay siya na ang nag-abono nito. Agad naman niya sa akin itong iniabot ng makabili siya.
"Nay, nandito na po ako. Sorry po kung madalang ko kayong mabisita. Heto nga po pala si Ivanne, siya 'yong kasama ko sa bahay ni Tita Angela." pakilala ko sa kaniya.
Mayamaya lang ay umalis na kami dahil nakaramdam ako ng gutom. Gusto ko ng umuwi. Kaya naman bumalik na kami sa bahay ni Tita Angela.
Sakto namang pagdating namin ay naghahain na sina Manang ng pagkain para sa tanghalian. Nang matapos akong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Nakita ko naman si Ivanne na sakay ang kotse niya at umalis. Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga.
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko.
"Bakit 'di mo ako pinapansin?" tanong niya na may kasamang emojing nakapout. Buti na lang at may load ako kaya naman tinawagan ko siya. Agad niya naman itong sinagot.
"Hi! Good Morning!" bati niya.
"Hello? May sasabihin sana ako." saad ko
"Ano 'yon?"
"Kung manliligaw ka sa akin diretsuhin mo na ako. Ayoko kasi ng nagpapaligoy-ligoy pa." saad ko sa mataray na boses.
"Pasensiya na, hindi ko kasi masabi 'yong nararamdaman ko sa 'yo. Nung una kitang makita, hindi ko maipaliwanag 'yong nararamdaman ko." saad niya.
"Hangga't maaari ayoko sanang manligaw ka kasi masasaktan ka lang. Ayoko na kasing magmahal ulit. Nasaktan na kasi ako dati." malungkot na saad ko.
"Promise hindi kita sasaktan! Magkita tayo sa monday sa likod ng Gym, mag-usap tayo."
Pumayag na lang ako sa gusto niyang mangyari. Sasabihin ko na lang din sa kaniya na ayoko munang magkaroon ng kasintahan sa ngayon.
Ipinikit ko ang mata ko at nakatulog. Pagdating ng lunes ay nagtungo ako sa sinabi niya kung saan kami magkikita.
"Hindi pa ako ready. Ayoko munang sumubok ulit sa relasyon."
"Liligawan kita kahit anong mangyari."
"Ayoko nga! Sinasabi ko sa 'yo masasaktan ka lang! 'Wag mo ng ipilit. Wala ako sa mood makipagrelasyon sa straight na kagaya niyo. Ayoko na ding magkaroon pa ng boyfriend. Ako lang kasi 'yong mas nasasaktan." saad ko sabay alis. Hindi ko naman intensiyon na saktan siya pero alam kong heto lang ang maaari kong gawin para hindi na siya umasa sa 'kin.
Pumunta ako sa cafeteria at sakto namang naabutan ko si 'yong dalawang bago kong kaibigan na sina Veronica at Francis.
"Huy bes! Bakit naman pang biyernes santo mukha mo? Malayo pa mahal na araw." bungad sa akin ni Francis ng maupo ako sa tabi nilang dalawa.
"May nangyari kasing hindi maganda."
Hinagod-hagod naman ni Veronica ang likod ko. "Okay lang 'yan bes."
Ngumiti ako ng pilit sa kanilang dalawa para ipakitang okay na ako.
"Oo nga pala, pakibigay naman 'to kay Ivanne." saad ni Francis sabay abot ng sulat. "Crush na crush ko na kasi si Ivanne, ang gwapo-gwapo."
"Hayst. Alam niyo ba, ang sungit kaya ni Ivanne. Sigurado akong lalamukusin niya lang 'to. Straight guy kasi 'yon. Sigurado akong hindi papatol sa kagaya natin 'yon." saad ko.
"Bes naman, ang nega mo! Think positive! Sabi nga sa isang kasabihan, The negative mind will never give you a positive life! Kaya naman positive lang tayo!"
"Hindi naman ako negative na tao, sinasabi ko lang naman kung ano ang pwedeng mangyari." saad ko.
"O siya basta ibigay mo 'yan ha!"
Habang nasa biyahe kami ni Ivanne ay tinanong niya ako.
"Bakit mo ginawa kay David 'yon?" tanong niya. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Ayoko muna kasing pumasok sa relasyon. Tiyak naman ako na masasaktan ako lalo na't straight guy siya. Baka paasahin lang ako no'n gaya ng ginawa sa akin no'ng ex ko.
"'Di naman lahat ng lalaki pare pareho." pagdedepensa niya.
"Yah that's true pero iniiwas ko lang kasi 'yong sarili ko sa mga bagay na maaari kong ikasakit. Sigurado naman akong darating sa point maghahanap siya ng tunay na babae kasi hindi ko maibibigay 'yong pangangailangan niya." sabi ko. Natahimik na lang siya. Siguro ay narealize niya na tama ako.
Pag-uwi ko ay iniabot ko sa kaniya ang sulat na ibinigay sa akin ni Francis.
"Oo nga pala, may nagpapabigay sa 'yo. Crush ka kasi no'ng kaibigan ko. Para sa 'yo daw 'yong letter na 'yan." saad ko. Agad naman niya itong tinaggap. "'Wag mo sanang itapon basta basta. Basahin mo muna kung itatapon mo lang. Alam ko kasing nag-effort siya sa paggawa niyan. Alam ko kasing hindi ka papatol sa kagaya namin kaya alam kong itatapon mo lang 'yan." saad ko. Nagkatitigan kami saglit pagkatapos kong sabihin 'yon. Agad naman akong tumalikod pagkatapos kong ibigay sa kaniya.
"Paano kung pumatol ako?" saad niya pagtalikod ko. Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Tumingin ako sa kaniya pero umiling-iling lang siya. Bakit niya sinabi 'yon? Sa tingin ko ay nagbibiro lang siya. Siguro ay hindi ko dapat seryosohin ang mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...