Chapter 30

175 4 0
                                    

CHAPTER 30

Kinabukasan ay hinatid ako ni Tita Angela. Hindi na kami sabay pumasok ni Ivanne. Nangako ako sa sarili ko na iiwasan ko na siya at alam kong 'yon lang ang tanging paraan.

"Malungkot ka na naman. Ano na namang problema mo?" tanong sa akin ni Veronica.

"Inamin ko na kay Ivanne 'yong nararamdaman ko."

Kapwa nagulat silang dalawa dahil sa sinabi ko. Hindi agad silang dalawa nakapagsalita.

"What? Ano namang sabi niya?" tanong ni Francis.

"Ginawa lang pala namin 'yong pagpapanggap na 'yon para mahalin ko siya."

"So ibig sabihin patay na patay sa 'yo si Papa Ivanne?"

"Ewan ko don. Basta 'yon lang 'yong sabi niya eh."

"Wala na bang pag-asang maging kayo pa ulit? Bagay sana kayong dalawa."

"Wala na! Mas mabuti na sigurong iwasan namin ang isa't isa para makalimutan na namin ang mga nangyari sa amin."

Nalungkot silang dalawa dahil sa sinabi ko. Kinahapunan ay alas sais na ng hapon pero wala pa rin si Ivanne. Hinayaan ko na lang siya. Baka kasi nagkatuwaan lang sila ng mga barkada niya.

Habang nakaupo ako sa kama ko ay mayroong nagtext.

"Nathan, si Ivanne naaksidente! Nandito siya sa hospital ngayon. Itetext ko 'yong address." saad ng kaibigan niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Agad akong bumaba at pumara ng sasakyan. Nakakainis naman si Ivanne! Kung saan saan kasi 'to nagpupupunta!

"Saan ba kasi siya nanggaling?" tanong ko sa kaibigan niyang nagbabantay sa kaniya. Nakahiga at tila walang malay si Ivanne.

"Sa bar daw."

"Ano namang ginawa niya do'n?"

"Uminom. Gusto niya daw kasing makalimutan 'yong problema niya. Hindi ko nga alam kung anong problema 'yong sinasabi niya eh. O sige mauna na muna ako, ikaw na magbantay sa kaniya." paalam ng kaibigan niya. Palagay ko ay ang problema namin ang gusto niyang kalimutan. Napakamot ako sa ulo ko.

"Kayo po ba ang kasama sa bahay ng pasyente?" tanong sa akin ng isang doktor. Sa tantya ko ay nasa 40 na ang edad ng lalaki.

"Opo."

"Hindi naman po gano'ng nasaktan ang pasyente. Buti na lang at hindi gano'n kalala ang inabot niya. Sige maiwan na muna kita." saad niya.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ito nangyari sa kaniya. Mayamaya pa ay tumawag si Tita Angela.

"Hello Nathan, kamusta si Ivanne? Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa kaniya."

"Ayos naman po Tita. Itetext ko na lang po sa inyo 'yong name ng hospital para makapunta kayo." saad ko.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na si Tita Angela. 'Di ko maiwasang mapaiyak at mapayakap sa kaniya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Ako po kasi ang may kasalanan kung bakit nagkaganito si Ivanne. Sorry po Tita."

"Shhh tama na. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Walang may gusto nito. 'Wag mong sisihin ang sarili mo." saad niya.

Buti na lang at nandito siya para pakalmahin ako. "Maiwan muna kita dito, bibili lang ako ng pagkain mo."

Pag-alis niya ay dahan-dahang iminulat ni Ivanne ang mga mata niya. Agad naman niya akong nakita. Tumingin ito sa akin. Galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya na 'to. Dapat ay hindi na lang siya naglasing pa dahil hindi naman 'yon ang solusyon sa problema naming dalawa.

Mayamaya pa ay dumating na si Tita Angela na may dala-dalang pagkain.

"Oh, Ivanne, gising ka na pala." saad ni Tita sa kaniya sabay lapit dito.

"Tita, uuwi muna po ako. Sa bahay ko na lang po kakainin 'yong pagkain." saad ko. Sinang-ayunan niya naman ang sinabi ko.

Pag-uwi ko ng bahay ay nanumbalik lahat ng ginawa sa akin ni Ivanne. Mula sa pagtatanggol niya sa akin sa lalaking humalik sa 'kin, pinagtanggol niya ako kay Gerald, nagpanggap kaming mag on sa campus, sinusuportahan niya ako sa tuwing may practice kami ng volleyball, kumanta kami at hinalikan niya ako, no'ng nagdate kami dahil valentines, no'ng binigyan niya ako ng rose at flowers dahil monthsarry namin at no'ng kinantahan niya ako.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa naalala ko. Ang saya saya ko dati tuwing kasama ko siya pero ngayon, wala na 'yon. Napalitan na ng lungkot dahil heto lang ang paraan para makalimutan ko ang mga ginawa niya sa akin. Inaamin ko na namimiss ko na 'yong dating pamamasyal namin sa mall ng kaming dalawa lang. Gusto ko na ulit siyang makasama. Hindi ko kaya na wala siya sa tabi ko. Nagiguilty na din ako sa ginawa ko sa kaniya. Nang dahil sa akin ay naaksidente siya! Ako ang may kasalanan nito!

Pero bakit tila ganito ang nararamdaman ko? Dapat ay hindi ako nakakaramdam ng awa sa kaniya. Handa na nga ba akong patawarin siya?

Makalipas ang ilang araw ay inuwi na siya sa bahay ni Tita Angela. Ako ang nag-aalaga at nagpapakain sa kaniya. Maayos namana na ang lagay niya. Magaling na din ang mga sugat na naidulot ng pagbangga niya sa puno.

"Sorry sa mga nagawa ko." saad niya.

Napatingin ako nang magsalita siya. "Wala na 'yon. Siguro, mas mabuti nang kalimutan natin ang nakaraan. Mahal na mahal din kita Ivanne. Kahit anong gawin kong iwas sa 'yo, palagi kang laman ng isipan ko. Sinisisi ko nga ang sarili ko dahil sa nangyari sa 'yo eh. Sorry."

"Wala kang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to sa 'kin. Mahal din kita, Nathan." saad niya sabay yakap sa akin. Napaluha na lang ako dahil sa ginawa niya.

Ang gaan-gaan sa pakiramdam dahil napatawad ko na siya. Aaminin kong ang hirap kapag wala siya sa tabi ko at kapag hindi ko siya nakakausap.

"Can i ask you a question?" sambit niya.

"Oo naman."

"Can i court you?" tanong niya. Agad naman akong nag "oo" sa kaniya. Mahal na mahal ko si Ivanne. "'Di ko akalain na magmamahal ulit ako sa kabila ng nangyari sa amin ni Heaven." saad ni Ivanne.

"Ako din. Akala ko wala ng magmamahal sa akin after ng nangyari sa amin ni Gerald. Bakit nga pala kayo nagbreak ni Heaven?" tanong ko. Nag-umpisa ng tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon