CHAPTER 27
Pagpasok namin sa kwarto niya ay inihiga ko siya sa kama niya. Napapatong ako sa kaniya. Nagising siya dahil sa nangyari. Nagulat na lamang kaming dalawa. Mayamaya pa ay agad na lamang itong nakatulog. Hayst! Ang tigas tigas kasi ng ulo nitong mokong na 'to!
Tinaggal ko ang polo na suot niya para naman mapreskuhan siya. Habang tinatanggal ko ay bigla niya akong niyakap dahilan para mapapatong na naman ako sa kaniya. Hindi ako makagalaw dahil sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Patay ako nito! Hindi ako makakatulog sa kwarto ko.
Kinabukasan ay nagulat siya dahil nakahubad siya.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Nalasing ka kasi kahapon. Sabi mo hindi nakakalasing 'yong alak na 'yon? Buti na kang nakauwi tayo ng ligtas."
"Eh bakit ako nakahubad? May nangyari ba sa 'tin? May nagawa ba ako sa 'yo?" tanong niya. Natawa ako ng mahina. "Hahaha! Tinanggal ko 'yong polo mo kasi pawis na pawis ka! 'Wag kang mag-alala, wala kang ginawa sa akin at mas lalong wala akong ginawa sa 'yo." saad ko.
"Sigurado ka? Baka kung ano na ginawa ko sa 'kin ha!"
"100% Sure! Wala akong ginawa sa 'yo. Nagsasabi ako ng totoo!"
Napadako ang mata niya sa pantalon niya. "Buti na lang may pruweba. Buti na lang at damit ko lang ang hinubad mo, hindi 'yong pantalon ko." saad niya.
"Grabe ka naman! Hindi ako gano'ng klaseng tao noh!" saad ko.
"Biro lang naman." saad niya. Sabay kaming nagpunta sa kusina para kumain ng umagahan. May pasok pa pala kami ngayon. Bukas naman na ang birthday ni Ivanne.
Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na kami. Buti na lang at hindi kami nalate.
"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Ang saya mo kahapon tapos ang lungkot mo ngayon. May problema ba?" tanong sa akin ni Francis.
"Wala naman."
"So kamusta kayo ni Ivanne kagabi? May nangyari ba?" tanong niya. Bigla ko na namang naalala 'yong mga nangyari pagkatapos naming kumain.
"Lumabas lang kami." saad ko.
"Okay!" saad niya. Mayamaya pa ay dumating si Ivanne.
"Hey guys!" bati niya kina Francis at Veronica.
"Hi!" bati naman no'ng dalawa.
"Kailan nga pala 'yong monthsarry niyo?" tanong ni Francis.
Natigilan kaming dalawa. Nilakihan ko siya ng mata para signalan siyang siya na ang magsabi.
"Bukas!" saad niya. Halos isang buwan na pala kaming nagpapanggap na magjowa dito sa school. "Oo nga pala sakto! Punta kayo bukas sa bahay, birthday ko may konting salo-salo." saad niya.
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay mayroong nakita si Ivanne na isang babae na nadulas kaya naman tinulungan niya ito.
"Okay lang miss?" tanong niya.
"Oo. Thank you!" saad ng babae sabay alis.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...