CHAPTER 4
"Are you nervous?" tanong ni Gerald sa akin ng makarating kami sa tapat ng bahay nila.
"Oo." maikling tugon ko. Lalo pa akong kinabahan ngayong nandito na kami sa tapat ng bahay nila. 'Di ko maipaliwanang ang kabang nararamdaman ko. Nanlalamig na din ang mga palad ko.
"Don't worry, I'm sure matatanggap ka nila." sambit niya sabay dampi ng labi niya sa noo ko. Ngumiti ako at tumango bilang tugon sa sinabi niya.
"Good Evening po Tito and Tita!" bati ko sa kanila. Nakaupo sila sa mahabang table at ramdam ko na kanina pa sila naghihintay sa aming dalawa. Ramdam ko din na nagulat sila ng pumasok ako.
"Have a sit!" nakangiting saad ng Mama niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang pinapakita niya. Nararamdaman ko kasi na ayaw nila sa akin dahil sa kasarian ko.
Nanginginig akong umupo sa tabi ni Gerald pero hindi ko sa kanila ito ipinahalata.
"So what's your name again? Sorry i forgot." saad ng Mama niya.
"I-I'm Nathan Monteverde po." pakilala ko. Mukhang inoobserbahan ako ng mga magulang niya lalo na 'yong papa niya. Nakatingin lang kasi ito sa akin kanina pa.
"Oh Nathan! What a nice name! But, let me ask you a question. Are you a gay? Sorry no offense." mataray na saad ng Mama niya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa tanong niya. Tama nga! Iniimbestigahan nila akong mabuti.
"O-opo." nabubulol na saad ko.
"Okay! So, anong trabaho ng Nanay mo?"
"Nasa bahay lang po siya ngayon. Dati po kasi katulong siya then, nagkasakit po siya sa puso kaya ako na lang po ang nagtatrabaho." pahayag ko.
"Then, 'yong Papa mo naman?"
"Bata pa lang po ako ng iwan niya kami ni Nanay. May iba na po siyang pamilya ngayon."
"Oh I'm sorry dear. You're such a hardworking person! I loved it! Saka ang galing ng Nanay mo dahil naitaguyod ka niya kahit mag-isa siya." saad niya sabay ikot ng mata niya. Mukhang nagpaplastikan na lang kami. Hindi ko gusto ang trato niya sa akin. Kung ayaw niya ako para sa anak niya ay sana diretsuhin na nila ako.
"Anak, puwede ba tayong mag-usap?" saad ng Mama niya sabay tayo at punta sa kusina. Sumunod naman si Gerald sa kaniya.
"Ganyan lang talaga ang asawa ko, 'wag mo na siyang pansinin. Ngayon lang kasi nanligaw si Gerald ng isang katulad mo." saad ng Papa niya. Ngumiti ako ng mapait sa kaniya.
Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik na sila sa hapag-kainan.
"Didiretshin na kita. Ayoko sa isang kagaya mo para sa anak ko. Baka kasi mamaya, oportunista ka pala. Lahat ng yaman namin gagamitin mo para umangat ang buhay niyo ng magulang mo. Saka hindi kita tanggap sa anak ko dahil diyan sa kasarian mo. Look at yourself! Walang ginawa ang Diyos na ganiyan! Ang babae ay para sa lalaki lamang at ang lalaki ay para sa babae. Bawal magsama ang lalaki at ang lalaki." saad niya na ikinagulat naming dalawa ng Papa niya.
"Naku pasensiya ka na, ganiyan lang talaga ang asawa ko, masyadong mapagbiro."
Ngumiti ako ng pilit at nagsalita. "'Di niyo na po kailangan pang pagtakpan pa anh asawa niyo. Sabi ko na nga po eh! Dapat po kasi una pa lang sinabi niyo na! Perpekto po ba kayo? Sa pagkakaalam ko din po kasi, walang karapatan ang isang tao na manghusga ng kapwa niya. Saka ayoko din ng plastik na kagaya niyo. At isa pa, 'wag na 'wag niyo po kaming pagsasabihan na oportunista dahil unang-una po sa lahat hindi niyo po kami kilala." Tumayo ako sa table at akmang aalis na.
"Ang bastos mo! Pati nakatatanda sa'yo sinasagot mo? Ganiyan ba ang turo ng magulang mo sa 'yo?"
"Hindi po. Pero karapatan ko pong ipaglaban ang sarili ko kapag naaapakan na ang pagkatao ko."
Umalis na ako. Hindi ko na kaya pang makipagsagutan sa magulang niya peto sinundan niya ako."Kapag sinundan mo 'yang bakla na 'yan, kalimutan mo ng anak ka namin dahil itatakwil ka namin!" rinig kong sabi ng Mama niya.
"Hindi na bale, matagal naman na akong walang pamilya. Hindi ko nga maramdaman ang presensiya niyo dahil puro trabaho na lang ang inaatupag niyo." saad niya sabay alis at hawak sa kamay ko.
"Please don't let me go. 'Wag kang umalis."
"Sorry pero kailangan talaga. Hindi ako tanggap ng mga magulang mo para sa 'yo. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"
"Naiintindihan ko 'yon. Pero promise me na hindi tayo susuko."
"Ayoko na! Ayoko ng makasama pa ang Mama mo."
"Please 'wag! 'Wag mo kong iiwan. Isasalba pa natin ang relasyon natin." Niyakap ko siya. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa nangyayari. Tumango na lamang ako. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang iwan siya.
"Magkita na lang ulit tayo bukas." paalam niya.
Umalis na ako. Akala ko ay doon na matatapos ang lahat. Buti na lang at hindi siya sumuko at hindi siya nakinig sa sinasabi ng Mama niya. Buti na lang pinaglaban niya ang relasyon namin.
Pinunasan ko muna ang mga luha sa mga mata ko bago ako pumasok sa bahay.
"Kamusta anak 'yong dinner niyo?"
"Hindi po okay Ma. Nagkasagutan po kasi kami."
"Ha? Bakit naman anak?"
"Masyado po kasing mapagmataas 'yong pamilya niya Nay, saka hinusgahan niya po ako base sa estado ng buhay natin at sa kasarian ko." malungkot na saad ko.
"Eh dapat pala layuan mo na din si Gerald kung ayaw sa 'yo ng magulang niya eh."
"Oo nga po Nay eh. Pero hindi po kasi gano'n kadali 'yon. Napamahal na din po kasi ako d'on sa tao."
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. "Basta anak, mag-ingat ka sa kaniya. Hindi natin alam kung ano pang puwedeng mangyari sa relasyon niyo lalo na't ayaw sa 'yo ng mga magulang niya. Basta susuportahan kita kung ano ang gusto mo." saad niya. Napangiti na lamang ako. Buti na lang at nandito pa siya para pawiin ang kalungkutan na nadarama ko. Sana ay 'wag akong iwan ni Nanay dahil siya lang 'yong sandigan ko sa tuwing may problema ako.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...